Parang may mga pakpak ang bawat galaw ng sasakyan nila. Ang humahagibis na hangin, ang malupit na alikabok na tumatama sa gilid ng mukha ni Georgie, ang hiyaw ng makina sa ilalim ng kanyang katawan—lahat ito ay naglalakbay kasabay ng pintig ng kanyang puso. Sa bawat ikot ng gulong, tila naghahabulan sila ng kamatayan. Sa kaliwa niya, bahagyang mas nauuna si Yasmien. Mapanganib ang ngiti nito, halatang sanay sa ganitong uri ng labanan. Hindi ito ordinaryong karera—ito'y parang sabayang sayaw ng dalawang asong ulol na parehong ayaw magpatalo. Tumagos sa tenga ni Georgie ang tunog ng komunikasyon sa earpiece na nakakabit sa hikaw niya. “Caterpillar to Butterfly. Visual's locked. You’re going off-track in five… four…” Hindi sumagot si Georgie. Isang hinga lang ang binitawan niya. Humigpit

