( AUTHORS NOTE : Medyo bitin sa chapter 6,, inaantok na kasi ako hehe,, bawi ako dito.. thank you for reading guysss,, alam ko maraming silent reader hehe. but thanks anyway it's an honor to me that you love to read my books,, )
Busy ako sa pagtitipa ng laptop ko. Pansin kong kanina pa wala ang lalaking yun kaya kampante akong sa trabaho na wala siya. Pakiramdam ko nasusuffocate ako kapag nandito siya. Malawak naman tong opisina pero para sa akin napakasikip para sa aming dalawa.
Mag gagabi na nung nagligpit ako ng gamit ko at naghanda para umuwi. Bubuksan ko na sana ang pinto pero may na unang bumukas at pumasok siya. Namumula ang mukha niyang maputi at mapungay ang mga mata. Amoy alak din siya, kaya pala wala buong maghapon.
" B-babe,, " mahinang usal niya. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
" I miss you so damn much,. Please come back to me.. " namamaos niyang salita.
" Y-you're drunk.. " nauutal kong sabi sa kanya. May kaba akong naramdaman at pakiramdam ko nanghihina ako sa presensyang dulot niya.
" I want you back.. please I'm sorry,. I'm sorry for leaving you,. it's not my intention to leave Jas,. Please listen... "
" I don't need your explanation Renzo, We're done,. What is done is done. Just accept the fact that you and I is done. "
" No,, I can't Jas,, mahal na mahal na mahal pa rin kita., Nagtiis ako sa states ng limang taon na di ka makita, pero hindi ko kaya,,. I try to find you in social media, hoping that you have any account. "
" Renzo, itigil mo na. Kahit ano pa ang gawin mo hindi na babalik ang dating tayo. Tapos na ang istorya nating dalawa Renzo. "
" No, no... No Jasmine, please give me a second chance to make everything right this time. I promise I won't leave you.. "
" I'm sorry,, but there is no second chance for us. I don't love you anymore.. "
" That is not true,. I know, I can feel it Jasmine, You still love me, indenial ka lang. "
" Yun ang totoo Renzo..! Kaya tama na,, itigil mo na,. Pakawalan mo na ako diyan sa puso mo dahil matagal ka ng burado sa puso ko . Alam mo kung ano ang turing ko sayo ngayon..!? You are nothing..,you are stranger for me..!! So please stop..! "
Hindi ko na napigilan ang damdamin ko, tumaas na ang tono ng boses ko dahil naririnig ko na naman ang pangako niya na mapapako lang din.
" Noo,, please I love you Jasmine.."
Isinandal niya ako sa pader at marahas niya akong hinalikan. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas siya at mabigat dahil lasing siya. Pilit ko siyang tinutulak pero nakadikit ang katawan niya sa katawan ko. Pinipigilan niya ang mga kamay ko at hindi na ako makagalaw.
" Jasmine." ungol niya sa pangalan ko sa kalagitnaan ng halikan namin.
Naging marahas, mapusok, mainit at lumalalim ang halik niya. Nadadarang na ako na parang may nag uudyok sa akin na tugunan ang mga halik niya.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinasabayan ang mga labi niya. Napadaing ako nung ipasok niya ang dila niya sa loob at hinahanap ang dila.
Nagbalik akonsa ulirat at bigla ko siyang natulak.
" Jasmine "
" Isang pagkakamali to Renzo,. !"
" You still love me Jasmine,, I feel it.."
" Wag kang umasa,, dahil pagkakamali ang patulan ka..! "
Mabilis akong lumabas ng opisina, sumakay ako ng elevator at pababa,.
' bakit mo hinayaan na halikan ka ng lalaking yun Jasmine,? galit ka sa kanya, galit ka..!!! '
sermon ko sa aking sarili.
Nasa labas na ako at pumara ng taxi pauwi.
' hindi na dapat maulit yun,. ' naiinis ako sa sarili ko, nagpadala ako.
Kailangan kong lumayo sa kanya.
Pagdating ko ng bahay agad akong nagbihis at pumunta sa bahay ni Madam Pacita. Nakapag desisyon na ako., lalayo ako.
" Tao po.."
" Tao po "
Bumukas ang pinto at lumabas si Madam.
" Jasmine iha, gabi na,, may kailangan ka ba..? "
" Madam, di ko na po patatagalin ang pakay ko. "
" Mukhang alam ko na yan, halika.. pasok sa loob tayo mag uusap "
Pumasok kami sa loob at pinaupo niya ako.
" Nakapag desisyon kana ba..? "
" Opo,, tatanggapin ko ang offer niyo.. Ano po ba ang requirements na kailangan kong ihanda.? "
" Passport mo iha, yun lang,, ang pamangkin ko na ang bahala sa ibang documents. Basta buo na talaga ang desisyon mo.. "
" Buo na po ang desisyon ko., pero si gaby ho ang inaalala ko.. "
" Wag kang mag alala, pwedi kong patirahin si gaby dito. Maganda na rin yun may makakasama ako dito sa bahay ko. "
" Talaga ho,. maraming salamat madam,. masyado na ho kayong maraming naitulong sa aming magkapatid,. hayaan niyo ho, makakabawi din ako. "
" Ano ka ba wala yun,. di na rin kayo iba sa akin. kaya masaya ako kapag may naitulong ako sa inyong magkapatid. "
" Maraming salamat po,. bukas na bukas aasikasuhin ko ang passport ko. "
" Siyanga pala, pwedi ko bang malaman kung bakit buo na agad ang desisyon mo..? "
" Gusto ko ho na lumayo muna. "
" Bakit..? may iniiwasan ka ba..? "
Napatingin ako sa matanda dahil nahulaan niya ang dahilan ko.
" O-opo.. gusto kong kalimutan at layuan. "
" Kung ano man yan Jasmine, nasa sayo yan,. hindi na kita pipilitin na sabihin sa akin dahil alam kong personal mo yan. "
" Maraming salamat sa pag intindi Madam. Sasabihin ko din po kapag handa ana akong pag usapan yun. "
" Sige iha,. "
" Uuwi na po ako,. maraming salamat po.."
" Sige,, mag iingat ka. "
Hinatid niya ako hanggang labas ng bahay, Pauwi na ako at iniisip kung paano ko sasabihin kay Gaby ang plano ko.
Nakarating na ako ng bahay at pumasok, nasa kusina siya at nag aaral.
" Bunso,,. "
" Ate,, saan ka nagpunta.? "
" Kay madam Pacita,. may importante lang kaming pinag usapan. "
" Yun bang offer niya na trabaho abroad ate..? "
Gulat akong tumingin sa kanya. Paano niya nalaman..?
" Sinabi ni madam sa akin na nag offer siya sayo ng trabaho abroad. "
Di agad ako nakapagsalita.
" Ate,, kung ano man po ang makapagpagaan ng loob mo at sa tingin mo ay yun ang tama, hindi po kita pipigilang umalis,. Malaki na ako ate, at alam ko naman na para sa atin ang gagawin mo kaya support po ako kung yun ang gusto mo ate.. "
Napangiti ako at may tumulong luha sa mga mata ko.
" Sa-salamat sa pag intindi mo kay ate bunso,. Oo para sa atin din to. gusto kong makapagtapos ka ng koleheyo at maging ganap na engineer dahil yun ang pangarap mo, tutulungan kitang abutin yun. Pero kailangang lumayo muna ang ate para matustusan ko ang pag aaral mo. At.. at para makalimutan ang mga nangyari sa buhay ko. "
" Naintindihan kita ate,, alam ko pong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon dahil nagbalik na siya. At ayokong nakikita kitang nasasaktan na naman. "
" Alam mo napaswerte ko dahil napakabuti at mabait mong kapatid. Salamat dahil lagi kang andiyan para sa akin. Di mo ko iniwan.. "
" Sino pa ba ang magtutulungan ate kundi tayo lang dalawa. Wala na sila nanay at tatay. Basta ate, umuwi ka sa graduation ko ha,. promise mag aaral ako ngmabuti para maging valedictorian, regalo ko sayo dahil napakabait mong ate kahit ang sungit mo minsan hehehe "
" Suss, kung di ako magsusungit di ka magtatanda. Payakap nga.. "
Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Malaki na talaga ang kapatid ko, binatilyo na.
" Kailan ang alis mo ate..?"
" Di ko alam,, pag nakakuha na ako ng passport at okay na ang ibang documents na kakailanganin ko pag alis , saka ako aalis. "
" Ganun po ba,, mag iingat ka dun ate ko ha,. "
" Oo naman.. promise uuwi ako sa graduation mo. " .
Pagkatapos naming mag usap ay kumain na kami at natulog. Maaga akong aalis bukas para mag process ng passport ko. Buo na talaga ang desisyon ko ,, lalayo muna ako. ..