JASMINE POV Hinatid ako ni Renzo sa airport kasama si Gabby at Mama Pacita. Baka daw sakaling magbago ang isip ko at hindi na tumuloy. Gustohin ko mang mag-stay pero hindi puwede, tatawagan ko na lang siya ng madalas para maibsan ang lungkot niya. "Sige na, papasok na ako at baka maiwan ako ng eroplano," paalam ko sa kaniya. Nakayakap pa rin kasi siya sa akin at ayaw pa akong pakawalan. "I will miss you, please umuwi ka kaagad," sabi niya na may pakiusap. "I will miss you too, promise uuwi ako at magpapakasal na tayo," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Is that a promise?" tanong niya. "Promise, hindi lang basta promise dahil gagawin ko," sabi ko sa kaniya. "Okay, take care. H'wag ka na magpaligaw doon, okay?" bilin niya. Natawa ako bigla dahil para siyang bata. "Oo na, hindi p

