Napatigil ako dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung seryoso ba siya or hindi sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pero damang-dama ko ang blis ng pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. “Alam mo ikaw ang hilig mong magbiro,” wika ko sa kaniya sabay dahan-dahan siyang tinulak papalayo sa akin. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinignan lang ako. “Paano kung seryoso ako? Kaya mo ba akong seryosohin?” seryosong tanong niya. Doon ay napatigil ako at para bang nakaramdam ako ng kaba sa mga oras na iyon. Bakit kailangan niyang sabihin ang bagay na iyon? Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak niya ngayon, pero kitang-kita sa mga mata niya na seryoso talaga siya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya

