Title; Maybe this time ( Part 43) Dinala siya ng binata sa isang restaurant. Dinner with candle light ang pinagdalhan sa kanya ni Jolo. " Ang sweet mo naman, may pa candle pa talaga eh" nakangiti niyang turan rito. " Syempre, special ka kaya sa akin, kaya dapat lang dalhin kita sa special na lugar gaya nito" hinaplos nito ang kanyang pisngi. " Mahal na mahal talaga kita" dagdag nito. Ngumiti siya rito. " Babe, salamat sa pagmamahal mo sa akin ha?' seriouso niyang saad rito. " Hindi ako mag sasawa mahalin ka. Pero sana lang babe, bawas bawasan muna talaga ang pagseselos mo, kasi wala ka naman talaga dapat na ipag selos dahil wala ng hihigit pa sayo sa puso ko" Hinalikan siya nito sa labi. Napaisip siya. Ano nga ba ang ipag seselos niya, ngayon binigay na lahat ni Jolo ang best nit

