[ Warning SPG ] Napaisip naman si Seiri kung bakit ganoon ang tanong ng amo. Samantala, nag yakag naman si Saint mag snorkeling at parasailing kinabukasan. "Sige po, Sir! Libre niyo ba?" tanong ni Seiri habang nakatingin sa mga mata ng amo. Natigilan naman roon si Saint. "Ang ganda ng mga mata mo." wala sa sariling sambit ng binata. Natulala naman si Seiri at nag harumentado ang kaniyang puso kaya halos mamula ang muka niya roon. "Sir naman.." "Oo, libre ko. Basta iwasan mo si Thaddeus. Nasusuklam ako sa pag mumuka ng lalaking iyon." malamig na sagot ni Saint. Marahang tumango si Seiri. Wala naman talaga siyang pakialam sa lalaki. Sadyang lagi lang itong nasulpot kung nasaan siya. Kinabukasan, maaga silang umalis sa kuwarto para mag snorkeling. Sobrang enjoy naman si Seiri. Muntikan

