Gusto kong pigilan si Sir Drew na wag nang umalis. Hindi ako komportable sa lalaking ito. Umuusbong ang galit sa puso ko.
"So, Ms. Jasmine where is my office? " Tanong niya. Hindi ko siya tiningnan, nag-lakad ako papunta sa opisina ni Sir Drew na magiging opinisa na niya.
"Follow me 'Sir'"
May diin sa pag-tawag ko sa kanya. Sumunod naman siya, pag-bukas ko ng pinto sa opisina ay pumasok siya pero agad niya iyong sinara at ni-lock.
"Why did you lock the door Sir?." Pormal na tanong ko. Akmang bubuksan ko ito ng hinarang niya ang sarili niya.
"You are not going anywhere." Ma-awtoridad nitong sabi.
"What do you think you're doing Sir?" Seryosong tanong ko.
"Stop calling me Sir." Naninigas ang bagang na sabi niya.
"And what do you want me to call you then?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Tumingin siya sa akin na kunot ang noo, kita ko sa mga mata niya ang dismaya.
"What?" Singhal ko.
"I am looking for you years ago, bumalik ako sa atin pero wala na kayo doon. Nalaman ko din na wala na ang parents mo. I'm sorry." Nakayukong sabi niya.
"Ha! Sorry!? Sorry for what Sir? Kasi hindi ko alam ang pinag-sasabi mo. Sino ka ba!?" Galit na tanong ko sa kanya. Gulat siyang napa-tingin sa akin, kita ko sa mata niya ang sakit. He deserve it galit ako sa kanya kaya manigas siya!
"I'm sorry for leaving you, Alam kong galit ka, hinanda ko na ang sarili ko sa galit mo. Naging duwag ako nung panahon na yun, hindi kita nai-paglaban. I broke my promise to you, pinabayaan kita, tinalikuran kita at ang anak natin." Paliwanag niya.
Doon ay nag umpisa nang tumulo ang luha ko at bumalik ang ala-ala ng nakaraan.
{ FLASHBACK }
3 YEARS AGO
"Babe, Happy 2nd Anniversary, alam mo ang saya-saya ko dahil umabot tayo ng 2 years. Hindi ko akalain na aabot tayo dalawang taon." Masayang sabi ng lalaki.
"Ako din, kahit na medyo mahirap at against ang both side sa atin, laban pa rin tayo. Thank you kasi di ka sumuko sa atin, thank you kasi pinag-laban mo'ko and thank you for your love babe, Happy Anniversary." Masayang tugon ng babae, nung gabing yun ay hindi nila na-pigilan ang sarili nila. Nadala sila sa nara-ramdaman ng isa't-isa may nangyari sa kanila na hindi dapat mangyari.
"Anong gagawin natin, pano na ang pag aaral ko, Renzo paano kung mabuntis ako?" Umiiyak na tanong ng dalaga,.
"I'm sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko, hindi kita inisip. But don't worry, I will take my responsibility to you. Pananagutan kita kung mag-bunga man ang nang-yari sa atin I promise." Pangako ng lalaki. Nag-tiwala ang dalaga sa sinabi nito. Hanggang sa isang araw, biglang nag-bago ang lahat. Iniiwasan siya ng lalaki, laging sinasabi nitong may group project, may meeting sa varsity, at kung ano pang pag-dadahilan nito. Pero iniintindi yun ng dalaga, hindi siya nag-reklamo. Isang buwan ang lumipas mula nung may nangyari sa kanila, napansin niya na hindi na siya dinatnan. 2 weeks delayed na siya, kinabahan siya kaya para maka-siguro, bumili siya ng pregnancy test. Gumuho ang mundo niya, two lines ang nakita niya sa test. Napahagulhul siya ng iyak, di niya alam kung pano sasabihin sa magulang niya. Nung araw na iyon ay hinanap niya si Renzo, nakita niya ito sa court kasama ang teamnito. Renzo was a varsity player, basketball captain. Hindi rin mawala ang maraming nag-kagusto sa lalaki dahil sa hitsura nito, matangkad, mestiso, matalino, total package kumbaga. Agad siyang lumapit sa lalaki. Malapit na rin siya mga teammates nito at kaibigan na rin niya.
"Hi Jas." bati ng isa sa kasamahan nito. Tinanguan lang niya ang lalaki.
"A-ah, Renzo, pwede ba tayong mag-usap? Importante lang sana." Kabadong aniya sa lalaki.
"Yeah sure, pre iwan ko muna kayo, mag-uusap lang kami." Paalam nito sa kasamahan.
"Are you okay, na-mumutla ka at bakit na-mumugto ang mga mata mo?" Nag-alalang tanong nito.
"Renzo." Humihikbi niyang sambit sa pangalan ng lalaki. Inabot niya sa lalaki ang pregnancy test na nakabalot sa tissue.
"A-ano 'to? Takang tanong nito. Tiningnan ng lalaki ang nakabalot.
"P-pregnancy test?" Kunot noong tanong nito. Tumango lang siya, walang tigil ang iyak niya.
"Y-you're pregnant?" Tanong nito, tumango ulit siya.
"Renzo anong gagawin natin, natatakot akong malaman nila mama at papa, baka anong gawin nila sa akin." Umiiyak na sabi ng dalaga, hindi umimik ang lalaki.
"Renzo mag-salita ka naman oh, asan na yung pangako mong papanagutan mo'ko?" Humihikbing tanong niya. Bumuntong hininga ang lalaki.
"Jasmine, I-im sorry a-akala ko, akala ko handa na ako, akala ko kaya ko. Pero Jas, hindi pa ako handang maging-ama." Bumagsak ang mundo ng dalaga. Humahagulhul siya ng iyak.
"Renzo, wag ka namang mag-biro ng ganyan oh, please wag naman ngayon." Pakiusap ng dalaga.
"I'm sorry, but I can't Jas, I'm not kidding, I'm serious, I'm sorry." Sabi nito at iniwan siya ng lalaki. Umiyak ng umiyak ang dalaga. Wala sa sariling nag-lakad pauwi sa kanila. Kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"How could you Renzo, pano mo nagawa sa akin ito?" Bulong niya, sumigaw siya sa gitna ng kalsada, umiyak ng umiyak. Samantala, ang lalaki ay nakipag-inuman sa mga kaibigan at naki-pagsaya.
Tumila na ang ulan nung dumating ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat ang kapatid niya dahil basang-basa siya at parang wala sa sarili.
"Ate, okay ka lang? Bakit basang-basa ka? Anong nangyari sayo?" Alalang tanong nito. Hindi siya sumagot at dumiretso siya sa kanyang kwarto. Muli ay umiyak na naman ng umiyak, hanggang sa makatulog siya. Kinabukasan pag-gising ng dalaga isang masamang balita ang kanilang natanggap.
"Ate! ate gising, ate sila mama at papa ate." Sigaw ng kapatid nito na umiiyak.
"Bunso, anong nangyari bakit ka umiiyak?" Tarantang tanong niya.
"Ate sila mama at papa." Sabi nito.
*/Mag asawa, patay matapos mahulog sa bangin ang mina-manehong sasakyan pauwi na sana sa kanilang lugar. Sa kasagsagan ng ulan, bumabiyahe ang mag asawa pauwi, nang mawalan ng preno ang sasakyan nito dahilan ng pag-kahulog nito sa bangin. Ang mag asawa ay kinikilalang si Mr. Gabriel Esguerra at ang Misis nitong si Mrs. Elizabeth Esguerra./*" Huminto ang mundo ni Jasmine, kasabay ang pag-bagsak ng luha nito at nawalan ng balanse.
"H-hindi! Hindi totoo 'yan, hindi!" Tumatangis na sigaw ng dalaga.
"Bunso mag-ayos ka, pupunta tayo sa pinag-dalhan sa kanila. Bilisan mo." Utos niya sa kapatid. Mabilis silang pumara ng taxi at nag-pahatid sa lugar. Pag-dating nila ay agad hinanap ng dalawa ang kanilang magulang.
"Sir, kami po ang mga anak nung mag-asawang na aksidente, asan po sila? G-gusto namin silang makita." Humihikbing pakiusap ng dalaga.
"Nasa morgue na po sila maam." Sagot ng lalaki.
Agad pinuntahan ng mag-kapatid ang morgue. Nakita nila ang dalawang puting tela na nakatakip sa mga bangkay. Dahan-dahan silang lumapit at tinanggal ang tela na nakatakip dito. Humagulhul sa iyak ang mag-kapatid ng makumpermang mga magulang nila ito.
"Hindi! Hindi totoo, Maa, Mama, Papa, hindi maari!" Sigaw ng dalaga.
"Ma, pa, bakit niyo kami iniwan? Paano na kami ni ate? Mama Papa!" Nag-iyakan ang mag-kapatid sa harap ng patay na katawan ng kanilang magulang.
"Bunso." Lumapit siya sa kapatid at niyakap niya ito.
"Ate, ate iniwan na tayo nila Mama at Papa." Humihikbing usal nito. Nag-iyakan ang mag-kapatid. Iniwan na sila ng mga magulang nila. Nakalimutan ng dalaga ang sariling problema. Sa bahay nila ibinurol ang magulang nila. Kamag.l-anak, kapitbahay, at kaibigan nila ay nandoon. Sinuportahan sila, tinulungan at inalalayan. Na ibenta nila ang bahay at lupa para sa mga nagastos sa burol ng kanilang magulang. Huling araw at libing ng kanilang magulang ay umaasa ang dalaga na mag-papakita ang lalaki, pero natapos nalang ang seremonyas, ay hindi ito dumating. Nahirapan ang mag-kapatid kung pano mag-simula ulit. Umalis sila sa kanilang lugar at lumipat sa maynila. Doon ay nag-umpisa sila, pinag-patuloy ng dalaga ang pag-aaral, ganun din ang kapatid nito. Hanggang isang araw...
"A-aray, aray b-bunso, Gabriel tulong!" Tawag niya sa kapatid.
"Ate anong nangyari sayo? Ate may dugo!Ate" Tarantang sabi ng kapatid.
"T-tumawag ka ng tulong, dalhin mo'ko sa ospital bilis." Nahihirapang sabi nito. Dali-daling tumawag ang kapatid nito ng tulong. Si Madam Pacita ang tumulong sa kanila, dinala siya sa malapit na clinic nito.
"Maam kami na po bahala sa kanya." Aniya ng nurse. Sa kasamaang palad, na-laglag ang dinadalang bata ng dalaga stress, kulang sa pahinga at vitamins ang dahilan. Nakalimutan niya ang sarili dahil sa nangyari sa kanila. Muli ay bumagsak ang mundo ng dalaga, naisipan niyang mag-pakamatay nalang, pero lagi siyang nahuhuli ng kapatid. Hindi ito umaalis sa tabi niya, maging si Madam Pacita. Tinulungan sila nitong mag umpisa ulit. Sa tulong ng matanda, nakapag tapos ng koleheyo ang dalaga. At doon ay nag-umpisa na sila ng kapatid. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, ay pilit na lumalaban ang dalaga, nag-pakatatag at nilakasan ang loob.