Isang oras ang nakalipas nang matapos si Jiselle sa ginawa niyang pagbubura ng alaala ng ilang nakasaksi sa karumal-dumal na pangyayari dulot ng pagsulpot ng mga goblin sa paaralan nila. Kung kaya’t parang walang nangyari sapagkat naging abala muli ang ilang estudyante sa klase nila habang ang iba naman ay siyang-siya sa pagkain sa cafeteria. Samantalang, muli na namang bumalik ang inis ni Jiselle nang bigla na namang sumulpot sa harapan nila si Megan na ikinasira ng araw niya. Samantalang si Timothy naman ay walang pakialam kahit lingkis-lingkisin na ito ni Megan na mas lalong ikinainis ni Jiselle dahilan upang mawalan siya ng gana. Hindi rin maintindihan ni Jiselle kung bakit para bang napakaraming nagbago sa kanilang paaralan, isama mo pa rito ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Timo

