SURPRISE || CHAPTER 18

1492 Words
JASMINE POV Abala ako sa aking ginagawa, nagtambak ang trabaho ko dahil isang linggo akong absent. Naging maayos naman ang lahat ngayon, nagkalinawan na kami ni Renzo at nagsimula ulit. Sa ngayon friends muna kami, pero nag-uumpisa na siyang manligaw ulit. May time schedule siya na inilaan para makapag-usap kaming dalawa. Napapansin kong kakaiba ang kaniyang paraan sa panliligaw kesa noon. Well, magkalayo kasi kami at sa video call lang kami nagkakausap. Minsan pa kahit nasa trabaho siya ay tumatawag talaga siya para lang makausap ako. Ayaw niya na sa audio call lang kami mag-usap, gusto niya open camera para daw ma-inspire siyang magtrabaho dahil nakikita niya raw ako. Ewan ko, parang ako ang nahihirapan sa kaniyang ginagawa, working while talking to me through video call is easy for him. Kung ako 'yon, hindi ako makapag-focus. Minsan nga ay nakakatulog ako sa kalagitnaan ng pag-uusap namin. Tapos paggising ko may mga pictures na akong nakikita sa chats niya. Mukha kong tulog ang lahat ng iyon, nakakahiya pero para sa kaniya ay natutuwa siya. Feeling niya nasa tabi niya lang ako. Ang dami niyang projects ngayon, may bahay nga daw na pinagawa sa kaniya. Pinakita niya sa akin ang disen'yo nito, ang laki at maganda ito. Sabi niya, nasa abroad raw ang nagmamay-ari ng bahay na iyon. Mabilis na lumipas ang mga linggo, buwan at taon. Gano'n pa rin ang status namin ni Renzo. Isang araw tumawag siya sa akin para ipaalam na ikakasal na si sir Drew at miss Dona. Gusto niyang umuwi ako dahil kami raw ang kukunin nilang abay sa kasal. Siya ang best man at ako naman ang maid of honor, kaya nagpaalam ulit ako kay Maam Sandra na uuwi ako. Two years na rin naman ako rito kaya baka puwede akong magbakasyon. Pinayagan naman nila ako ng asawa niya at ni sir Kian, pero hindi ko pinaalam na darating ako. Nasa airport na ako at naghihintay ng taxi. Wala talaga akong tinawagan kahit na sino dahil balak ko silang surpresahin. May taxi na huminto sa tapat ko at agad akong sumakay roon. Sa biyahe ay napangiti ako, ang laki na ng pinagbago ng pinas. Na i-excite rin ako na makita ang kapatid ko at syempre si Renzo, balak ko siyang puntahan sa office niya na hindi niya alam. Nakarating na ako sa bahay ni Mama Pacita, nag-door bell ako at maya maya ay lumabas si Gabby. "A-ate Jasmine!" hiyaw niya. Patakbo siyang lumabas at binuksan ang gate. "Ate, bakit hindi mo sinabing uuwi ka?" tanong niya. "Para surprised," nakangiting sagot ko. "Akin na mga maleta mo, nasa loob si Mama," sabi niya at binuhat ang mga maleta ko. Pangregalo sa kasal ang laman ng maleta at ang iba ay ipamimigay ko sa kanila at sa mga kaibigan ko. "Jasmine," salubong sa akin Mama Pacita. "Mama, kumusta po kayo?" masayang tanong ko. "Okay lang naman iha, bakit hindi mo sinabi na darating ka? Sana nakapagluto kami," sabi niya. "H'wag na po kayong mag-abala Mama, kakain po ako ng kahit ano," nakangiting tugon ko. "Ahm, aalis po muna ako. May pupuntahan lang ako," paalam ko sa kanila. "Kararating mo lang Ate, aalis ka agad?" tanong ni Gabby. "Uuwi ako bago mag-gabi," sabi ko sa kaniya at lumabas na. Kinuha ko muna ang isang paper bag na para kay Renzo. May nakita kasi akong polo habang nag-shopping ako no'ng isang araw at siya ang naisip ko kaya binili ko iyon. Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng trycicle. Pagkarating ko sa company niya ay agad akong pumasok. Nag-elevator ako para makarating kaagad sa office niya. Pagbukas ay nagulat pa ang mga dati kong kasamahan sa pagdating ko. "Jasmine!" sabay nilang banggit sa pangalan ko. "Hoy! Bruha ka! Umuwi ka?" tanong nila. "Hindi, hindi ako 'to. Kaloka ang mga reaksyon ninyo ha," sabi ko. "Omgeee, you are so maganda na and sexy. My goshh, tutulo ang laway ni Sir Renzo kapag makita ka," natutuwang sabi ni Mia. "Grabe ka, ahm nandiyan ba siya?" tanong ko. "Yupp, nasa loob," sagot nila. "Sige, mamaya na tayo magchika," sabi ko sa kanila at naglakad na ako papuntang opisina ni Renzo. Makakasalubong ko naman si Claire na nanlaki ang mga mata nang makita ako. "Long time no see, Claire," nakangiting bati ko sa kaniya. "What are you doing here? Bakit ka pa bumalik?" tanong niya. Mapakla akong natawa at hinawi ang buhok ko. "Bakit naman ako hindi babalik rito? Narito ang lalaking gusto ko na gusto mo rin, pero hindi ka naman gusto. Tsk! Excuse me, ayokong sirain ang araw ko because of you," sabi ko sa kaniya at sinadya kong banggain siya. Kumatok ako sa pinto bago pumasok. "Come in," sabi ni Renzo. Dahan-dahan kong pinihit ang hawakan ng pinto at pumasok. Busy siyang nagtitipa sa keyboard ng computer niya at seryoso ang mukha na nakatitig sa rito. Ang guwapo niya, nakasalamin siya at white polo ang suot niya na may necktie. "Can I disturb you?" tanong ko. Napaangat siya ng mukha niya at nagtama ang mga mata namin. Lumawak ang ngiti ko dahil success ang plano kong i-surprised siya. "J-jasmine?" usal niya. "The one and only," sabi ko na nakangiti. Tumayo siya at halos tumalon na para lang malapitan ako. "God, why don't you tell me na uuwi ka? I thought hindi ka makakauwi," sabi niya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga. "R-renzo, nasasakal ako," sabi ko sa kaniya. Kumalas siya sa pagyakap sa akin at tumitig sa mga mukha ko. "I miss you," halos pabulong niyang sabi. "I miss you too, may ibibigay nga pala ako sa 'yo," sabi ko sa kaniya at inabot ko ang paper bag na dala ko. "What is this? tanong niya. "Open it," sagot ko at umupo sa couch ng office niya. "Wow! My favorite color, hindi mo pa pala nakalimutan ang favorite color ko," masayang sabi niya. "Hindi nga kita makalimutan, favorite color mo pa kaya," seryosong sabi ko. Lumapit siya akin at naupo sa tabi ko. "Thank you, you surprised me. Akala ko matagal pa tayong hindi magkikita," sabi niya na nakahawak sa mga kamay ko. "Plano ko talaga na 'wag sabihin na uuwi ako, syempre gusto ko kayong i-surprised and it's work," nakangiting sabi ko. "Busy ka pa ba?" tanong ko. "Medyo, pero matatapos ko na rin 'to," sabi niya at naglakad na pabalik sa table niya. Sumunod naman ako para tingnan ang ginagawa niya. Hinilot ko ang balikat niya para ma-relax siya at maganahan sa kaniyang trabaho. "How sweet, magaling ka pa rin humilot hanggang ngayon," sabi niya. "Oo naman, kahit nga sarili ko hinihilot ko," sabi ko sa kaniya. "How's your flight? Anong oras ka dumating?" tanong niya. "Kanina lang mga 2pm tapos, dumiretso na ako rito," sagot ko sa kaniya. "So hindi ka nagpahinga?" tanong niya. "Nope, I am excited to see you kaya hindi na ako nagpahinga," sagot ko at sumandal sa table niya. "Nagpahinga ka muna sana, you call me naman." "It's okay, nawala na ang pagod ko no'ng nakita kita." "Bumabanat ka na ngayon ha." "Sa iyo? Oo, hmm... gusto ko lang makabawi, and this is the way na alam ko para mapangiti ka," sabi ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin ay hinawakan ang kamay sabay halik. "I am happy, mas naging sweet ka pa ngayon kesa noon. Hindi ka naman kasi ganiyan noon, you've changed a lot. Thank you, thank you for giving me a second chance," sincere niyang sabi. "Thank you rin, thank you for not giving up and thank you for waiting," sabi ko sa kaniya. "Maybe next time ko na ito tatapusin, let's go out for a date," sabi niya. Pinatay niya ang computer at kinuha niya ang phone niya at car key. "Let's go," sabi niya at hawak kamay kaming lumabas. Paglabas namin ay nasa amin ang kanilang mga tingin. "Oyy, ano 'yan? Nako, nako, may hindi ba kami knows?" tanong ni Vince. "Oo nga, nagkabalikan na kayo?" tanong ni Mia. Nagtinginan kami ni Renzo at kapwa napangiti. "Ayy, in love ang dalawa," bulungan nila. "Well, hindi pa kami nagkabalikan pero, papunta na roon. So, kung gusto niyo nang umuwi, you can go home," sabi ni Renzo sa kanila. "Ayy, bet namin 'yan Sir. Hoy, bruhilda may utang ka pa sa amin na chika ha," sabi ni Vince. "Next time," sabi ko. "Sige na, magde-date pa kami ng asawa ko," sabi ni Renzo sa kanila. Naghiyawan naman sila sa kilig, habang may isang tao na umuusok ang ilok sa inis at selos. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay. 'Asa ka ngayon? Kung inaakala mong mapapa sa iyo si Renzo, well nagkakamali ka,' sabi ko sa isip ko. Umalis na kami ni Renzo at pumasok sa elevator papuntang ground floor. Pagkarating namin ay naglakad kami papunta sa kotse niya kung saan ito nakaparada. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako, sumakay na rin siya sa driver seat at pinaandar iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD