Title; maybe this time (Part 28 Hindi mai-pinta ang mukha ni Jolo dumating sa coffee shop. Sa hitsura nito nahuhulaan na niyang hindi maganda ang pag-uusap nito sa ama. Pinag-timpla niya ito ng kape. " Habaan mo pa ang pasensiya mo, magiging okay din ang lahat" pinisil-pisil niya ang balikat nito. " Hindi, kulang talaga lubos ma-isip kung bakit mas pinili pa ni dad ang babaeng iyon" " Pahupain mo nalang muna ang situation" sabi niya na lamang dito. Sa kaloob looban niya hindi niya talaga alam paano ito aluin. Buong buhay niya kahit mahirap sila hindi naman sila nagkaroon ng alitan ng mga magulang kaya, hindi niya alam ano ang maipapayo niya rito. Busy si Jolo sa pag rerecord sa mga binili para sa coffee shop at ang isasahod sa mga tauhan ng biglang tumubog ang kanyang celphone.

