Nakatingin lang ako sa kisame, nakatulala at iniisip pa rin kung ano yung nangyari kanina. Ano ba naman kasi ‘yun Elaine?! Ano kapag katangahan talaga panalo ka pa rin? “Huh?” nakatulala lang ako, pinoproseso ang sinabi niya. “Pipiliin mo ba ako?” tanong niya muli sa akin. Napalunok naman ako sabay napaiwas ng tingin sa kaniya. “Oo naman, pipiliin kita… maging driver kasi late na ako eh.” Pag-iwas ko sabay tayo sa kinauupuan ko at kumaripas papasok sa loob ng kuwarto. “Hey, Elaine andito ka ba?!” bigla naman akong nagising sa ulirat ko nang bigla akong tinawag ni Jace. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Napatayo naman ako sa aking kinauupuan sabay napatingin sa kaniya. “Sorry, ano ‘yun?” tanong ko sa kaniya. Napahilot naman

