Napaungol si Aloha sa sakit ng katawan na kanyang nararamdaman. Wari mo ay nais niyang maiyak ngunit pinigilan niya ang sarili. Habang nakapikit ay inaalala niya ang lahat ng pangyayari sa nagdaang gabi. Wala na isinuko na talaga niya ang kanyang sarili. Patunay roon ang hindi niya maipaliwanag na pananakit ng buong katawan. Ang hindi maikilos na braso at binti. Ganoon rin ang sakit sa gitnang parte ng kanyang mga hita. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Maliwanag na sa labas. Nakikita niya iyon dahil nakahawi na ang kurtina ng malaking bintana. Lahat ng nakikita niya ngayon ay hindi man lang niya nakita sa nagdaang gabi. Sobrang dilim kagabi na wari mo ay walang bintana sa kinalalagyan nila habang nagaganap ang bagay na iyon. Naagaw ang atensyon ni Aloha ng unti-unting bumukas

