Title; Maybe this time Part 35 Nadatnan niya ang mga kaibigan sa coffee shop ng makabalik siya mula sa bahay ng ina. " Kumusta ang mommy mo?" bungad sa kanya ni Arabella ng makapasok siya sa loob. " Okay naman si mommy, masaya ako na makabalik na ako sa kumpanya namin" masaya niyang balita sa mga kaibigan. " Mabuti naman at makabayad kana luko ka sa utang mo sa akin" sabad ni Santi " Ito talaga siya ohhhh, kala niya tatakbuhan ko siya" natatawa niyang turan rito saka inakbayan ito. " Paano yan, mag cebrate na tayo?" sabad ni Christian " kape na naman?" angal ni Sandoval " Wag na kape pag kape mabalis ang usapan. Don tayo sa gin mahaba haba ang usapan" nakangiting sabi ni Christian. " Sige, agree ako riyan" Mabilis niyang tugon. Natigil sila ng may pumasok na guwapong lalaki.

