Hindi naman umaasa si Aloha na darating pa si Harlan ng mga oras na iyon. Alas otso na rin ng gabi at kadarating lang ng daddy at mommy niya mula sa trabaho. Noong bagong uwi lang siya ay nasabi ng Mommy Zenny niya na magreresign na ito sa trabaho para naman maituon ang atensyon sa kanya. Ngunit hindi niya hinayaan ang bagay na iyon. Alam niyang masaya ang mommy niya sa trabaho nito at ang pag-give up nito sa bagay na iyon para sa kanya ay sapat ng dahilan para mapatunayang mahal na mahal siya ng mga magulang. Kaya sa halip na resignation ang maging sagot. Humingi na lang siya ng ilang araw na bakasyon para makasama ito sa bahay. Lalo na at hindi na rin naman siya aalis pa. At mula pa kahapon ay pumasok na ulit sa trabaho ang mommy niya. Kasama ang Daddy Aleho niya. "May hinihintay ka ba

