CHAPTER SIX

1452 Words
“HANS…” anas ni Jane. Pagkabukas ng elevator ay namataan niya agad ito na papasok sa nakabukod nitong opisina. Hindi na siya nakapagpaalam kay Khiane, sinundan niya si Hans sa opisina nito. Susubukan niya muling makipag-ugnayan dito. Kailangan niya rin ng tulong nito. Baka may alam ito tungkol sa nangyari sa katawan niya. Naabutan niyang naglalabas ito ng mga papeles at folders galing sa bag nito habang may kausap sa cellphone. “Yes... B-but you don’t need to do that…” napatiimbagang ito. Binitiwan nito ang hawak na folder at nakapameywang na humarap sa glass window ng opisina sa likuran ng mesa nito. “Look, wala naman siyang kasalanan…” Hindi niya alam kung sino ang kausap nito pero masasabi niyang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Lumapit siya sa table ng lalaki. Wala na itong sinabi pa. Ilang sandali pa ay inalis na nito sa tenga ang aparato at mabigat na bumuntong hininga. Nanatili ito sa pagkakatanaw sa labas ng opisina. Para bang may malalim na iniisip. “Ano’ng problema, Hans?” Hindi na siya nagtangkang hawakan ito. Alam naman niyang walang mangyayari. Kunwaring narinig siya nito nang bumaling sa gawi niya. Pero naglakad lang ito pabalik sa mesa nito. Sinundan niya ito ng tingin. Nakuha ng nakakwadradong larawan sa ibabaw ng mesa nito ang kanyang pansin. Ang masayang mukha nito at ng ama nitong nakaakbay dito ang naroroon. Two years ago na mula ng mamatay si Attorney Fernando Lorenzo, ang daddy ni Hans. May naglagay ng bomba sa kotse nito. Habang tumatakbo sa kahabaan ng kalsada pauwi ay sumabog ang sasakyan. Malinis ang pagkakagawa ng krimen. Walang nakuhang suspect o lead para matunton ang salarin kaya walang nagawa ang pamilya Lorenzo kundi tanggapin ang sinapit ng padre de pamilya. Isang folder ang kinuha ng binata sa binuksang drawer. Umupo ito sa swivel chair at binuklat nito iyon. Profile iyon ng kanyang ama. Lahat ng properties, branch ng negosyo, kamag-anak, pati ang mga properties nila sa ibang bansa ay nakasulat doon. Lumalim ang gatla sa noo niya. Paanong nagkaroon ng kopya niyon si Hans? Saka bakit mayroon itong kopya niyon? Muli nitong binuklat ang mga papel at tumambad naman ang isang larawan ng pamilyar na lalaki. Hindi niya alam ang pangalan nito pero nakikita niya ito noong teenager siya na kinakausap ng daddy niya. Last time she saw him was when her father turn over the company to her. Nakita niyang kausap ito ng ama sa party at nagpunta pa ang mga ito sa study room. When she asked her father about that guy, sinabi lang nitong nakipagkumustahan lang ito sa lalaki. Mark Baluarte, basa niya sa pangalang nakalagay sa tabi ng litratong iyon. So it’s his name. Pinasadahan ni Hans ng basa ang profile nito at inilipat muli nito ang papel. Isa pang larawan ng lalaki ang nakalagay doon, ang pagkakaiba lang ay mas bata ito sa nauna at mas may itsura. Pamilyar din sa kanya ang lalaking iyon. Inalala niya kung saan niya ito nakita. Jay Mangundarat. Iyon ang pangalan nito. Habang inaalala ay nakibasa na rin siya sa impormasyon nito. Thirty-six years old, hiwalay sa asawa, walang anak at nakatira sa Caloocan... Naipitik niya ang mga daliri nang sa wakas ay maalala kung saan niya ito nakita. Nang minsang namasyal sila ni Dennis sa SM ay nakita niya itong kasama ng Tita Mickey niya. Hindi nga lang niya ito nalapitan at nabati dahil hinila siya ng nobyo sa bilihan ng mga musical instruments. Mahilig kasi ang binata sa gitara, isa itong bokalista ng isang sikat na banda bago nito hinawakan ang business ng pamilya. If she’s not mistaken, noong isang buwan lang iyon. Isinara na ni Hans ang folder at inihagis iyon sa mesa. Nahahapong sumandal ito sa swivel chair. Bumuntong-hininga. Ilang saglit itong nasa ganoong ayos. Walang ekspresyon na nakamata sa folder pero alam niyang lagus-lagusan doon ang tingin nito.  Maya-maya’y tumingin ito sa larawang nasa mesa at inabot iyon. “Malapit na, dad... Malapit na kitang mabigyan ng hustisya,” anito habang hinahaplos ang larawan. Nabibiglang napatingin siya sa mukha ni Hans. Bakas doon ang lungkot at poot. All this time, he’s still carrying the grudges of the past. Bakit ang sabi nito noon ay natanggap na nito ang pagkamatay ng ama? Maraming katanungan ang umusbong sa isip niya. Ano’ng kinalaman ng mga files na nasa folder na iyon sa sinasabi nitong pagbibigay ng hustisya sa ama? Bakit pati ang daddy niya ay naroon? She have to know the answers.     “SAAN ka galing?” Iyon agad ang bungad ni Khiane nang mahimasmasan ito sa pagkagulat sa kanya nang sumulpot siya sa tabi nito. Dali-dali nitong isinara ang zipper ng pantalon at humarap sa kanya. Nang lumabas siya sa opisina ni Hans ay nakita niya itong lumabas sa katapat na studio ng opisina. Sinundan niya ito hanggang sa loob ng comfort room ng mga lalaki. Naabutan niya itong nakaharap sa isa sa mga urinal. “Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot?” angil nito sa kanya. Nagkibit balikat siya. “Hindi ba dapat kasama mo ako all the time?” “Yeah. Pero pati ba naman sa cr? Hindi porke’t multo ka, papasok ka na lang basta sa men’s comfort room.” Pumunta ito sa sink at naghugas ng kamay. “Magmumukha ka na namang nababaliw kung sa harap ng maraming tao tayo mag-uusap. Kaya sinundan kita dito.” Pinigil niya ang pagngiti nang tila nauubusan ng pasensyang bumuntong hininga ito. “Yeah, right. So, pwede mo na bang sabihin kung saan ka nagpunta kanina?” “Dinalaw ko lang si Hans.” Nagtagal pa siya sa opisina ng lalaki sa pag-asang may makuha pa siyang impormasyon tungkol sa pagkakaroon nito ng files ng tatlong lalaki, kabilang ang kanyang ama. Pero nang tumunog ang chime nang pagsisimula ng trabaho ay naging abala na ito sa pagtatrabaho. Isang haka-haka ang naisaisip niya... Hindi kaya si Hans ang nasa likod ng pagsagasa sa kanya? Kung may kinalaman man ang daddy niya sa pagkamatay ng ama nito, may dahilan ito para gawin ang pagtatangka sa buhay niya. Gusto niyang burahin ang isiping iyon dahil naging mabuting katrabaho at kaibigan si Hans sa kanya. Pero alam niyang sa panahong ito ay kailangan muna niyang isantabi ang pagtitiwala. “Hey!” Nagbalik ang diwa niya sa kasalukuyan nang ikaway ni Khiane sa tapat ng mukha ang kamay. “Natahimik ka?” “Wala. May iniisip lang ako.” Diskumpyadong tumingin ito sa kanya. “Anyway, hindi ako pwedeng magtagal. Nag-excuse lang ako saglit para mag-cr... sana kung hindi ka lang dumating. Let’s go. Nagpalit lang ng damit ang model.” Nilagpasan siya nito at lumapit sa pinto ng comfort room. Sinundan niya na lang ito ng tingin. “By the way…” Pumihit itong muli paharap sa kanya. “Itinanong kita kanina sa mga kasamahan ko.” Nagkaroon siya ng interes sa sinasabi nito. “O, ano daw?” “They didn’t know where your body is. After the accident, dinala ka daw sa ospital ng boyfriend mo…” “Saang ospital?” “Saint James Medical Hospital. Pero ipinalipat daw sa ibang hospital ng daddy mo. And they didn’t know kung saang ospital iyon.” “Ibig sabihin, buhay pa ako? Hindi pa naiilibing ang katawan ko?” Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa nang mga oras na iyon. Pero umiling naman ang binata. “That they didn’t know. Mula nang malipat ang katawan mo sa ibang ospital, wala nang balitang sinabi ang daddy mo tungkol sa iyo. Hindi alam ng mga empleyado kung buhay o patay ka na.” Nawala ang ngiti niya sa labi. Gayunma’y pinalis niya ang panlulumo sa dibdib. “Hindi pa nila ina-announce na patay na ako. I still have hope.” Napangiti ito sa sagot niya. He seemed satisfied on her response. Something happened inside her that made her noticed his smile. Batid niyang gwapo ito mula pa noong una niya itong makita. Pero mas gumugwapo pala ito kapag nakangiti. Umaabot ang ngiti nito sa mga mata na siyang nakakadagdag sa charisma nito. She can’t help but to give the smile back. Hindi niya maiwasang hindi bistahan ang mukha nito. He had a nice clean haircut. His eyes were darker than usual na naaadornohan ng mahahaba at malalantik na pilik at makakapal na kilay. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi na parang naka-lipgloss palagi. Tila nahihipnotismo siyang napatingin lamang sa mukha nito. “Why are you staring at me like that?” Natauhan siya nang bigla itong magsalita. Napakurap siya at agad na naghagilap ng mga salita. “Ahh…” Napatikhim siya at ibinaling ang mata sa ibang direksyon. “Wala. M-may naalala lang ako.” “Ano naman iyon?” Umiling siya. “W-wala. Wala. Tayo na.” Nagpauna na siya sa paglabas dito. Alam niyang nawiwirduhan ito sa ikinilos niya. But who cares? Bahala na ito sa kung ano’ng gusto nitong isipin. She’s much worried about herself. Ano ba iyong nakita niya sa mukha nito at bumilis na lang bigla ang pintig ng puso niya? Ipinilig niya ang ulo. Hindi dapat ang mga bagay na ganito ang inaalala niya. Kailangan niyang malaman kung talagang may pag-asa pa siya para muling mabuhay. Umagapay sa kanya si Khiane. “Next time, kapag may pupuntahan ka, let me know,” mahina ngunit mariing sabi nito. “Why?” “Para hindi ako parang tanga na naghahanap sa multo.” Hindi na siya nakasagot dahil nilagpasan na siya nito. Nagkibit-balikat na lang siya at sumunod dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD