Napapangiti na lamang ako habang sinisipat ang singsing na binigay niya sa akin kagabi. Mas lalo tuloy akong naging determinado na tulungan siya. May kumatok sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay si Rykel na may dala dalang bulaklak. Sinalubong ko siya at agaran niyang binigay ang bulaklak kasabay ng halik. Tumatawa ako. "I hope you like the sunflowers." Bulong niya sa tenga ko. "Yup. Thanks." Nakuha pa talagang makipagharutan sa consultation niya. Nang makabalik ako sa aking table ay kinuha ko na ang mga pinadala ng radiology department na resulta kaninang umaga. Nangako ako na sabay naming bubuksan iyon kahit na gustong gusto ko na agad makita pagkalabas nito. Tiningnan ko siya. Seryoso na siya ngayon at nakasalikop ang kanyang mga palad sa kanyang tuhod.

