Nakasakay kami ngayon sa sasakyan niya. Bwisit na lalaking ito, ako pa ginawang driver kung buti sana papasahudin niya ako. “T*ngina, ang init,” reklamo niya. Napahinga naman ako nang malalim sabay napahilot sa aking sintido dahil sa pilit niyang paghuhubad. “Ethan, huwag ka ngang maghubad dito, ano ba naman itong lalaking ito. Look andito ka sasakyan ko tapos maghuhubad ka?” inis na sabi ko. Kaya hawak-hawak ko ang kamay niya habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa manibela. Hindi lang naman siya yung nakakaramdam ng init, ako rin kaya dahil nakainom din ako. Pero itong lintek na lalaking ito ayaw pang makisama. “Okay, behave na po,” sambit niya sabay napasandal ang ulo sa bintana at pumikit. Napatingin na lang ako sa kaniya at napailing-iling. Dahan-dahan kong binitawan ang kam

