Natapos ang working hour ko na medyo yung utak ko nando’n sa pagiisip kung anong mapaguusapan namin ni Liam, lalo na ngayong may kasama pala siyang asawa at anak. Sa totoo lang malaking luwag sa dibdib ko na may asawa na siya ibig sabihin wala ng mangyayaring gulo sa pagitan nila ni Calvin, for sure naging matured na din si Liam dahil maliban pala kay Stephen may anak na din siyang dalawang taong gulang. Natanong ko naman kanina kay Liam kung matagal na bang alam ng asawa niya yung tungkol kay Stephen, ang sabi niya Oo naman daw at wala akong dapat ipagalala sa asawa niya. Sa ngayon daw mag hihintay silang matapos ang working hour ko para makausap ako sa restaurant dito sa resort. Pero bago ko sila harapin, tumawag muna ako sa telepono sa bahay para ipaalam na male-

