Title: Maybe this time ( PART 32 " Pasensiya na babe ha, naiwan kita mag isa" Hinging tawad niya rito Naawa siya sa dalaga. Sinulyapan niya ang inupuan ng ama andon parin si Mr Lim katabi ng daddy niya. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga inalalayan niyang makatayo ito. Kumuha siya ng pera, mula sa wallet saka, nilapag sa mesa. " Saan tayo pupunta?" nakasimangot nitong tanong. " Basta sumunod ka" aniya inakbayan ito papunta sa table ng kanyang ama. " Mr, Lim this is my girlfriend" boung puso niyang pakilala rito. Nakita niya ang bakas sa pagka bigla ng mukha ng kanyang ama. Nabigla ito sa kanyang ginawa dahil ang buong akala nito ay tinatakpan niya ito kanina. " So, how about miss Suarres?" nalilito nitong tanong. Mapahiya na kung mapahiya ang kanyang ama. Kagagawan naman nito

