Chapter 4

1167 Words
Samantala, lumipas ang mga buwan at naging ayos naman ang naging trabaho ni Seiri sa Mansion. Wala siyang naging problema sa trabaho pati sa mga kasama. Kaya lang, palagi siyang sinusungitan ng amo. Minsan nga nasasagot niya na ito. Nagagalit naman si Saint pero hindi siya pinalalayas. Bandang madaling araw nang Lunes nang maalipungatan si Seiri at marinig ang tunog ng gitara. Pati ang malamyos na boses ng isang lalaki. Napakalambing at napakalamig noon. Hindi niya mapigilang sundan ang direksiyon kung saan iyon nagmumula. "Sir?" hindi makapaniwalang sabi ni Seiri nang makita si Saint sa ilalim ng Olive Tree. Nakapikit ito habang nag gi-gitara. Hindi namalayan ni Seiri na dinadala na pala siya ng mga paa niya palapit sa amo. Sobrang lamyos ng boses ni Saint na animo'y hinehele ang dalaga. Natigilan naman si Saint nang maramdaman na may iba pang tao bukod sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito, Seiri?!" halos mag echo ang galit na boses ni Saint nang bulyawan nito ang katulong. Halos mapatalon naman sa gulat si Seiri. "Nacurious lang po ako, Sir. Kung sino yung magaling kumanta habang nag gi-gitara. Ang lamig ng boses niyo at nakakataba ng puso." puri ni Seiri. Natigilan naman si Saint at hindi na ito sinungitan. May kung ano sa puso niya nasisiyahan sa sinabing iyon ng babae. Sanay siya ng pinupuri pero kakaiba ang dulot ng pamumuri ni Seiri sa kaniya. Naghaharumentado ang puso niya sa saya. "Oh.." tanging sagot niya lang at nag patuloy. Hindi naman mapigilang humanga ni Seiri rito. Naupo siya sa tabi ni Saint at hindi naman nagalit sa kaniya ang binata. Nagtagal sila roon hanggang alas dos ng madaling araw bago sila pumasok sa loob ng Mansion at dumiretso sa sarili nilang nga kuwarto. Tila na Last Song Syndrome naman si Seiri sa kinanta ni Saint kaya mabilis siyang nakatulog. Kinabukasan, bumalik sa trabaho si Seiri. Nag linis lang siya sa loob at labas ng Mansion. Tumulong rin siyang mag banlaw ng mga basahan at kurtina kasama ng ibang kasambahay. Nang sumunod na araw, doon na niya nilinis ang lake dahil pinalilinisan iyon ni Manang Lucia. "Linisan mo yung lake, Seiri. Kahit sa mga gilid lang. Tanggalan mo ng dahon-dahon ah. Para hindi maruming tingnan. Nakakahiya kapag may mga bisita." saad ni Manang Lucia. "Sige po, Manang. Ako na po ang bahala roon." sagot naman ni Seiri at dinampot ang dustpan saka walis tingting. Nagdala rin siya ng mga gamit sa paglilinis bago siya dumiretso sa mismong Lake. Bumungad sa kaniya ang malawak at berdeng-berde na paligid. Napakaganda roon at malamig rin ang simoy ng hangin. Hindi naman masakit sa balat ang sikat ng araw dahil sa mga puno. "Nakaka-refresh.." bulong ni Seiri at nag simula ng mag linis. Inalis niya ang mga basura at mga tuyong dahon na nagkalat. Pati mga palaka na naroon, pinagkukuha niya at itinapon sa labas ng Mansion. Nag kalat naman ang mga ito sa gilid ng kalsada. "Pasensya na, mga froglet. Diyan nalang kayo tumira sa kanal kasama ng mga itlog niyo." saad ni Seiri saka umalis roon at bumalik na ng Mansion. Samantala, kinabukasan. Hinanap ni Saint ang kasambahay matapos sabihin ni Manang Lucia kung nasaan ito kahapon. Nakita naman niya si Seiri na nagma-mop ng kusina. "Sir, bakit po?" kunot ang noo niyang tanong. "Seiri! Anong why?! Where's my froggy? Nawawala ang mga alaga kong palaka! Godammit! Sobrang mahal ko ang mga iyon at napakadami na noon!" nang gigil na sigaw ni Saint. "H-Huh? Seryoso po ba kayo, Sir?Hala! Pinag tatapon ko na sila, S-Sir.." kinakabahang tugon ni Seiri. Sobra siyang natatakot dahil para ng dragon ang boss niya. "Whaaat?! Don't you know how important they are?! And I really like the sound of them whenever they're singing, lalo pa tuwing naulan! They are my remedy and also my best buddies!" nanlulumong sigaw ni Saint sa narinig. Napaigtad naman si Seiri sa kaniyang narinig at agad na nangunot ang noo sa pagtataka. "A-Ano raw? Nababaliw na yata si Sir? Jusko! Kumakanta raw ang palaka? Hindi ba't natural nilang sounds iyon lalo kapag naulan? OMG! Lord! Patay ako nito, nagkanda-kalat kalat na sila sa may kanal eh!" mahinang bulong ni Seiri, halos manlamig siya roon. Mas lalo namang nainis si Saint at hinawakan siya ng mahigpit sa braso. "Anong binubulong bulong mo diyan? Kunin mo ang mga iyon! Ibalik mo sila sa Lake!" halos mamula ang muka ni Saint sa sobrang galit, naglalabasan rin ang ugat nito sa muka kaya lalong kinabahan si Seiri. "Hala, sir. Baka wala na ang mga iyon roon? Tiyak na nag gagala na ang mga iyon. Nag kalat na kasi sila.." paliwanag naman ni Seiri. Halos panawan na siya ng ulirat sa nerbiyos lalo at nakikita ang kaniyang amo na seryoso magalit dahil lang sa palaka. "A-Ano kamo?! Paano na ngayon 'yan? Wala ng kakanta para makatulog ako sa tuwing umuulan. Hindi ako makatulog without them, sila rin ang libangan ko kapag naboboring na ako ng sobra, dang it!" naiinis na sabi naman ni Saint. "Sorry, Sir.. Hindi ko po kasi alam na alaga niyo pala ang mga iyon? Akala ko talagang namemeste lang sila sa lake.." sagot ni Seiri. Sinamaan naman siya ng tingin ni Saint. "You're getting into my nerves, ikaw ang peste! Pakialamera ka! Pakialamanan mo ng lahat huwag lang ang Froggy ko! Sh*t! Ikaw nalang ang pumalit sa kanila!" utos ni Saint sa sobrang galit. "A-Ano? Sir naman,nababaliw kana ba? Paanong pumalit sa kanila, Sir? Ako ang mag papatalon-talon sa pool? Sabay kakanta ng Kokak? Err, hindi ko po keri! Hindi ako palaka!" depensa agad ni Seiri. Inirapan naman siya ni Saint. Doon lang lalo napagtanto ni Seiri na attitude talaga ang amo. "Ano ba, SEIRI! Stop being stupid, c'mon. What I mean is, kumanta ka. Don't kokak for me, hindi ka palaka! Tsk. Sumasakit ang ulo ko sayong babae ka. Napaka-hina mong umintindi!" dagdag pa ni Saint sa napipikon na boses. "S-Sorry na, Sir. Hindi ko nagets agad e. Ayaw niyo kasing linawin agad. Akala ko literal na pumalit e. Malay ko bang kakanta lang pala. W-Wait? Sir, hindi ako kumakanta! Boses palaka ako!" tutol ni Seiri. "I like that, kaya ko nga sinabing palitan mo sila. Since, alam kong boses palaka ka rin. Go!" nang aasar na sagot ni Saint. Halos mamula naman si Seiri sa hiya. "S-Sir naman eh, huwag niyo naman akong biruin ng ganyan. Hindi naman ako palaka, kahit kaboses ko sila. Nakakahiya pa rin! Baka asarin ako ng iba niyong tauhan?" kinakabahang sagot ni Seiri. "It's final, sing for me. If you don't then puwede kanang umalis." masungit na tugon ni Saint. "Arghhh! Sige na nga! Kakainis!" sagot ni Seiri habang sinasabunutan ang sarili. "Oh? What? Kung hindi mo tinapon si Froggy baby, hindi mo sila kailangang palitan." nakataas kilay na sagot ni Saint. "Grabe, pakiramdam ko.. Inaasar niyo lang ako e. Pakiramdam ko rin, palaka na ako. Kainis!" nanlulumong turan ni Seiri na may halong inis. Tinawanan naman siya ni Saint saka ito tumalikod. Natulala nalang si Seiri roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD