Ang galit ni Don Emilio ay nag-apoy sa silid, halos mapapaso ang bawat tao sa kanyang presensya. Mariin niyang pinagmasdan si Arnesto, ang lider ng mga rebeldeng inutusan niyang tapusin ang pamilya ng kanyang mortal na kaaway. "Anong nangyari? Bakit nakaligtas ang mga des Conde? Sinabi ko sa'yo na wala dapat matitirang buhay—lalo na si Adam! Bakit buhay pa ang hayop na 'yun?!" Napalunok si Arnesto. Ramdam niya ang tensyon sa silid, para bang bawat galaw niya ay sinusubaybayan, bawat paghinga ay sinisiyasat. “Boss, hindi rin po namin maintindihan. Lahat ay planado. Bigla na lang may dumating na grupo—mga naka-maskara at halatang bihasa sa labanan. Hindi namin alam kung saan sila nanggaling. Kung hindi kami agad umatras, baka kami pa ang ubos.” “Sinigurado namin na walang makakapasok, kah

