Title; Maybe this time PART 30 " Babe, okay kalang ba? Bakit 'yon nag punta rito? ano ang sadya niya?" sunodsunod na tanong ni Arabella ng makabalik siya sa loob pagkatapos nilang mag-usap ni Melissa. "Babe, okay lang ba, kung iwan mo muna ako?gusto ko lang muna mapag-isa" matamlay niyang tugon sa kasintahan. " Sige, babe sa-labas lang ako, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka" hinalikan ng dalaga ang kanyang noo at agad tinungo nito ang pintuan. Nasa may pinto na ang dalaga ng lumingon siya rito, nakatingin din ito sa kanya nakahawak ang kaliwang kamay sa door knob. " Babe" mahina niyang sambit rito tumayo siya mula sa kanyang swavil chair at nilapitan ang dalaga. Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay at tinitigan ang nangungusap nitong mga mata. " I love you" kasabay n

