Napahugot ng hangin si Facu habang nakatingin sa ibang tauhan ng hacienda na nagliligpit ng mga pinagpilian ng mga pinag-anihang gulay sa mga oras na iyon. Katatapos lang nilang mag-ani, ng upo, patola, okra, tatlong at kung anu-ano pa. Hapon na rin naman at nagsimula ng magligpit ang mga tauhan ng hacienda para umuwi sa kani-kanilang tahanan. Nakatayo siya sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mga tauhan nila sa iba't ibang ginagawa ng mga ito. May ibang nagdadakot ng mga gulay na hindi na mapapakinabangan para itapon sa hukay na ipinagawa niya. Ang iba naman ay nagtutulong-tulong para mapaghatian ang mga gulay na pwedeng lutuin pero hindi naman na naisama doon sa mga ibabyaheng mga gulay. Nakaalis na rin ang limang truck ng gulay na siyang nagsusupply ng gulay sa Maynila. Sa kanyang

