Title; Maybe this time ( Part 2)
writen by; Bam Munnoch
Nasa simbahan na siya hindi parin maalis sa kanyang isipan ang mga kaibigan " sana manlang mag bago ang isip ng mga ito at damayan madamayan ako sa pagdadalamhati"
" What's the matter son?" tanong sa kanyang ama na si Alex De vera ng makita siya nitong hindi mapakali.
" Nothing dad, I just feel nervous" aniya rito
" That's normal, ganyan na ganyan din ang aking nararamdaman ng ikakasal ako sa mommy mo" palakas loob nito sa kanya
Pakiramdam niya hindi na siya makahinga sa subrang bigat ng kanyang nararamdaman. Nagpapaalam siya sa kanyang ama na magpalakadlakad muna sa labas.
" Congrats Jolo" anang ibang bisita ng makita siyang nakatayo sa labas ng simbahan. Inisip niyang umikot sa likurang bahagi ng simbahan kung saan walang tao. Gusto niyang mapag-isa.
Nakapamulsa siyang nakaharap sa malaking puno habang nakatingala sa kawalan.
" Jolo!"
napalingon siya sa pinanggalinangan ng boses.
Napangiti siya sa kanyang nakita " Salamat naman andito kayo"
Tinapiktapik ng mga kaibigan ang balikat niya ng malapitan siya ng mga ito.
Nagulat pa siyang makitang completo ang mga ito.
" Jolo, sigurado kana ba sa gagawin mong iyan?" tanong ni Sandoval sa kanya
" Kailangan ko dahil kung hindi mapapahiya si dad" malungkot niyang tugon
" Jolo, pwedi ka namang umatras kung hindi mo talaga mahal si Melissa" anang Aby
" Magiging malaking scandalo to sa pamilya namin alam niyo naman ako na ang sumunod sa pag mamanage ng oil company" tugon niya rito
" Ano nalang sasabihin ng mga katrabaho namin at lalo na kay dad."
" Mahalaga paba ang sasabihin ng mga kumpadre oh kung sino pamang Poncio Pilato na yan? Hindi sila ang makikisama sa bruhang babaeng iyon, hindi sila ang magdusa makita ang pangit na hitsura nayon araw-araw Jolo kundi tanging ikaw lang" sabad ni Santi
Napakunot noo siyang tumingin rito.
"" Santi?" Isang taon niya rin itong hindi nakita naninibago siya sa ayos nito dahil mukha na itong tunay na babae ngayon.
" Nag paputol na ako papang" anito ng makita siyang nag iba ang hitsura habang naka titig rito.
" Jolo, marami kapang oras na umatras" balik ni Christian sa paksa nila.
" Hindi na ako pwedi umatras andito na ito" tugon niya
" Jolo ang kasal sagrado hindi ito biro biro lang. Ano ang gusto mong gawin? Pagkatapos ng kasal mag di-divorce kayo? Edi mabuti pang ngayon palang umatras kana" anang Aby
" Jolo, tulad ng sabi mo sa akin noon antayin ang tamang babae dumating sa buhay natin"
" Kung magalit man ang iyong ama edi, magalit na siya, atleast yon galit ng ama may hangganan pero ang pagtatali mo kay Melissa hanggang kailan ang pagtitiis mo?" anang Santi
" Jolo, mag sisimula na ang kasal" untag sa kanila ng lalaki nakatayo sa kanilang likuran.
" Pasok kayo sa loob" aniya sa mga ito
" Hindi na dito nalang kami sa labas"tugon ni Sandoval
Nakayuko siyang naglakad papasok sa loob iniwanan ang mga kaibigan sa labas ng simabahan. Ayos na sa kanya hindi pumasok ang mga ito basta ang mahalaga sa kanya ay nagpakita ang mga ito.
" Mabuti nalang nagpakita kayo bago ako magpasakal" Gumaan ang kanyang pakiramdam na naglalakad sa gitna ng aisle papunta sa gilid ng altar habang hinintay ang bride na dumating. Katabi niyang tumayo ang kanyang mga pinsan.
Ilang saglit lang ang kanyang hinintay nakita niyang nakatayo si Melissa sa gitna nang pintuan ng simbahan.
Na-agaw ang kanyang attention sa kanyang mga kaibigan nakakubli sa butas ng pader nasa di kalayuan mula sa kanyang harapan.
Napakunot-noo siyang makita si Santi sumesenyas na matitigok siya.
'" Ano bang pinaggagawa nitong mga abnormal kung mga kaibigan?" tanong niya sa sarili ng makita si Sandoval sumenyas ng takbo.
Hindi niya napansin si Melissa nagsimula ng maglakad tanging sa mga kaibigan lang nakatuon ang kanyang mga paningin.
" Talagang hindi titigil ang mga ito" naibulalas niya
Hindi niya napansin nakatayo na pala si Melissa sa kanyang harapan. Inabot niya ang bisig niya rito at agad naman itong humawak at iginiya niya ito papunta sa harap ng pari.
"Do you take, Melissa Suarres as your lawfully wedded wife?"
Natigilan siya sa tanong ng pari.
Kapag sumagot siya ng "oo" rito, habang buhay niya itong pagsisihan. Tumingin siya sa kanyang ama. Nakangiti itong tumingin sa kanya. Dumako ang kanyang paningin sa kinatatayuan ng mga kaibigan nakasilip parin ito sa butas ng pader. Halos magkasabay ang mga itong umiling iling sa tantiya sinabi ng mga ito na huwag siyang sumagot.
" Uulitin ko ang tanong ko" anang pari
" Do you take, Melissa Suarres as your lawfully wedded wife?"
" Hindi ko talaga kayang magpakasal. Lalo pa hindi ako ang ama ng dinadala niya. Hindi ko iyon responsibilidad na panagutan" anang isipan niya pagkuwan ay tumingin siya sa pari.
" Ano ba? sumagot ka!" singhal sa kanya ni Melissa
Ang singhal nito ang nagpalakas ng kanyang loob para sagutin ang pari sa tanong nito. " I'm sorry father, hindi ko po matuloy ang kasal" seriouso saad niya.
Ngayon palang hindi na niya gusto ang templa ng pag-uugali nito.
" What the heck are you doing?" galit nitong tanong sa kanya
Humarap siya rito pagkuwan ay" I'm sorry Melissa, pero alam ko na hindi ako ang ama ng dinadala mo" aniya rito
Hindi niya namalayan ang paglapit ng ama nito, hindi niya napansin ang pinakawalan nitong kamao. Tumama ito sa kanyang mata at napasadsad siya sa sahig sa lakas ng suntok nito.
Para siyang nahihilo narinig niya ang mga nagtatakbuhan mga yapag palapit sa kanya.
Agad siyang dinaluhan ng mga kaibigan saka inalalayan siya ng mga itong makatayo.
" Tara, takbo bilis" halos magkasabay na sambit ng mga ito.
" Jolo!" narinig niyang sigaw ng kanyang ama ngunit hindi niya ito nilingon nag tutuloy siyang tumakbo kasama ang mga kaibigan. Nag-sisiunahan silang makasakay sa nakaparadang kotse ni Santi.
Sa katabi ng driver seat siya umupo. Mabilis na pinaharorot ni Santi ang sasakyan palayo sa simbahan.
" Whew!! Muntikan na ako roon ah"hiyaw niya
" Munkitan eh, nasuntok kananga. Malas mo naman nagpapakasal kalang nasuntok kapa" natatawang sabi ni Sandoval
" Suki kana ng blackeyed Jolo" anang Christian.
" Bakit ka nga pala umuwi?" baling niya kay Santi.
" Hindi ko kayo matiis, na mimiss ko kayo habang nasa malayo ako" nakangiting tugon ni Santi.
" Baka tayo ang pinag tadhana papang, ngayon ganap na akong babae" nakangiti nitong sabi.
" Baka nga" maikli niyang tugon
" Hihirit pa talaga eh" puna ni Sandoval.
" Saan tayo ngaon?'
" Road trip muna tayo, para makahinga tayo ng maluwag." tugon niya
Nagpa ikot ikot sila sa kung saan saan. Hanggang sa magsimula ng magdilim.
" Ano, ihahatid kana ba namin?" tanong ni Sandoval sa kanya
Umiling iling siya. Naisipan niya na baka andon sa pad niya ang kanyang ama. Ayaw pa niyang harapin ang galit nito sa kanya.
" Sa club muna tayo, na miss ko ang clubbing natin" ani ni Santi
Sinang-ayunan nila ito.
" Enjoy now deads later" natatawang sabi ni Sandoval
" Alam niyo, masaya ako sa mga pinaggagawa natin, yong edad lang natin ang tumanda" anitong natatawa.
" Mabuti nalang itong pinaggagawa natin we are collecting memories saka kahit naman ganito tayo hindi naman tayo basagulero" anang Christian.
" I agree" Sabad ni Aryana
" Kasal mo ngayon ikaw ang taya' anang Christian
" Si Santi bagong dating siya dapat taya amoy dollar eh" Baling niya rito
Natigilan sila ng bigla itong sumigaw" Papa! Papa!" pag sisigaw nito ng makita ang lalaking umupo sa di kalayuan ng stage.
"Lukarit talaga to, para akong mabingi sa sigaw mo" angil niya rito
" Si Papa ko kasi yon may iba na siyang mama" hirit nito
" Papa!"
Hindi na niya napigil ang sarili pasukan ang bonganga nito ng tissue
" Ingngay mo" aniya rito