Calvin and i went to Doctor para mas malawak pa ang alam namin sa pag bubuntis ko. Nalaman namin na 15 weeks na pala akong pregnant, kung bibilangin nabuo ‘to noong pinasok ako ni Calvin sa kwarto ko noong lasing na lasing ako. Pambihira!! Sa unang beses palang naming ginawa, may nabuo na. Mokong na ‘to, ang galing bumuo. Nasa byahe na kami ni Calvin pauwi at kapansin pansin ang pagiging tahimik niya pagkatapos namin mag pa check up. Kanina bago kami pumunta excited siya, ngayon namang pauwi na kami ang tahimik niya. "Ayos ka lang?" Tanong ko. Tumingin siya sakin sandali at binalik din naman agad ang tingin sa kalsada. "Yah, ayos lang ako." He forces a smile. "Alam kong may gumugulo sa isip mo, tell me ano yun? Bigla ka na bang kinabahan sa ideang Tatay ka na?"

