Hindi ko na natapos pakinggan ang sinasabi nila dahil sa biglang pagtunong ng cellphone ko. Napatingin ako doon at nakita ko na tumatawag sa akin si Dad. Napairap na lang ako sabay napailing-iling. Alam ko na kung bakit siya tumawag at para na naman iyon sa pagpilit sa akin na pumunta sa bahay dahil andoon ang babae niya. “Dad, may trabaho pa ako,” sambit ko sa kaniya. “I told you, Elaine na kailangan mong pumunta dito hindi ba? Sinabihan na kita last week, dapat nagpaalam ka na,” seryoso niyang sabi sa akin. Napahawak na lang ako sa aking ulo dahil sa stress na nararamdaman ko. Hindi talaga siya magpapapigil hanggat hindi ko makita yung babae na ipapalit niya kay Mom. Hindi na rin ako nakipaglaban sa kaniya dahil wala na ring saysay pa ang makipaglaban sa kaniya dahil kung ano ang g

