"We're here, welcome home my love." Calvin said pagkahinto niya sa tapat ng dati kong Apartment na tinutuluyan noong dalaga pa 'ko. Yah! I'm home and now I'm with my son. Sinundo kami ni Calvin mula sa Apartment namin sa Pangasinan para ihatid kami dito sa dati 'kong Apartment. Ngayon na kasi ang simula nang leave ko sa trabaho kaya habang nandito kami ng anak ko, dito muna kami tutuloy. Nakakamiss 'to. Ang dami kong memories dito with Calvin, syempre hindi lang kay Calvin pati na din kay Liam. Sabay kami ni Calvin na bumaba ng kotse, siya para kunin yung gamit namin ng anak ko. Ako naman para pag buksan ng pinto si Stephen ng pinto mula sa back seat para makababa na din siya. "Dito ka nakatira dati Ma?" Tanong ng anak ko habang nakatingin sa Apartment. "Yup!"

