Kabanata 11

3059 Words
"Maya.. I want to be a human too." Nang sabihin niya iyon ay hindi ako nakaimik sa kaniya. May kamunting kirot sa aking puso habang pinagmamasdan ang nangungusap niyang mga mata. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. "Bakit naman?" pinilit kong pagtaasan siya ng kilay upang hindi niya makita ang lungkot sa mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi nawawala ang tingin niya sa akin. Deretsong-deretso iyon sa mga mata ko at hindi ko magawang alisin ang tingin sa kaniya. Nilalabanan ko iyon na para bang wala na akong kawala. "Because I want to be with you." aniya sa mababang boses. Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas naman siya ng tingin. Kalma lang.. Pasimple kong sinapo ang dibdib ko upang pakalmahin ang puso ko na lumalakas na naman ang pagkabog. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito si Casper. Dahil sa mga sinasabi niya ay sumasakit ang puso ko. Bawat salitang binibitawan niya ay pumapasok sa utak ko at baon na baon sa puso ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako. "Who is he?" tukoy niya sa larawan. Napatingin muli ako sa screen ng laptop ko. Ang saya-saya ko pa sa larawang ito kasama ang ex boyfriend ko. First monthsary namin ito na magkasama. Todo ang ayos ng mukha ko at ganoon din naman siya. Napangiwi naman ako. Ayoko na sana siyang balikan pa pero hindi ko naman naiisipang burahin ang mga larawan niya sa laptop ko. Kahit papaano ay naging parte siya ng buhay ko. "Siya si Justin." bumuntong hininga ako saka napangiwi. "Ex boyfriend ko. Tsh.. matagal na 'yan. 2016 pa kami niyan." "Then why you keep this picture?" seryoso siyang bumaling sa akin ng tingin. "If he's your ex, he must be deleted in your laptop, in your life." Napanguso ako saka nag-iwas ng tingin. Pinagmasdan ko ang larawan naming dalawa saka napangiti. "Ayaw ko siyang kalimutan... bukod kasi sa kaibigan ko, siya lang ang isa pang tao na nagkaroon ng mabigat na role sa buhay ko." Muli akong napangiwi. "Ayos lang na iniwan niya 'ko sa walang kakwentang dahilan. Minahal ko naman siya kaya ayaw ko siyang kalimutan." "D-do you love him? Do you love him still?" napatingin ako kay Casper nang tanungin niya iyon. Hindi ko mawari ang emosyong lumulukob sa mga mata niya. "Minahal. Loved. Tapos na, past na." tugon ko saka muling tumingin sa larawan. "Dahil sa kaniya, naranasan kong sumaya. Nagkaron ng kulay ang buhay ko matapos ng mapait kong nakaraan. Tinulungan niya rin akong makabangon muli kasama ng kaibigan ko. Akala ko nga kung saan na ako pupulutin dahil nawala sa alaala ko ang mga taong nakakasama ko noon sa bahay ampunan." Sumakit ang pagpintig ng puso ko. Parang pinipiga iyon habang inaalala ko ang aking nakaraan. "Bahay amupunan?" patanong niyang sambit. Tumango naman ako saka ngumiti. "Hmm.. sa bahay ampunan ako lumaki. Kung saan dinadala ang mga batang walang magulang at walang ibang nag-aalaga." Nangunot ang noo niya. "You mean.. you don't have any parents? You're alone just like me?" curious niyang tanong. Napatawa naman ako. Naupo ako sa kama dahil nangawit na ang aking likod sa kakadapa mula rito. Naupo rin si Casper kaharap ko. "Naniniwala ako na mayroon akong ina at ama. Kasi kung wala? Hindi ako ipapanganak sa mundo. Ganoon ka rin, Cas. May magulang ka siguro noong nabubuhay ka pa. Malas mo nga lang dahil deads ka na." Napasimangot siya kaagad ngunit hindi umimik. Napatawa na lang ako. "At.. hindi ako mag-isa gaya mo. Kasi mayroon akong mga kaibigan sa bahay ampunan. Yung iba nakalimutan ko na. Yung iba naman, hindi ko na maaalala pa. Doon ko nakilala ang isa kong matalik na kaibigang babae. Pangalan niya ay Vienna." Naramdaman kong natigilan siya ng banggitin ko ang pangalang iyon. Ilang beses siyang napakurap ngunit mabilis siyang umiling. "Vienna? Sounds familiar." ngunot noo siyang sambit. Ngunit ang kamay niya ay dahan-dahang sumapo sa sarili niyang dibdib na kaagad kong napansin. "Anong mayroon at kumakapit ka diyan sa dibdib mong walang laman?" taas kilay kong tanong. Inalis niya kaagad iyon. "It hurts a little." Weird. "So... what happened next?" pagtatanong niya pa. Napabuntong hininga naman ako. "So.. si Ven.. kaya ko siya naaalala pa ay dahil siya ang laging nandiyaan para sa akin. Sa dinami-dami ng kababata ko sa ampunan ay siya lang ang naaalala ko. Nagtataka ako kung bakit? Pero dala na siguro ng matagal na panahon kaya ko sila nakalimutan." Muli akong napabuntong hininga saka sinara ang laptop ko. Bakit nga ba ako nagkukwento kay Casper? Hayst. "Then.. why are you here? Instead of coming home to that bahay ampunan." pagtatanong niyang muli. Napangiwi naman ako. "Orphanage? Para sa akin ay hindi ko siya matatawag na 'home' o tahanan. Umalis ako doon limang taon na ang nakakaraan bago pa ako mahospital dahil sa pagkaka- aksidente. 16 years old ako noon. Ginusto kong magsarili at magkaroon ng kalayaan, kaya naman tumakas ako. Sinundan ako ni Vienna at boom! Nagising na lang ako sa hospital na may sakit sa ulo dala ng pagkabagok raw ng ulo ko." Tumaas ang dalang kilay ni Casper sa kwento kong iyon. "Are you not happy living in an orphanage? That's why you left and things happened to you?" Kumirot ang puso ko at lumakas ang pagpintig ng puso ko. "M-masaya ako.. a-alam ko.. masaya ako.." "Really? Are you now satisfied? Knowing that you're missing something?" nagsalubong ang kilay niya. Napuno na naman ako ng pagtataka dahil sa sinasabi niya. Lumalabas na naman ang side niyang hindi ko maiintindihan. "Missing something? Wala naman akong na missed sa buhay ko. Alam ko kung anong kaganapan sa buhay ko at wala akong nakaligtaan--" "You've said it so." putol niya sa akin. "You said you don't remember something in your past life except to that justine and the girl, Vienna--" hindi niya naituloy ang sasabihin niya at bumakas ang sakit sa kaniyang mukha. Nasapo niya ang sariling dibdib at nalukot ang damit niya sa pagkakabaon ng kapit rito. Nabalot ako ng pag-aalala at hinawakan siya sa magkabilang braso, pilit na inaayos siya sa pwesto. "Casper? Cas.. a-anong nangyayari sa'yo? Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang mabilis at mahigpit siyang yumakap sa akin. Napulos ako sa kinauupuan at sunod-sunod na napalunok. Nararamdaman ko ang mga kamay niyang humihigpit ang kapit sa likuran ko. "W-why did you left?... you.. you left me alone.." H-heto na naman siya.. Sumiksik ang katawan niya sa akin. Nakapatong ang kaniyang ulo sa balikat ko at nakasubsob naman ang kaniyang mukha sa aking leeg. Naririto na naman ang sobrang lamig ng kaniyang presensya. Ayokong manigas lang sa kinapupwestuhan. Yumakap rin ako sa likuran niya at marahan kong hinaplos ang iyon. Naririnig ko ang paghikbi ni Casper. May dinadala siyang kung ano at gusto kong malaman iyon. "W-where are you.. I'm waiting.." mahinang sambit niya at patuloy sa paghikbi. Napalunok ako at nanlalaki ang mga mata. H-hindi kaya... may parte sa alaala niya ang nagbabalik? Kaya ba siya kung minsan ay umaaktong ganito? "S-sinong.. hinihintay mo?" wala sa sariling tanong ko. Gusto kong malaman habang wala siya ngayon sa sarili niya. Dahil mamaya lang, aakto na naman siyang walang nangyari. "S-she.." tugon niya ba kinalunok ko. She? Babae? Sino siya? Sinong she?! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ngunit patuloy lamang ang paghaplos ko sa likod niya at pagtatanong. "K-kanina ka pa ba.. naghihintay?" "M-mm.." tumango-tango siya at humigpit ang pagkakayakap sa akin. "I'll keep waiting for her here.. until she came and get me.." Lumalakas ang pagpintig ng puso ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Sino ba talaga ang hinihintay niya? Hanggang ngayon ba ay naghihintay pa rin siya? "P-paano kung hindi ka niya pupuntahan dito--" "No! N-no.." halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya. "You're lying! She... s-she will come for me.. I know she will.. s-she loves me.. not him!" "S-sinong----" "M-mayani will come for me.. I know she will.. M-mayani.. loves me more than him.." A-Ano?... NAKATULALA ako sa kwarto habang hawak-hawak ang puson ko. Wala sa ayos ang pagkakaupo ko sa kama at nakatingin lamang ako sa pintuan ng kwartong ito. Wala akong maayos na tulog simula kagabi. Hindi pa ako nakakapag-tooth brush o hilamos man lang. Ayokong lumabas sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong pakikitungo ang gagawin ko kay Casper dahil sa nasabi niya kagabi sa akin bago siya mawalan na naman ng malay. *Knock*Knock* "Maya? Gising ka na?" pagtatanong niya sa labas ng pintuan. Napangiwi naman ako. Hindi pa nga ako nakakasagot ay tumagos na siya sa pintuan at halos lumutang na nagtungo sa kama ko at naupo sa harapan ko. "Hindi ka man lang ba magluluto? Sepilyo? Or even at least washed your face with water? I'm worried. May sakit ka ba, Maya?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Heto na naman siya. Pagkatapos nang nangyari kagabi. Umaakto siya na wala na namang nangyari. Sinasadya niya ba o hindi? Maraming katanungan sa isipan ko. Bakit ba kasi siya hinimatay pagkatapos bumanat ng ganoon na nagpasakit sa puso ko. Blangkong emosyon ko siyang tiningnan. "Bakit ka namatay?" tanong ko. Halatang natigilan siya ngunit kaagad na nagkibit-balikat. "Hindi ko alam. Kumain ka na, malilipasan ka ng gutom at baka--" "Bakit hindi mo alamin?" putol kong tanong. Napakamot siya sa batok at nahihiyang ngumiti. "Narinig ko kasi na kapag nalaman na ng mga multong katulad ko ang pagkamatay nila at nabigyan iyon ng hustisya.. mawawala na kami sa mundo." mas lumapad ang ngiti niya. "Ayoko pang mawala rito." "Bakit?" walang emosyon kong tanong. Napaisip siya saka hindi nawawala ang ngiti. "Noong wala ka pa at ako lang dito mag-isa.. laging may bumubulong sa akin." umayos siya ng upo at nag-iwas ng tingin. "It whispers.. 'hintayin mo ako'. So.. I stayed here for a long long time. The whispers never leave my ears. But then.." Tumingin siya sa akin ng deretso. "But then you came." ngumiti siya. "The whispers finally left my ears. I thought that it's because of this woman, this because of you. That's why I convinced you to stay here with me. Enough 'till the end of quarantine." Hindi pa rin nawawala ang walang emosyon kong mukha. Ayokong magpakita ng emosyon ngayon. Para akong wala sa mood. "Bakit hindi mo maalala ang nakaraan mo noong nabubuhay ka pa?" biglang tanong ko. Napakamot muli siya sa batok. "Hindi ko alam." "Bakit hindi mo alamin?" Nagkibit-balikat siya. "How?" Wala akong naisagot. Paano nga ba? Pati nga pangalan niya ay hindi niya maalala eh. Inalis ko ang ng tingin sa kaniya at nahiga sa kama. Tinalikuran ko siya. Wala akong ganang umalis sa kinahihigaan ngayon. Nakabalot sa akin ang kumot at pinikit ko na ang mga mata ko. "Maya? Are you sick?" tanong niya at humawak sa braso ko. Kaagad naman akong tinaasan ng balahibo. "Wag mo akong hawakan, ang lamig mo at kinikilabutan ako." walang gana kong sambit. Dali-dali niyang inalis ang kamay niya sa akin. "I-I'm sorry.." Hindi na ako umimik. Ang akala ko ay lulubayan na niya ako sa kwarto ngunit nanatili lang siya doong nakaupo at patuloy sa pagtatanong. "Are you hungry? What do you want to eat for breakfast?" aniya. "Tsh.. bakit? Lulutuan mo 'ko?" sinadya kong lagyan ng tonong sarcasm ang tanong ko. Panandalian siyang nawalan ng imik. "N-no.. I can't touch anything i-in the kitchen." "Edi wag mo na akong tanungin kung anong gusto kong kainin. Tsh." Ang akala ko ulit ay aalis na siya ngunit nanatili pa rin ang malamig niyang presensya. "C-can we watch movie together?" muling pagtatanong niya. Napangiwi naman ko. "Kaya mo bang mahawakan ang remote control?" Hindi siya sumagot sa akin. Napasinghal naman ako at binalot pa ang sarili ko sa kumot. "Umalis ka na. Ayoko ng malamig ngayon." taboy ko sa kaniya. "I-I'm sorry.." usal niya bago ako nakaramdam ng init sa paligid. Umalis nga siya. Tsh. Naramdaman ko ang pananakit ng puson ko. Mayroon akong kulo ng dugo ngayon kaya't ayoko ng malamig. Mas sumasakit ang puson ko. Kailangan ko lang namang gumulong-gulong dito sa kama para sabayan ang sakit. Ganito ang nararanasan ng normal na mga babaeng katulad ko. Hayst. Wala akong lakas para bumangon ngayon kahit pa nagugutom ako. Gutom na talaga ako at gusto ko ng adobo pero wala akong lakas para magluto. Hindi ko rin naman kayang magluto ng adobo. Kaya mas mabuti na lang na dito na lang ako hanggang sa mawala ang pananakit ng puson ko. "Hmmm..." pagdaing ko. Parang hinihiwa ang p********e ko sa sakit. Normal ang sakit at dapat sanay na ako dahil dati pa ako naging dalaga. Pero ito yung sakit na hindi ka masasanay. Regla... t-tama na.. Namumuo na ang luha sa mga mata ko habang tiis-tiis ang sakit. "Hmm.. M-masakit... s-sobra.." Mas nadagdagan ang panabakit nang magkaroon ng sobrang lamig na presensya sa kwarto ko. Mariin akong napapikit. "Maya? A-ayos ka lang? Anong nangyayari sa'yo? May sakit ka--" "Please.." putol kong sambit sa kaniya na hindi siya hinaharap. "Casper, lubayan mo muna ako at ng malamig na presensya mo. Hindi ko kailangan niyan." "B-but Maya...Umm... Do you need anything ? I could-" Padabog kong inalis ang kumot ko at naiirita na tumingin sa kaniya. Nakita kong natigilan siya. "Bakit Casper? Kaya mo ba akong initan ng tubig kung sasabihin kong iyon ang kailangan ko? Kaya mo ba akong paglutuan kung ayon ang kailangan ko? Ni hindi mo nga magawang hawakan ang kahit ano doon 'di ba? Kaya please lang.. umalis ka muna rito.. ang lamig mo masyado at giniginaw ako! Sumasakit lalo ang puson ko sa'yo." Sunod-sunod ang naging paglunok niya at dahan-dahan niyang napayuko. Walang salita na naglaho siyang bigla na parang bula. Nasapo ko naman ang puson ko at mariing napapikit. Dumaloy pababa ang dugo ko at ang sakit niyon. Bumalik ako sa pagkakahiga at mas binalot ng kumot ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata para itulog na lang ang sakit nang may marinig na katok mula sa pintuan ng sala. Palakas ng palakas iyon hanggang sa makarinig ako ng boses. *KNOCK*KNOCK* "Mayani? Mayani! Mayani.. Papasok ako!" Ethan? Napabalikwas ako ng bangon nang masigurong boses nga iyon ni Ethan. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa sala na kinataranta ko. Ngunit bago pa man ako makabangon ay bumukas na ang pintuan ng kwarto ki at kaagad na nanlaki ang mga mata ko. "E-ethan...?" gulat at utal kong aniya. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napaawang ang labi ko nang bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak niya. Pagkain na nakalagay sa baunan at.. hot compress? "Mayani! You okay?" nag-aalala ang mukha niya nang lumapit sa akin. Ibinaba niya ang mga dala-dala sa kama ko at binalot ang buo kong katawan sa kumot na naalis na pala sa akin. Hindi pa rin ako nakababawi sa gulat at nakaawang pa rin ang bibig ko. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya? Napasinghap ako ng hangin nang sapuin niya ang pisngi ko at deretsong nakatingin sa akin. "Kanina ko lang naalala na ngayon pala ang dalaw mo." seryoso niyang sambit na kinalaking muli ng mga mata ko. Watdapak! Paano niya naman alam?! "E-ethan.. Anong.. Paano.. bakit ka nandito?" hindi ko maitutukoy ang itatanong. Mukhang natauhan siya at naupo sa gilid ng kamay ko. Tipid na ngiti siyang tumingin sa akin saka kinuha ang pagkain na dinala niya. Binuksan niya ang baunan at naamoy ko ang bango ng adobo. "Alam kong nagugutom ka na. Adobo lang naman ang hinahanap mo tuwing nagugutom ka." lumaki ang ngiti niya. "Alam ko naman na hindi ka magaling sa pagluluto." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Inilabas niya ang kutsara at kumuha siya ng kaunting kanin at ulam saka itinapat sa aking bibig. "Aahh.." usal niya. Napanganga ako sa gulat ngunit nabigla ako nang isubo niya sa akin iyon. "Eat up." Ibinaba niya ang kutsara saka kinuha ang hot compress sa tabi niya. Inihatag niya iyon sa akin at wala sa sariling kinuha ko iyon. "Ilagay mo na sa puson mo. Nagdala rin ako ang gamot para maibsan ang sakit. Isa pa.." muli niyang itinapat sa akin ang kutsara. Napakabilis ng pagtibok ng puso ko. Para siyang sanay na sanay sa ginagawa na lalong nagpapakaba sa akin. "E-ethan..bakit.. Paano--" "Shh. Kumain ka muna." itinapat niya sa akin ang kutsara. "Aahh.." Naiilang akong ngumanga at nang maisubo niya sa akin iyon ay kukuhain ko sana sa kaniya ang pagkain. "A-ako na lang--" "No." putol niya agad. Seryoso siyang nakatingin sa akin at deretso kong nailunok ang pagkain. Uh-oh.. Biglaan akong napaubo. "Aaaacck! Natuk-an koo!" "Oh easy!" nagabot kaagad siya ng tubig na nakalagay sa tumbler at dali-dali ko iyong ininom. Nakahinga naman ako ng maluwag. "S-salamat.." nahihiya kong usal. "Hindi mo kailangang magpasalamat. Ginagawa ko naman talaga ito eh.." ngiti niyang tugon. Nangulubot ang noo ko. "Anong sinasabi mo, Ethan?" Umiling siya. "Naiintindihan ko kung hindi ka pa handang malaman. Maghihintay ako hanggang sa ikaw na ang lumapit sa akin." Mas lalo akong binalot ng kuriyosidad at pagkagulo. Ngunit natigilan ako nang sinapo niya ang pisngi ko at deretsong nakatingin sa mga mata ko. "Basta.. lagi mong tatandaan.. Kung pagod ka ng maglakad, sabihin mo lang,, agad kitang papasan." Bumibilis ang pagpintig ng puso ko. Dala iyon ng sinabi niya na hindi ko mawari kung anong mayroon at rumerespundi ang puso ko. Ngunit mas bumilis ang pagpintig nito nang unti-unti at dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Nagwawala ang puso ko dahil sa ginagawang paglapit ni Ethan. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan at sunod-sunod lamang na napalunok habang hinihintay na tuluyan siyang makalapit sa akin. Maya! Anong ginagawa mo?! Itulak mo siyaaa! Ngunit hindi sumunod ang katawan ko sa sinisigaw ng isip ko. Nakapikit na ang mga mata ni Ethan at naduduling na rin ang mga mata ko. Pipinit na sana ako dahil hindi ko na kinaya pang dumilat nang bigla na lang humangin ng malakas. Parehas kaming natigilan at cue ko na iyon upang umatras papalayo ng kaunti sa kaniya. Ngunit mas natigilan ako nang mapagtanto kung kanino nagmumula ang malakas na hangin na iyon. Ang malamig na malamig na presensiya ay nagmumula lamang sa iisang multong kilala ko. "Casper.." Napako ang tingin ko sa kaniya sa harapan ng pintuan ng kwartong kinalolooban namin ngayon. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkislap ng isang butil ng tubig na nagmumula sa kaniyang mata. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya na hindi ko gugustuhing makita. "Don't.. p-please.." aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD