Agad umayos ng tindig si Saint at seryosong hinarap ang kaniyang Lolo. "Tinulungan ko lang siya." defensive na sagot ni Saint. "Wala naman akong sinasabi. Ikaw apo, ha.." pang aasar ng matanda. Nilagpasan naman ito ng apo. "Enough, I'm hungry. Seiri!" pikon na tawag ni Saint sa kasama. Nahihiya namang yumuko si Seiri at sumunod sa amo. Dumiretso sila sa Dining Area ng Yacht at kumuha ng pagkain sa mahabang buffet table. Sobrang daming pagkain roon, iba't ibang uri ng lamang dagat at talaga namang napaka sosyal ng pagkaka-decorate ng mga iyon. Naupo naman sila sa bakanteng lamesa at nag simulang kumain ng tahimik. "After this, uuwi na tayo.." saad ni Saint sa seryosong boses. Saka uminom sa juice niya. "Okay, Sir.." sagot naman ni Seiri. Aminado ang babaeng sarap na sarap sa kinakai

