Napatigil ang sasakyan na sinasakyan namin. “Andito na tayo,” wika ng Kuya niya. Bumaba naman kami sa sasakyan, nakita ko na maraming tao ang nandito na para bang meron silang pinaghahandaan na hindi ko alam kung ano. “Secretary Santiago pinapahap po kayo sa taas.” Napangiti naman ako sa sinabi ng isang employee at napatingin kila Ethan. “Hindi doon ang location natin, sa ibang room tayo,” wikang kapatid niya. Napatingin naman sa akin si Ethan at kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Alam ko na nagwo-worry siya sa kung ano ang gagawin o ano ang mangyayari sa araw na ito. Pero binigyan ko lang siya ng magandang ngiti sabya napatango nang kaunti. “Mamaya na lang,” wika ko sa kaniya. Naglakad na ako papasok at iniwan na sila sa labas. Nag-aalala rin ako dahil may pag-asa na magkikit

