Nakarating naman si tita na sobra ang pag-aalala sa akin. I smiled wickedly at her to assured that I'm fine but, she didn't believe tho. Umupo na siya sa driver's seat at pinuno ako ng mga katanungan habang, ako'y nakatulala at wala sa sariling sinagot ang mga katanungan niya. Sinimulan na niya ang pagmamaneho buong, biyahe namin ay nakatingin lang ako sa bintana ng kotse. Hanggang sa makarating kami sa dorm ng school.
"Sweetie. Ayos ka lang ba talaga?" hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi .
"Opo, tita. Pagod lang." I said lazily.
"I'm not buying it, as far as my concern I should meddle my own business." malumanay na sabi niya kaya't tumango-tango nalang ako.
"Mag-ingat kayong tatlo lalo na ikaw.. Medyo, nag-aaalala ako dahil hindi kita makikita for two weeks but, then enjoy! I love you and I will miss you my pamangkin."
She kissed my forehead. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik. We bid our goodbyes.
Umakyat na ako patungo sa dorm napansin ko din na wala masyadong tao dito sa sala ng dorm, btw. It is a common dorm it's like a house divided by rooms for girls and voice. We have the dinning hall we're we chitchats and so on. Three story building and had a rooftop. Magkaiba ang dorm ng babae at lalaki lalo na ang hagdan. Para daw hindi magsama yung mag jowa or something.
Naabutan ko si Desteen na nag ma-manicure sa room. Hindi man ganoon ka laki ang room namin ay meron naman kaming sariling cr at double deck ang kama namin, siya sa ibaba at ako naman sa itaas.
"Mau! Nandito ka na pala." Ani niya at ngayon ay nakatingin na sakin.
"Para saan yan?" Tanong ko sabay turo sa ginagawa niya.
"Ah, basta. Trip ko lang." Sabi niya muling binalikan ang ginagawa niya
"Weh?"
"Uy, nga pala hindi kita nakitang magligpit ng gamit mo. Wag mo sabihin saking di ka tutuloy!" Angil niya at iniba ang usapan.
"Tutuloy ako noh, nakalimutan ko lang atsaka madali lang naman akong magligpit." Tumango naman siya.
Tumungo naman ako sa cabinet ko at kinuha ang maleta ko at nagsimulang mag ukay ng dadalhin kong gamit at mga damit. Nakalagay ang mga damit na susuotin ko pati narin ang bag at kunting notebook ko. Bago ko paman makalimutan ay kinuha ko sa sink ng cr ang concealer na nilalagay ko sa leeg ko at ipinasok rin sa aking maleta.
Nag paalam din si Desteen na aalis sila ni Ulap for family dinner kaya ako nalang mag-isa. Umakyat na ako sa higaan upang matulog.
Naiisip ko kung bakit ganoon nalang ang kaba at takot ko kanina sa parking lot ng mall kagaya ito ng naramdaman ko noon. Pilit ko na iwinawaksi iyon sa aking isipan hanggang sa dinalaw na ako ng antok.
Nagising ako sa malakas na katok ng pintuan kaya mabilis akong na pabangon. Ng makababa ako sa higaan ay na dako ang tingin ko sa alarm clock namin, it's just 4:30 am who would knock at early hour?
Napatingin ako kay Desteen na ngayon ay mahimbing ang tulog hindi na antala sa lakas ng katok ng pintuan, such a sleepy head.
Binuksan ko ang pintuan habang humihikab. Nagulat ako ng si Cloud ang bumungad sa akin, nakaligo at naka ayos na. Tumaas ang kilay ko.
"Good Morning." Bati niya.
"Good Morning.... Ang aga mo ata?" Tanong ko habang humihikab.
"Oo, baka malate tayong tatlo."
Nilawakan ko ang pagbukas sa pinto para makapasok siya nauna na siyang pumasok sa loob. Luminga-linga pa ako sa paligid upang tignan kong may tao bang nakakita mukhang wala naman, bawal kasing pumasok ang lalaki sa dorm ng mga babae ganun rin sa mga babae.
Kumuha na ako ng damit na susuotin at tuwalya, papasok na ako ng CR at nakita ko siyang ginigising ang tulog mantika niyang pinsan. Naligo na ako at nakapag bihis na habang tinutuyo gamit ng tuwalya ang aking basang buhok. I'm wearing my white floral dress na abot hanggang tuhod. Sunday naman kaya okay lang siguro na ito ang suotin ko hindi naman ganooon ka revealing.
Pagkalabas ko ay bumungad sakin ang mukha ni Desteen. Mukhang excited na excited siya, pagkatapos ko ay siya naman. Niyaya ako ni Ulap na kumain sa maliit naming table, mukhang na una ng kumain si Desteen habang si Ulap ay patapos na. Inilapag niya ang kakainin ko sa table, umupo na ako at nag pasalamat. Niligpit niya na pinagkainan nila ni Desteen at pagkatapos ay nagpaalam na siya upang hindi raw kami mahuli, maghihintay nalang daw siya sa baba.
Pagkatapos kong kumain ay saktong pag labas ni Desteen naka suot siya ng
ripped jeans and green crop top at nakalugay ang straight niyang buhok.
Linigpit ko na ang pinagkainan ko at pumasok ulit sa CR para mag toothbrush pag katapos ko ay lumabas na rin ako.
"Hihintayin ka nalang namin sa baba mukhang matatagalan ka pa."
Sabi ko sabay tingin sa kanya na ngayon ay naka upo sa harap ng table mirror namin para magmake-up. Kinuha ko nalang ang maleta ko.
"Hehe, thirty minutes lang naman, Mau." Humagikgik siya habang tinitignan ako na papalabas ng pintuan na naka puppy eyes.
"Ok, ok. Basta bilisan mo kung ayaw mong ma iwan ka namin."
"Aye. Aye Captain." Tanging narinig ko ng isinirado ko na ang pinto.
Pagbaba ko ay nandun sa couch ng dinning hall si Cloud mag isa at nakatutok sa cellpone. Hindi na ako nag-abalang kulitin siya mukha kasing busy at ang seryoso pa ng mukha.
"Nandito ka na pala, matagal pa ba si Desteen?" tanong niya habang ang buong atensyon ay nasa kanyang cellphone.
"Oo, siguro. Alam mo naman yang pinsan mo." Sabi ko at sinuklay ang aking buhok gamit ng mga daliri ko.
Tumango naman siya at umarko ang kilay na nagtitipa sa kanyang selpon.
Biglang namilog ang mga mata ko ng maalalang hindi pala nalagyan ng concealer ang leeg ko! Damn. Mabilis ko itong tinali, into fish tail. Pagkatapos ay ipinatong ko sa left neck kung saan naroon ang marka ko.
"What's the problem?" Tanong ni Cloud na kunot noo. Napalingon ako sa kanya at napangiti, napansin niya siguro ang pagkabalisa ko.
"W-wala naman." tumaas ang kilay niya. "Nga pala may alam ka ba sa Crimson University?" pagbago ko ng usapan.
"Wala." May diin niyang sabi, ako naman ang napataas ang kilay.
"Pero si mom.... dun siya nag-aral." Pagkasabi niya nun ay dumako ulit ang paningin niya sa cellphone.
"Ah, bakit di ka dun nag-aral?"
"Hmm.. Wala lang at ayaw ko rin-" napatigil ang usapan namin ng may nagtanong na matandang lalaki.
"Kayo ba yung magiging exchange students?" Tanong nito sa amin.
"O-opo, kami nga po at yung isa naming classmate." Agaran kong sabi.
"Ako nga pala si Carlito Marasigan. Ako ang magiging driver niyo patungong Crimson University." Pakilala niya sa amin.
Sakto namang bumaba na si Desteen sa hagdanan at lumapit sa amin.
"Hi po, manong. Ako nga pala si Maurisse. Siya naman po si Cloud." sabay turo ko kay Cloud. "At itong kakarating lang naman po ay si Desteen."
"Oh siya. Kompleto na kayo kaya, halina na kayo sumunod kayo sa sasakyan." Ani niya at naunang lumabas ng building.
Kinuha na ni Cloud at isinuot ang kanyang bag na back pack, habang kami naman ni Desteen ay naka maleta. Sinundan namin ang matanda at laking gulat namin ni Desteen na isang limousine ang naghihintay samin habang, si Cloud naman ay nagkibit-balikat lang.
"Manong ito ba talaga ang sasakyan natin patungo roon?" Manghang tanong ni Desteen habang nakatingin pa rin sa sasakyan.
"Oo, hija. 'Yan kasi ang taga sundo ng mga estudyante namin." Medyo natatawang ani ni manong.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makapasok kami na una si Desteen, sumunod naman ako at panghuli si Cloud siya naman ang nagsirado ng pintuan. Nasa gitna ako nina Cloud at Desteen.
"Picture tayong tatlo." Sabi niya at kinuha ang cellphone.
"Desy! Nakakahiya." Angil ko pero hindi siya nakinig.
Kaya ayon nakailang kuha kami ng litrato gamit ang cellphone niya.
"Tignan niyo ang phone niyo. Nagpost ako sa i********: at na tag ko kayo."
Kinuha ko naman ang phone ko sa maleta at tinignan ang social media account ko. Sumalubong naman ng maraming notifications and compliments galing sa mga friends and classmates namin. Simula nung nagpakalayo-layo ako ay dine-activate ko na lahat ng social media accounts ko. My Maurisse Martinez name accounts from the past is already Isle Martinez now, even in my i********: account.
I like the post and some of the comments. I enjoy my time scrolling thru social media and later on I got bored.
Napansin kong nakatulog na pala silang dalawa nakadukdok ang mga ulo nila sa magkabilang bintana.
"Manong malayo pa po ba tayo?" Tanong ko kay manong na abala sa pagmamaneho. Nilingon niya ako sa desk mirror at nginitian.
"Oo iha. Para di ka mabagot pwedeng matulong ka rin kagaya ng mga kasama mo." Sabi niya at muling lumingon sa kalsada.
"O sige po." Sabi ko at napahikab.
Medyo inaantok na rin ako dahil sa ilang oras na biyahe namin. It's already twelve pero, hindi pa kami nakakarating. Ang layo naman ata ng paaralang yun? Kaya siguro ayaw ni Cloud na mag aral dun kasi sobrang layo.
Sumandal ako sa balikat ni Cloud tutal naka neck pillow naman siya at isinandal ko rin ang ulo ni Desy sa balikat ko para hindi siya mahirapan. Kagaya nila ay natulog rin ako.
Nagising ako sa mahinang tapik ni Cloud. Dinilat ko ang mga mata ko.
"Wake up sleepy head. We're here." Bungad niya pagkamulat ko ng mga mata.
Lumabas na siya at kinuha na rin.ang aking maleta kaya ay sumunod na rin ako. Pagkababa namin ay may sumalubong na isang magandang babae at isang lalaki medyo may ka- edaran na rin sila. Napatingin ako at namangha sa malaking paaralan. Mukhang matagal na ito base sa mukha ay may mga baging at halaman ang nakapulupot na nakadagdag sa kagandahan ng paaralan.
"Good Afternoon, students. Welcome to Crimson University." Bati ng matandang lalaki.
"Good Afternoon." Sabay naming bati pabalik.
"Follow us." Pag kasabi ay tumalikod na ito at nag simulang maglakad.
Nagkatinginan kaming tatlo at hindi maalis ang malawak na ngiti ni Desy. Sabay kaming tumahak habang sinusundan ang dalawang matanda, principal siguro ang lalaki. As usual pag tuwing naglalakad kami ng sabay ay nasa gitna ako.
"Ang creepy naman. Bakit walang mga estudyante na nagkalat rito sa hallway?" Mahinang bulong ni Desy sakin. Napalingon naman ako sa kanya.
"Creepy nga pero, paano mag kakaroon ng estudyante eh, sunday ngayon."
"Ay oo nga pala. Mag grand entrance tayo bukas at magpa red carpet."
"Gaga, school to hindi event."
Napahagikgik lang siya at maging ako rin. Tahimik nga ang paaralan dahil siguro weekends. Kagaya sa Atarah Prestigious University tuwing weekends ay pwede kang umuwi sa bahay at makalabas ng school ng buong araw.
Napahinto sila at binuksan ang isang maganda room ito siguro ang Dean Office pumasok sila at pumasok rin kami. Naupo sa gitna namin ang matandang lalaki sa couch naman ang babae.
"So, just to inform. We have two primary rules." May bahis ng pagkaseryoso. Tumango nalang kami at hinayaan siyang magpatuloy.
"First rule. 'Do not post anything under the school's name. You can take pictures but don't expose it. It is highly confidential'."
"What if I disobey the first what would be happen to me?" Singit na tanong ni Cloud.
Nagbibiro ba siya? Napalingon kami sa kanya at hindi ko makitaan ng bahid ng panunuya ang kanyang mukha, seryoso lang siya.
"Your choice. You'll see what would happen to you." May diin niyang sabi kaya napatingin kami sa kanya. Binalot ng katahimikan ang paligid. Nag katitigan sila ng mariin, na tila ba'y nag-aaway sa kanilang tiningan.
"Btw.... I'm just joking." Walang humor sa pagbigkas niya pero ang mga mata niya ay nagsasabi ng kasalungat.
Nagkatitigan kami ni Desy at napa-ngiti nalang ng pilit.
"Back to the topic." tumikhim siya. "The second and last rule is 'No one is allowed to go outside when its 6:00 pm til 4:00 am. Stay at your respective dorm rooms'.
Napatango-tango nalang kami ni Desy.
"Do you understand it clearly Mr. Cohen?" Napa baling ang atensyon niya kay Cloud.
"Yeah.." nakatiim-bagang niyang ani.
"You are just like your mom, hard headed...." mahinang bulong niya na hindi nakatakas sa aking tenga at ang pagkunot ng noo si Cloud.
"Mang Carlito will escort the three of you in your perspective dorms." Ani nito at lumabas na kami para ihatid ni Mang Carlito yung driver ng limousine kanina.