Title; Maybe this time ( PART 39) Dahil sa akward na nangyari naisipan niyang pagpaliban niya nalang muna ang pag propose gusto niya maging romantic ang kanyang pag proposal sa dalaga. Maaga siyang pumasok sa kanyang opisina kinabukasan. Dahil marami pa siyang tatapusin na mga papeles. “ Taray ni sir, kahapon ang pogi mo po sa tv” puri ng kanyang secretary ng matapat siya sa pinto ng kanyang office. “ Ano pa nakita mo maliban don?” nakangiti niyang tanong rito. Gusto niya malaman kung nakita ba ang pagka sablay niya. Ngumiti ito sa kanya pagkuwan” Yong pag angat po ng dalawa mong paa sa ere” natatawa nitong sabi. “ Akala ko ini-edet nila yon” aniya sa sarili saka binuksan ang pinto ng kanyang office agad niya din iyon sinara ng makapasok siya. Nilapag niya ang kanya attache case

