Chapter Three

1817 Words
Gabby's POV "Gab!" Lumingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Kesha. Bff ko.  Nakaupo ako ngayon sa cubicle ko sa office namin. Oo, sa office. Nasa Manila na ako.  Umalis na agad ako sa Bora pagkatapos ng nangyari. Tutal naman three days lang ang vacation ko, umuwe na din ako.  At isa pa, naniniwala ako sa kasabihang, "We live in a small world." at kahit gaano man kalaki ang Boracay may possibility na magkita ulit kami ni Rei.  The man I've make out with. Had s*x with? Make love with? Nag init na naman ang pisngi ko at ang katawan ko sa mga naisip. Hindi pa din ako makapaniwala. Gosh! Sa three days vacation ko sa Boracay, nawala ng parang bula ang virginity ko. And a stranger took it.  Ni hindi ko naman siya kilala. All I know is his name and the fact that he was just a BARTENDER! Dissapointed? Ako? Talaga!  Mataas ang pangarap ko sa buhay. Mahirap lang kasi ako at suportado ko pa ang little brother ko. He's my only family. May parents pa naman ako. Pero may kanya-kanya na silang buhay. Kaysa mamili kung saan kami sasama sa kanila, why not live alone without their care? At ang nakaka-disappoint. Sa Bora ko piniling magbakasyon para makahanap ng mayamang lalaki.  OO. MAYAMAN. Pero saan ba ako bumagsak? Sa isang bartender na gwapo at super hot pa! Pero ano nahuthot ko? Wala! Nawala na nga ang pagkabirhen ko, nawala pa ang panty ko! Pero dissapointed nga ba ako? Gwapo naman yung lalaki. Pero Bartender lang siya. Hot niya as in suuupeeeer hot! Pero bartender lang siya!  UGH! Isinubsob ko na lang ang ulo ko sa palad dahil sa frustration. Masama bang mangarap? At manalangin na sana, hindi bartender ang nakasex ko sa Bora but a Billionaire or a Millionaire maybe? Tsk! "How's Bora?" excited na tanong niya with twinkling eyes pa! Shucks! Anong sasabihin ko sa kanya? 'Ayun, hindi na ako virgin. Saka nawala ang panty ko.'  Ganun? Ganun ang sasabihin ko?  Hindi ko naman talaga na-enjoy ang Bora kasi wala nga akong kasama di'ba? And I can't say whether I enjoy Rei's account. Because... Well, I enjoyed it. But...  Damn! Fine! I really enjoy it but still, hindi iyon ang expected ko na mangyari when I arrive in Bora. In the first place, I've planned to meet a rich guy. And second, is to make out with a rich guy to find out how to have a lustful soul gaya ng sinasabi ng boss ko.  Tinatanong niyo siguro kung bakit pakikipagsex ang naisip ko to find where's my lustful soul is. Eh ano ba magagawa ko? Wala naman akong maisip na ibang paraan bukod doon. "Okay lang..." Yun na lang ang sinabi ko kay Kesha. Hahaba pa kasi ang usapan if kung anu-ano pa ang sinabi ko eh. "Okay lang?! Yun lang?" sigaw niya. Napahawak ako sa tenga ko. "Kailangan pa talagang sumigaw?" Nailing na lang ako. Kasi naman... hindi naman ako bingi, sisigaw pa dapat? "Haller! Bora yun, Gabbriel Lane Tolentino! BORACAY!!! Tapos sasabihin mo, 'okay lang...' wala pang kabuhay-buhay?" tsss.. ginaya pa talaga niya ang boses ko at kung pano ko sinabi yun na parang nanlulumo ako. "Eh sa yun lang naman talaga eh. Okay lang ang Bora. Nandun pa din sa Visayas. Hindi pa naman siya naglalayas. May tanong pa ba?" Naiinis ako. Ewan ko ba kung bakit. Dahil ba sobrang kulit nitong si Kesha o dahil sa kung ano man. Basta naiinis ako! "HighBlood ah! Makaalis na nga." tapos naka-pout siya na lumayo sa cubicle ko. Nagtampo na naman ang tampuhin. ~_~" "Gabby!" may tumatawag na naman sakin. Sh*T lang! Itatanong ba uli kung kamusta ang Boracay? Hindi naman ako gwardiya ng Boracay, bakit tanong sila ng tanong? "ANO?!" pagalit na lumingon ako. Tapos napatakip ang kamay ko sa bibig ko nung nakilala ko kung sino ang tumawag.  Ang EIC pala namin ang tumawag sakin. Tinaasan niya ako ng kilay. Ako naman, napayuko. "G-Good morning po Ma'am Matias." I greeted. Malilintikan na naman ako nito! Bruha pa naman ang angkirang EIC namin. "Hindi ako bingi kaya huwag mo akong sigawan!" sigaw niya sakin. Pinagtinginan ako ng officemates ko. Napatungo ako lalo. "Sorry, Ma'am." "Sorry, sorry. Pumunta ka ng Studio at tambak na ang photoshoot natin! Istupida!" sigaw pa niya at parang Miss Universe na nag-exit sa faculty namin. Ang maldita talaga ng babaeng yun! Nakakasura!  Kung hindi lang malakas ang kapit niya kay Big Boss, baka nasupalpal ko na sa kanya ang Nikon DSLR ko. Palibhasa, mistress, sunod sa luho. Baka mapagtripan pa na ipa-fire ako sa trabaho.  Hays. "Nakakainis!" Napakamot na lang ako sa ulo.  Lumingon ako kay Kesha tapos dinilaan niya ako tapos inirapan. =_=" Bff ko talaga siya. Sarap ibitin!  Isang linggo na ang lumipas mula nung nanggaling ako sa Boracay. At sobra-sobra na din ang pagka-stress ko since ako ang laging minumura-mura ni Bruha naming EIC. Kung ano-anong project of photoshoots ang pinagagawa sakin tapos ipapaulit kasi hindi daw tatanggapin ni Boss dahil sobrang plain.  Duh! Ako? A professional photgrapher na dalawang taon na sa kompanyang iyon? Sasabihing PLAIN ang mga shots ko? Ngayon ko lang iyon narinig! Kinuwento ko na din kay Kesha yung tungkol kay Bora Guy. Nanlaki yung mga mata niya at kung anu-ano ang pinagtatanong. Pinagsisihan ko talaga na nasabi ko pa yun sa kanya. She's asking me too many questions na nakakademonyo ng utak. Like...... Flashback "Gwapo ba?" -Kesha. I nodded. "Sexy?" -Kesha uli. Nod uli. "Hot? Macho? Perfect ba?" Tatlong nod ako. "Masarap ba?" Nod uli. "Kyaaaa!" -Kesha. "Mayaman?" -Kesha. Iling-iling. "Huh? Edi minus 70 points agad siya? Mayaman pa naman din ang ideal man mo." Nod uli ako. "Yaan mo na, masarap naman sabi mo eh." "Asfgfdhghjg!" -Me. "Hahahaha." -Kesha. End of flashback Hayyyy... tapos, lagi pang binabanggit ni Kesha ang nangyari sa Bora. I can't help myself to remember the things I did during my memorable last night there.  And whenever I think about it. I can't help but to feel hot all over. Ano ba naman ito! Daig ko pa ang teenager kung umasta! "Announcement!" Napalingon ako sa nagsalita. Para lang mapatirik ang mata ko, ayun si Ma'am Matias. Ngiting-ngiti na halatang plastic naman. Ang sarap ingudngud ang mukha sa floor.  "Our COO have something to say." sabi pa nito. Katabi nito ang Boss namen na COO ng kumpanya. (COO=Chief Operating Officer.)  Si Boss ang naghahandle sa ground namin. Siya din ang nakakausap ng President of the Board/Company for reports. "Good afternoon, ladies and gentlemen. As some of you know, Mr. Salvador, our President is currently curing his illness in America. And because of his condition, the President had to give up his position but..." Hindi pa natatapos ang sinasabi ng COO ay nagkanya-kanyang reaksyon na ang ibang empleyado. May nagsasabi ng "awww", "Ohhhh.", at kung anu-ano pa na mababakas ang pag-aalala. "Listen, listen. But, his son will take over the Company starting tomorrow." Natahimik ang lahat sa sinabi ng boss. Magkakaroon kami ng bagong Presidente. Parang kinabahan ako ng kunti dun ah.  "That's all." tapos tumalikod na si Boss. "By the way," bumalik pala. "Prepare for a Welcome Party tomorrow." "Wooooohhh!!!" "Yessss!" "Yun naman eh!" Sobrang saya na naman ng mga officemates ko. May kainan na naman bukas eh. ^____^ Ngumiti lang ako at hindi na nag-comment pa. Bumalik na ako sa harap ng monitor ko at nagpatuloy sa pag-e-edit. Ilang taon na kaya ang anak ni Mr. President na yun? Gwapo kaya?  If I know, Gabbriel Lane! Kung mala-perpekto yang bagong presidente, pagkakainteresan mo na naman! Hot din kaya siya? O_O DIN? And who am I comparing to? Duh!  Tsk! Stop. Stop. Hindi ko dapat naiisip ang lalaking iyon. Si Bora guy ay dapat manatili sa Boracay at doon lamang! =_=" *THE NEXT DAY* "AHHHHHHHHHHHHHH!!!!" Halos kaming lahat, mabingi sa sigaw ni Kesha. Kakapasok lang nito at nagsisisigaw na agad ito. =_=" "Bakit?" usisa ng isa kong officemate. "Nakita ko siya!!!" parang kinikilig na hindi mapatae si Kesha. Pupunta doon. Pupunta dito. Nakakahilo siya! "Sino?" "Si Mr. Salvador?" "Yung anak ni Mr President?" "Gaga! Siya na ang Presidente noh!" Naglapitan na lahat ng empleyado kay Kesha. Pero ako, syempre, nakaupo lang. Pero nanghahaba ang tenga ko. "Eh ba't ka nga ba sumisigaw, Kesha?" tanong ng isa. "Girls! Ang gwapoooooo!!!" "Ahhhhhh!" sabay-sabay na tili nila. "Para siyang model No, scratch that! Daig niya pa ang mga models natin dito sa MM. Kahit bading, siguradong pagnanasaan siya!" -Kesha. Halos lahat ng katrabaho ko nagdu-drool na. Tsk. If I know. OA lang magkwento si Kesha. Napatingin kami lahat sa pinto dahil kumakaripas na dumating si Pol. Berde ang dugo niyan. Malaki pagnanasa niyan kay Mark. Nagtatrabaho sa kabilang ground. "NANDYAN NA SIYA!!!!" tili ni Pol. Grabeee! Nabasag ata eardrum. As if on cue, nakita ko na lang ang mga ka-officemate ko na nakalinya na lahat sa may pinto. Grabee! Kakagulat sila ah!  Tatabi na sana ako sa kanila pero may naramdaman ako bigla. Sumasakit ang tyan ko!!! Waaaah! Wrong timing! T__T Pero hindi ko na talaga kaya! "Kesha!" lumapit ako sa kanya at bumulong. "Shucks. Sa CR muna ko." sabi ko. Hindi na ako mapakali. "Ha? Bakit?" naguguluhang tanong niya. "Constipated ata ako." Pagkasabi ko nun, tuloy-tuloy na akong tumakbo sa CR. Many minutes later.... "Kyaaaa! Ang gwapo ni Mr. Salvador! Naka-inlab!!!" -empleyado1. Haysss... wala. Hindi ko nakita kung ano ang itsura ng anak ng Presidente. Buset na constipation yan! Tsk! "Gab! Pinapatawag ka ng COO." sabi saken ni Kesha. Mukhang kalalabas lang niya ng COO Office. "Grabe, Bff. Ang gwapo ni Sir Reigan." sabi niya. "Reigan?" sino yun? "Yung anak ng Presidente! Sabi niya, tawagin na lang daw siyang Sir Reigan." tapos parang kinikilig-kilig pa siya. Napailing na lang ako. Pumasok na ako sa loob ng COO Office. "Boss." sabi ko. Boss naman ang tawag ko sa COO namin, mabait naman ito. "Gabby. San ka galing? You missed the introduction!" sabi niya. Napayuko ako. "Sorry Boss. Constipated eh. Hehe." Natawa na lang din siya. "Anyway, pumunta ka sa floor ng Presidente. Gustong makilala ni Mr. Salvador lahat ng empleyado ng Men's Mag." "Yes, Sir. Excuse me lang Sir." tapos umalis na ako. Hayss.... Sa 25th floor pa ang President's office Nasa 10th floor kaya ang office namin! tsk. Tsk. Buset na pagtatae yan kasi! Kinakabahan pa ako nung bumukas ang elevator ng 25th floor. Ako lang kasi mag-isa ang magpapakilala sa bagong Presidente. Nakakailang tuloy. Saka nakakahiya din T__T "Sir?" i called his attention. Nakaupo siya sa swivel chair at nakatalikod sakin. Tinitingan niya ang mundo sa labas mula sa glass window. "Yes?" humarap siya sakin. Tapos napakunot ang noo niya. O_o Namutla ata ako. Oh no! Siya? Siya talaga? Ang anak ng Presidente ng Men's Mag.? Siya ba talaga? Joke lang ba ito? IMPOSIBLE! "You!" gulat na bigkas niya. "No!" nasabi ko na lang. Tangna! Lupa! Lunukin mo na ako ngayon! Ngayon din!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD