Nagdadasal ako habang pinagmamasdan ang mga gamit na nakalahad sa aking harapan. Naghihintay ang mga nurses sa aking utos. Parang nabablangko ang utak ko sa pagtingin pa lang sa katawan ni Rykel. Damn! Mag-isip ka ng maayos, Rene. Tiningnan ko si Irish na nakatingin lamang din sa akin. Damn! Bakit ngayon ay wala akong maisip? Lumunok ako at naglahad ng kamay. "Scalpel." Mahina ang boses ko at panigurado akong nanginginig iyon. Binigay agad iyon sa akin at kinuha ko iyon. Tinapat ko iyon sa dibdib ni Rykel. Dahan dahan kong nilubog iyon sa balat niya at gumawa ng hiwa na kasing haba ng nine inches. Agad na nagsilabasan ang dugo ni Rykel at pinunasan nila iyon. "Pakiready ng blood packs." Sabi ko at tumango sila. Determinado ako. Kung hindi ko tutulunga

