Title; Maybe this time ( Part 15)
Genre; Com
Bitbit niya ang order ng babae na gusto ni Jolo. Ngumiti ito sa kanya ng makalapit siya, nginitian niya rin ito saka nilapag ang inorder nitong kape.
“ Arabella” anitong tumingin sa name tag naka pin sa sout niya.
“ Yan ba ang may-ari nito” tinuro ng nguso nito si Jolo nakatayo sa may counter.
Umupo siya sa kaharap nitong upuan, saka nilingon si Jolo nakatingin sa kanila.
“ Oo, isa siya sa may-ari rito”
“ Ang guwapo niya ha” nakangiti nitong puri.
“ Oo, guwapo nga si sir, kaya lang hindi naliligo. Saka ang sungit sungit. Parang asawa ata yan ni Lucifer”
“ Ahem! Ahem!” Napalingon siya rito
“ Kayo po pala sir” alanganin siyang ngumiti.
“ Sino ang asawa ni Lucifer Arabel?”
“ Yong pinanuod po namin palabas” mabilis niyang tugon rito
“ Sige po sir ha? balik napo ako sa trabaho ko” nagmamadali siyang tumayo saka bumalik sa counter.
Mula sa likod nang computer, naka silip siya kay Jolo kausap parin ang costumer.
“ Bakit ba ang lungkot ng mukha mo?” pukaw sa kanya ni Santi kakalabas lang mula sa office.
“ Alam mo ba yong may feelings ka sa kanya, tapos siya may feelings din pero, para sa iba”
“ Napaka hugutera mo talaga. Sino ba yan?” na curious na tanong ni Santi
“ Wala. Sa pelikula yon” pagsinungaling niya.
Umupo sila ni Santi sa gilid ng upuan.
“ Jolo”
sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses natanaw nila si Aryana sa may pintuan.
Nagtuloy itong naglakad papalapit sa kanila.
“ Santi, saan kayo nanggaling kagabi?” anito ng makalapit sa kanila.
“ Kina Matt kami. Dati namin yong kaibigan galing Japan. Ikaw naman Aryana ang tapang tapang mo, kawawa naman si Christian” ani Santi
“ Wala naman akong problema kung sana nagpapaalam lang siya ng maayos” anitong naiinis parin.
“ Kailan mo ba pauuwin si Christian Aryana?” sabad ni Jolo nakatayo sa likuran nila.
“ I need space” anitong sumimangot.
“Wow, astronaut siya” tugon ni Santi
“ Kumakampi kayo sa kanya dahil kaibigin niyo siya”
“ Pareho naman namin kayong kaibigan, kaya wala kaming kakampihan Aryana. Pero sana wag mo naman palayasin si Christian” tugon ni Jolo.
“ Parang serious na usapan nato” Napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan.
“ Diyan kalang Arabel” anang Aryana
Bumalik siya ng upo.
Saka tumingin kay Jolo.
“ Santi, aakyat ako ng ligaw”pag iba niya sa paksa nila para iligaw si Aryana bago pa nito ibuka ang bibig.
“ Jolo, napapagud na ako sa kakaakyat mo nangligaw na yan. Puro kana man sablay. Bakit kapa kasi lalayo, andiyan naman si Arabella” wala sa isip na sabi ni Santi.
“ Pag si Arabella ang pipiliin mo, nasa tamang decision ka” Mabilis na sabad ni Aryana.
Bigla namula ang kanyang pisngi sa sinabi ng dalawa. “ What’s the matter with me” anang isipan niya “ Nilalakad nila ako”
Nagkatinginan sina Santi at Aryana.
Biglang nangiti ang mga ito. “ I think——“ agad tinakpan ni Jolo ang bibig ni Santi para patigilin ito.
“ Langya ka, baho nang kamay mo” ani Santi
“ Hoy, bakla laway mo to”
“ Uuwi na nga ako” ani Santi saka tumayo.
“ Sama ako” ani Aryana
“ Babalik nalang kami mamayang gabi.” mabilis na umalis ang dalawa .
Bumalik siya sa kanyang pwesto sa counter, si Jolo naman pumasok sa loob ng office nito.
Natigilan si Jolo sa ginagawa ng makita si Margaret at ang kasama nitong lalaki mula sa monitor ng cctv papasok. Mabilis siyang tumayo at agad nilapitan si Arabell.
Nagulat si Arabell ng hilahin siya ni Jolo papasok sa loob ng office.
“ S-sir?” naguguluhan niyang tanong.
“ Isout mo tong jacket ko tapos, magpanggap ka na nobya ko okay?”
Napaisip siya, parang na amoy na niyang may pagpapaselosin ito “ Gagamitin mo ako?”
“ Sige na Arabel kahit ngayon lang” Pakiusap nito.
“ Kanina lang gusto mo akong maging tulay ngayon naman, gusto mo akong maging nobya. Namihasa kana sa akin ngayon umaga kalang naman naging mabait sa akin ui” anang isipan niya
Tinignan niya ito sa mata “ Uy sir, hindi na uso yang gamitan ngayon. Hindi yan parte ng trabaho ko rito. Hindi porke’t crush kita, papayag na ako sa gusto mong gamitin ako, ano akala mo sa akin marupok? Hindi ui! Baka kala mo diyan” Umakma siyang lumabas ng office
“ I-Lilibre kitang kumain sa labas” anito
Natigilan siya sa sinabi nito saka, pagkuwan ay, pumihit siya sa kaliwang bahagi nakangiti “ Ayaw ko”
“ Sige na please, kahit ngayon lang”
Saglit siyang nag-isip pag kuwan ay, tumingin rito “ Sige na nga, makulit ka eh.” kunwariy napipilitan.
Pinasout nito ang Jacket sakanya saka inakbayan siya nito palabas ng office. Kunwari lalabas sila ng coffee shop at da-daan sila sa gilid ng table nina Margaret
Malapit na sila sa table nito ng mapansin ni Jolo ang pag nguya niya ng chewing gum.
“ Arabel, pwedi ba itapon mo yan”
Kinuha niya ito mula sa kanyang bibig.
Pasimply niyang nilagay sa bulsa ng jacket na sout niya.
“ Jolo!” anang Margaret ng makalapit sila sa table nito.
“ Margaret, hi! Nice to see you again” ani Jolo hindi siya binitawan mula sa pagka akbay.
Tumayo si Margaret at ang kasama nito
“ Siya yong sinabi ko sa iyo. Tinawagan niya ako ka gabi” ani Margaret kay Jolo
“ Nobya ko si Arabella” pakilala nito sa kanya
Pasimply siyang namulsa.
“ Hi, Arabella” nilahad ng kasamahan ni Margaret ang kamay para kamayan siya.
Nilabas niya ang naka pamulsa niyang kamay para abutin ang kamay ng nobyo ni Margaret.
nakalimutan niya ang bubble gum na nilagay niya sa bulsa dumikit ito sa daliri niya at sumabit ang condom.
“ Langya tong Jolo oh, nag baon pa talaga” aniya.
“ Babe, ang balloon mo tumalon. Pulutin mo papaliparin payan natin mamaya” Nakangiti niyang sabi rito.
Napatingin si Margaret sa nalaglag na condom. Ngumiti ito sa kanila.
“ Anyway, kaya pala ako nag punta rito, para inbitahan kita, pwedi mo rin isama ang girlfriend mo” anitong hindi inalis ang mata kay Jolo
“ Nag text kasi ako sayo, hindi ka nag reply”
“ Ano ang meron?” curious na tanong ni Jolo
“Birthday ko”
“ Arabel, sama ka sa kanya ha?” Baling nito sa kanya. “ Wag niyo akong bibiguin dahil masugid niyo akong suki rito sa coffee shop mo. Mag tatampo ako sayo” nakangiti nitong sabi.
Tinignan siya ni Jolo. Saka tumango ito kay Margaret” Okay, darating kami” tugon ni Jolo
“Mag tatagal pa ang pagpapangap natin bilang mag nobya at nobyo”