Agad ko naman siyang tinulak at pinalayo sa akin. “Sabi na eh, dapat talaga hindi na ako sumama sa ‘yo, look puro kalokohan lang din naman pala yung mga sasabihin mo,” inis na sabi ko. Agad kong kinuha ang bag ko para umalis. “But seriously, iyon talaga ang plan na naiisip ko.” Napatingin naman ako sa kaniya nang seryoso. “Then think of another plan. Tsaka lang kita kakausapin kapag meron ka ng plan, for now goodbye,” wika ko sabay lakad paalis sa condo niya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nito ngayon, pero kailangan kong umalis sa condo niya. Kung bakit kasi naisipan ko pang pumunta sa condo niya. Ayon na nga yung sign, alam mo namang meron na ngang nangyari sa inyo tapos sasama ka pa, Elaina?! Kung hindi ka rin naman tatanga-tangang nilalang. Nakakainis! Habang nag-iintay ako

