JASMINE POV
Napadaing ako sa sakit ng ulo paggising sa umaga, subrang sakit at di ako makabangon.
" Buti naman at nagising kana ate, ano bang pinaggagawa mo at lasing na lasing ka kagabi.." sermon ng kapatid ko pagpasok sa kwarto.
" Anong oras na..?"
" Alas nuwebe ng umaga.."
" Ganun ba,, pakitimpla ng kape , maliligo lang ako.. "
" Sige po.. "
Pumasok ako sa banyo at naligo, na alala ko kung ano ang nangyari kagabi.
Tsk. anong akala niya sa akin, makukuha lang sa isang sorry, kung inaakala niyang gaya noon ay napapatawad ko siya kaagad kapag may kasalanan siya. Pwes ngayon hindi, hindi ko siya mapapatawad..
Nanggigil pa rin ako kapag naiisip ko ang pagmumukha ng taong yun.
Makikiusap na lang ako kay sir Drew na likioat ako sa branch niya. Hindi ko kayang pakisamahan ang taong yun, masyadong maliit para sa akin ang opisina kapag magkasama kami nakaka suffocate.
Natapos ako sa pagligo at nagbihis, pupuntahan ko si sir Drew.
" Ate ito na kape mo, at almusal. Ate, totoo bang nagbalik si kuya Renzo. "
Nagpanting ang tainga ko at kumislot ang sentido pagkarinig ko sa pangalan niya.
" Wag mo muna akong kausapin tungkol diyan Gab, nabubuhay ang galit ko sa lalaking yun ." kunot noo kong sabi sa kanya at kumain.
" Sige po,, mag aaral lang ako ate.."
" Aalis ako,, maghahanap ng ibang trabaho.."
" Ha..? bakit .? natanggal ka.? kaya ka ba naglasing? "
" Hindi, gusto ko lang lumipat.."
" Maayos naman ang trabaho mo diba..?"
" Oo pero ang makasama at makita siya araw araw ay hindi maayos yun "
" Magkatrabaho kayo..?"
" Siya ang bago kong amo.."
" Ehh.."
" Kaya kakausapin ko si sir Drew na ilipat niya ako sa branch niya. Dahil kung hindi aalis ako sa kompanya. "
" Ikaw ang bahala ate, kung ano ang makapagpagaan ng loob mo."
" Sige,. aalis na ako. Uuwi din ako kaagad. "
" Sige ate . mag ingat ka. "
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang labasan. Sumakay ako ng dyip at nagbayad.
Sana lang pumayag sir Drew,. hindi ko kayang makasama ang lalaking yun.
Naalala ko ang mukha niya kagabi, halo halong emosyon ang nakikita ko. Di ako naawa o ano, galit ang nangibabaw sa puso ko para sa kanya.
Nakarating na ako sa kompanya kung saan si sir Drew.
" Jasmine.." tawag niya sa akin.
" Sir, good morning.."
" What can i help you..?"
" Sir, pweding dito na lang ako..? Alam kong alam mo na,. Gusto kong lumipat, ayoko siyang kasama. "
" Jasmine,, as of now, there is no available job kaya wala akong mai offer na trabaho sayo dito. "
" Pero sir Drew.."
" Jasmine,, alam ko mahihirapan ka. But don't involve your job in your personal problem. Tell him, talk to him, na wag kang kakausapin., na normal employee ka lang niya at siya ang boss mo, na walang namamagitan sa inyong dalawa from the past..then kapag may mai offer na ako sayo , i will tell you.."
" Hayy,, ano pa nga ba ang magagawa ko. Di naman pwedi na wala akong trabaho, may mga gastusin ako at pangangailangan naming magkapatid. "
" That's why you have to set aside your personal problem, mas kailangan mo ang trabaho. Sa panahon ngayon, mahirap makahanap ng trabaho na matino. "
" Okay sir,, siguro pag titiisan ko na lang ang pagmumukha niya araw araw. "
" Hahaha,, your so mean Jasmine.. you really mad at him? "
" Oo,, at gusto ko siyang patayin. Ewan ko ba, nangingibabaw ang galit ko sa kanya. Alam mo yung para kang sasabog sa galit kapag nakita mo ang mukha niya o marinig man lang ang pangalan at boses niya. "
" Jas, don't get me wrong ,. maybe you still into him. "
" What do you mean Sir.?"
" Maybe mahal mo pa siya at di ka pa naka move on, pero di mo lang yun maamin dahil binalot ng galit ang puso mo.."
" Ha..? sir Drew, matagal na akong naka move on. Ayoko lang talaga siya makita, naka move on na ako sa kanya , pero yung galit andito pa. "
" Hmm,, okay,, ikaw lang ang nakakaalam niyan Jas, so paano i have to go back to my work, may meeting pa kasi ako. "
" Sige Sir Drew,, thank you. "
" Your welcome, basta ikaw. Take care.."
" Okay.."
Napabuntong hininga akong lumabas at nag hintay ng taxi. Uuwi na lang ako at magpapahinga, bukas unang araw na magkatrabaho kami.
Nakarating na ako sa Village nang maisipan kong dumaan kay Madam Pacita. Matagal na ding di kami nagkausap.
" Madam Pas..."
" Oh Jasmine iha,, mabuti naman at napadalaw ka, ang tagal mong di napasyal dito. "
" Oo nga po ehh, may oras po kasi ako ngayon kaya dumaan ako dito. Kumusta na po kayo..?"
" Ayy, ito malakas pa naman sa awa ng Dios. Ikaw kumusta kana. "
" Mabuti naman po, busy sa trabaho .. hindi lang ako pumasok ngayo kasi naghahanap ako ng malilipatan. "
" Ha,.? bakit naman, ang sabi ni Gaby sa akin maayos naman daw ang trabaho mo.."
" Opo, pero may personal na rason po kaya gusto kong umalis sa pinagtatrabahuan ko. "
". Ganun ba.. Gusto mo bang magtrabaho abroad..? malaki ang sasahurin mo doon ."
" Abroad po..? Saan po .?"
" Sa Canada,. naalala mo ba ang pamangkin ko..? Si Sandra,.naghahanap siya ng pinay na pwedi maging personal assistant niya sa kanyang business doon. Lumalaki na daw kasi at nahihirapan siya ."
" Ganun po ba..? Ahm madam, pwedi ko bang pag isipan muna..?"
" Oo naman iha,, balik ka dito kapag nakapagdesisyon kana."
" Sige po,, ahm. di na ako magtatagal , uuwi na po ako."
" Sige iha, salamat.."
" Salamat din po.."
Pabalik na ako sa apartment at iniisip ko ang job offer ni madam. Ano kaya kung tatanggapin ko yun, baka isa yun sa makakatulong sa amin. Malaki ang sahod, paniguradong makakaipon ako at makabili kami ng sariling bahay . Makakalayo na ako sa lalaking kinamumuhian ko.