“Ang Lihim ng A-Series” ⸻ AURORA Hindi ko alam kung anong mas dapat kong katakutan— ang malamig na katahimikan ng pasilyo, o ang bigat ng katotohanang hindi ko pa kayang lunukin. A-Series. Mga kopya. Mga babaeng kamukha ko. Iisa ang mukha. Iisa ang katawan. Pero walang kaluluwa. Parang mga anino ng isang buhay na ninakaw sa akin nang hindi ko alam. Matalim na hangin ang humaplos sa balat ko habang naglalakad kami ni Xavier papunta sa susunod na silid. Hindi siya nagsasalita— hindi niya kayang tumingin sa akin. Good. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kapag nagtagpo ang mga mata namin. “May sasabihin ako,” mahina niyang sambit. “’Wag muna,” sagot ko, hindi tumitingin. “Hindi pa ako handa makarinig ng dahilan mo.” Tahimik siya. Pero ramdam ko ang kirot sa bawat hak

