Title; Maybe this time ( Part 22)
Jolo POV
Parang pasan niya ang mundo sa bigat ng kanyang nararamdaman. Mabibigat ang kanyang paa humakbang pabalik sasakyan.
Tinawagan niya si Aby na baka nagawi ito roon ngunit na bigo siya hindi ito napunta roon.
“ Arabella, bakit mo ako iniwan ngayong mahal na kita, saka kapa umalis” naisub-sub niya ang kanyang mukha sa manibela.
Hindi niya alam saan ito hahanapin. Para siyang namatayan sa subrang lungkot ng kanyang naramdaman. Matamlay siyang bumalik sa kanyang coffee shop.
Saka nag tuloy sa kanyang opisina. Nakita niya ang nakasabit na jacket niya sa upuan ito yong pinasout niya rito. Kinuha niya iyon saka inamoy amoy. Napatingin siya sa monitor ng cctv. Napako ang tingin niya rito. Na imagine niya ang mukha nitong masayahin nakipag usap sa kasamahan nito at ang kakulitan.
Kinuha niya ang celphone mula sa kanyang bulsa. Sinubukan niya ulit ang number nito ngunit hindi parin ito ma contact. “ Arabella nasaan kaba? bakit mo ako iniwan na hindi man lang nag papaalam” hinagpis niya at sinubsub ang mukha sa mesa nasa kanyang harapan.
Bigla bumukas ang pinto” Hoy, Jolo ka ha, inantay ko isa-uli mo ang sasakyan ko” bungad sa kanya ni Santi
Iwinawasiwas niya ang kanyang kamay na hindi inangat ang mukha mula sa pagka subsub sa mesa.
“ Hoy, ano ba ang nangyari sayo damuho ka” hinila nito ang buhok niya.
“ Santi wag muna ngayon” seriouso niya sabi rito.
“ Ano ba ang nangyari sayo, bakit kaba nagka ganyan?”
Hindi niya ito sinagot ni hindi siya gumalaw sa kanyang kinaupuan.
“ Aba, taray may pa bulaklak kapa” anitong kinuha ang bulaklak naka patong sa mesa nito.
“ Para kanino ba to?” tinignan nito ang naka indicate na card.
“ To the sweet woman that I love, roses for you. My love life wasn’t successful from the past, maybe this time I will get it right with the woman that I love. Arabella, I love you from the buttom of my heart” tiniklop ni Santi ang card matapos basahin ang naka sulat.
Nilapag nito ang bulaklak tumayo ito sa kanyang tabi “ Kung kailan mahal muna saka pa siya nawala, nong kasama mo siya, hindi mo naramdaman na mahal mo pala siya.” ani Santi sa kanya na hinaplos haplos ang kanyang likuran.
Nag angat siya ng tingin rito” ang tanga ko diba? Hindi ko siya binigyan halaga nong kasama ko pa siya” na muo ang kanyang luha sa mata.
“ Santi, mahal kuna eh, ang sakit sakit lang dito” tinuro niya ang puso niya.
“ Ang sakit kasi, hindi manlang siya nag-papaalam sa akin. Ni hindi manlang niya ako binigyan nang chance na masabi sa kanya ang nararamdaman ko” aniya hindi napigil ang luha agad niya itong pinunasan.
“ Ang daming chance Jolo, kasama mo siya ka gabi, pero hindi mo sinabi sa kanya. Na mahal mo siya, alam mo bang mahal karin niya?” ani Santi
Lalo siyang nakaramdam ng panghihinayang. Kasama pa niya itong natulog, pero hindi niya nakuhang sabihin dito. Pinaabot pa niya ng umaga para sabihin rito ang gusto niyang sabihin kagabi pa.Tumayo siya saka kinuha ang susi ng kanyang motor mula kay Santi.” Parang pinag tutusok ang kanyang puso sa labis na pag-sisi. Yakap na niya hinayaan niya pa.
“ Hoy, saan ka pupunta?” anito ng lumabas siya sa kanyang office sinuot niya ang jacket na sout ni Arabella noon.
“ Gusto ko muna mapag-isa. Gusto kung makapag isip ng maayos” nag tuloy na siyang lumabas.
Arabella’s POV
Walang humpay ang pag iyak niya, habang sakay ng buss, pa-uwi sa kanilang probinsiya. Durog na durog ang puso niya. “ Bakit sa’yo ko hinayaan mahulog ang puso ko. Alam ko naman sa simula palang, wala akong puwang sa puso mo” pinunasan niya ang kanyang luha nag uunahan sa pagpatak. Para siyang mabaliw sa sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi niya alam paano aluin ang sarili “ Nasaktan na ako, pero bakit iba tong sakit na nararamdaman ko sa iyo.” napahikbi siya sinubsub ang mukha sa dalawa niyang palad.
“ Bakit ba kailangan ko masaktan? nag mahal lang naman ako!” sigaw ng kalooban niya. Binaling niya ang kanyang tingin sa labas ng bintana
Makalipas ang isang linggo. Alalang-alala na ang mga kaibigan niya. Hindi na siya nakita ng mga ito ni hindi na siya nagpunta ng coffee shop. Tuluyan na siyang nawalan ng gana. Hindi niya rin kinausap ng mga kaibigan. Gusto niya lang matulog buong araw.
Pansamantalang si Santi ang nag manage ng coffee shop. Araw ng sabado walang pasok sa office sina Sandoval at Christian naisipan ng dalawang lalaking puntahan si Santi sa coffee shop.
“ Sandoval, Christian hindi natin pwedi hayaan si Jolo. Ngayon lang nga nakatagpo ng taong mag mahal sa kanya tapos nag kaganito pa.” alalang sabi ni Santi.
“ Ano nga ang gagawin natin? Hindi nga tayo kinausap” anang Christian.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Aby. “ Alam kuna na saan si Arabella”
Napalingon silang tatlo. “ Umuwi siya ng probinsiya.”
“ Ano pa ang hinintay natin? Tara na sundan na natin” anang santi
“ Sama ka babe?” baling ni Sandoval sa asawa.
“ Sira, natural sasama yan, paano natin ma tuntun ang lugar ni Arabella kung hindi siya sasama” sabad ni Santi
“ Bilin kuna muna si Alejandro kina daddy” Tukoy nito sa beyanan.
Kinuha ni Christan ang susi ng pad ni Jolo sa ilalim ng paso saka binuksan ang pinto
Nakita nilang nakahiga si Jolo sa kama nito. Agad nila itong binuhat papasok ng banyo.
“ Ano ba, ibaba niyo nga ako” angil nito
“ Maligo ka dahil susundan natin si Arabella sa probinsiya” anang Christian ng malapag si Jolo sa ilalim ng shower.
Biglang nabuhayan ito ng dugo sa narinig.
“ Nasa probinsiya si Arabella?” ulit niya rito.
“ Oo nga sabi, puntahan natin, kaya bilisan mo maligo. Mag sipilyo karin. Baho nang hininga mo isang linggo karin siguro hindi ng tootbrush” sabad ni Sandoval
Nagmamadali siyang naligo. Excited na siya makita si Arabella at sabihin rito ang nararamdaman niya.
“ Bilisan mo diyan,loko ka. Ang baho baho ng pad mo” anang Santi
“ Linisin mo pagbalik natin dahil e-uwi kuna rito ang aking prinsesa” nakangiti nitong sabi sinuklay ang buhok.
“ Okay naba ang hitsura ko? Pogi naba ako?” tanong nito na masigla ang hitsura.
“ Wag muna problemahin ang mukha mo. Ang problemahin mo kung ano ang sasabihin mo kay Arabella. Galingan mo, wagka na sumablay rito. Pag sasablay kapa titirisin kita” anang Santi sa kanya.