Chapter 2

1000 Words
Napatayo si Seiri sa pagkakaupo at agad dumiretso sa banyo para maligo. Umaga na rin naman kaya nagpasya siyang mag trabaho ng mas maaga. Panigurado rin kasing hindi na siya makakatulog ulit. Habang naliligo hindi mawala sa isip niya ang napanaginipan. "Bakit ba kasi si Sir pa ang laman ng panaginip ko?! Ganoon na ba katindi ang pagnanasa ko sa kaniya?! Gosh! Nakakahiya talaga!" aniya saka mariing kinuskos ang katawan. Makalipas ang ilang minutong paliligo lumabas na siya suot ang unipormeng pang katulong at kinuha ang walis tingting para walisan ang bakuran ng Mansion. Hindi naman akalain ni Seiri na gising na rin ang kaniyang amo. Kagagaling lang ni Saint sa labas ng bahay para mag jogging. Balak na nitong mag asikaso para makapasok sa Opisina. "G-Good morning, Sir!" bati ni Seiri. Tumigil naman si Saint sa harapan niya at sumagot. "Get lost!" suplado nitong tugon. Halos mamula naman sa inis si Seiri, hindi na lang siya sumagot dahil ayaw niyang magkaproblema. Malaki rin kasi ang kita bilang kasambahay sa Mansion ng demonyito niyang amo. Dumiretso naman si Saint sa loob ng Mansion at umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang kuwarto. Nag pahinga lang siya saglit at naligo sa banyo, bumaba rin siya agad at kumain ng umagahan. "Manang.." tawag niya kay Manang Lucia. "Po? Senyorito?" tanong ng matanda. "Sigurado ka bang mapapagkatiwalaan ang Seiri na iyon?" nagdududang tanong ng lalaki. "Oo naman, Sir. Totoo ang mga sinabi niya. Saka wala naman po akong papa-pasukin sa Mansion niyo na hindi niyo magugustuhan ang rason ng pagtatrabaho. Sana lang tumagal siya.." sagot ng matanda. Natigilan naman si Saint sa pag subo ng pagkain. "What do you mean, Manang?" kunot noong tanong ni Saint. "Wala, Sir.." sagot ni Manang habang nangingiti ng alanganin. "Sinasabi niyo yatang kasalanan ko kaya madalas may nagre-resign? Kasalanan ko bang pasaway ang mga iyon?" depensa agad ni Saint. "Oo nga naman, madalas kasing magkagusto sa inyo ang katulong. Kaya inaakit kayo o di kaya'y gusto kayong nakawan. Ang iba naman gustong mag pabuntis para sa pera." sagot ng matanda. Nag salubong naman ang kilay ni Saint sa narinig. Nagsisimula na naman siyang mainis. "Manang.." aniya sa nagbabantang boses. "Oo na, Senyorito. Aalis na ako. Marami pa akong kailangang trabahuhin." natatawang sagot ni Manang Lucia. Naiinis na tinapos ni Saint ang pagkain. Inasikaso naman iyon ng mga kasambahay. Umalis naman si Saint patungong kompanya sakay ng magara niyang sasakyan at nag trabaho. Sa Opisina.. Halos labas-pasok ang mga kliyente at empleyado kaya naman nakaramdam ng inis si Saint. "Clarencia! Huwag kanang magpapasok! Naririndi na ako sa mga tao." sigaw ni Saint sa kaniyang Sekretarya. Nataranta naman si Clarencia, kahit kasi sikat at malaking kompanya ang Zuckerberg's. Ayaw na ayaw ng boss nila ng maraming tao. Kaya mga supervisor, manager o kaya ang Sekretarya niya nalang ang inuutusan niyang makipag ugnayan sa mga ito. "Yes, Sir!" sagot ng babae. Hindi naman mapigilan ng ilan na naisin na makita ang guwapong CEO. "Cancel all my appointment today!" naiinis na dugtong ni Saint at pumirma sa mga mahahalagang papeles. Halos mapunit naman nito ang mga iyon. Nang mag hapon, umuwi na si Saint sa Mansion at naabutan si Seiri na nag ma-mop ng sahig. Kamuntikan na itong madulas sa sariling katangahan. Kaya agad lumapit si Saint para alalayan ito sa likuran. Bahagyang napayuko si Saint at sa pagkakataong iyon, nagkatitigan sila ni Seiri sa mga mata. Ang walang buhay at kakinang-kinang na mga mata ni Saint ay mabilis na kumislap, nagharumentado naman ang puso ni Seiri sa sobrang kaba. "A-Are you stupid? Be careful!" galit na sabi ni Saint saka walang modong itinayo si Seiri. Nakaramdam naman ng hiya at inis ang babae nang makalayo ito. "Antipatiko! Wala naman akong sinabing tulungan ako e." naiinis na saad ng babae. Kinagabihan noon, nakita ni Seiri si Saint na naliligo sa pool area. "Sobrang guwapo talaga nito." bulong niya habang pinagmamasdan ang guwapong muka ng amo at ang matipuno nitong pangangatawan. Nadaanan naman siya ni Manang Lucia. "Seiri.." tawag sa pangalan niya ni Manang Lucia. "Po?!" natatarantang tugon ni Seiri sa natatarantang boses. "Iwasan mo na ang tumitig kay Sir Saint. Masama 'yan magalit. Alam mo ba kung bakit palaging may mga pinaalis na kasambahay rito?" sagot naman ni Manang Lucia. "Hindi po, Manang. Bakit po?" kunot-noo namang tanong ni Seiri. "Dahil ganyan ang ginagawa nila. Pinagpapantasyahan, inaakit, at gumagawa ng bagay na hindi gusto ni Senyorito Saint.." paliwanag ng matanda. Nakaramdam naman ng kakaibang takot at kaba si Seiri sa kaniyang narinig. Hinawakan naman ni Manang Lucia ang kamay ng dalagang kasambahay paalis roon. "Naiintindihan ko na po, Manang.. Hindi ko lang po talaga mapigilan ang sarili kong mamangha. Mayroon pala talagang mga kagaya ni Sir Saint na halos perpekto ang muka. Siguro noong nagpaulan si Lord ng blessings sinalo niya ng lahat." nakangiting sagot ni Seiri. Nanatili namang seryoso ang muka ni Manang Lucia. "Oo, pero ang kaperpektuhang iyon ay may kaakibat na sumpa.." dugtong pa ng matanda. Nakaramdam naman ng takot si Seiri pero naroon pa rin ang matinding kuryosidad. "Bakit naman po?" aniya sa mahinang boses. Takot na mahuli at marinig ng amo. "Hindi niya makuha ang gusto niya. Walang iba kundi ang kaniyang first love na si Cordelia." bulong ni Manang Lucia. "Nasaan po ba si Cordelia, Manang? Patay na po ba siya?" takang tanong ni Seiri. Pinandilatan naman siya ng mata ng matanda. "Ikaw na bata ka! Mag hunos dili ka sa pagtatanong. Siyempre hindi. Buhay pa naman nasa ibang bansa lang. Sa anong dahilan, tanging si Senyorito Saint lang ang nakakaalam." saway ng matanda. "Ay! Akala ko patay na e. Mahal niya pa ba yung babae?" tanong pa ni Seiri. "Hindi ko a---" hindi na natuloy ni Manang Lucia ang pagkukuwento nang biglang mag salita si Saint mula sa likuran ni Seiri. "Hindi ko kayo binabayaran para mag chismisan at mag usap rito." malamig ang boses na saad ng lalaki. Tapos na pala itong maligo, kaya nag iwas ng tingin si Seiri. Umalis naman si Manang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD