Binaba niya ang telepono dahil sa hindi na mapigil ang mapahagulgol.
"Napaka walang kwenta niya talaga! hayop siya! natitiis niya mga batang hindi makakain! buwisit talaga!" gigil na sabi niya.
Buwan ang lumipas bago siya nakapag pasya.
Muli niyang tinawagan ang mga anak at pinag-impake ang mga ito.
Sinundo niya ang mga ito na hindi rin alam ng asawa ang pagkuha niya sa mga anak.
Nagalit pa sakanya ang kanyang Tatay dahil sa nalamang pag-iwan niya sa mga anak niya sa poder ng asawa.
Awang-awa siya sa sirili ngunit kailangan niyang magpakatatag dahil wala namang ibang aasahan ang kanyang mga anak kundi siya lang.
Pinakinggan lang niya ang sermon ng tatay at nanay niya, wala siyang anumang sinabi kundi ang pagluha lang ang tanging makapagsasabi ng kanyang saloobin.
Nilisan nila ang lugar at nagsimula ng bagong buhay na malayo sa asawa.
Hirap man ang buhay nila ng mga panahon na iyon ay ok lang sakanila atleast magkakasama silang mag-iina at naibibigay niya ang pangangailangan ng mga ito.
Ngunit may dumating sa buhay nila na hindi niya inaasahang mangyayari pa.
Mahirap paniwalaan na napunta siya sa isang sitwasyon na kahit sa panaginip ay hindi niya nakita o pinangarap.
Mahirap ang sitwasyong iyon na nagpadagdag sa mga alalahanin niya.
Maganda kaya ang maidudulot nito sa buhay nila? o isa na namang dagok sa buhay ang nagbabadya sa buhay nila?