Chapter 32

3045 Words

Kinabukasan, maagang nagising si Georgie. Agad niyang napansin ang lamig ng kama sa kanyang tabi. Walang Adam. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon, napakunot ang noo habang pinakikiramdaman kung naroroon pa ba ito sa loob ng silid. Ngunit tanging katahimikan lang ang bumungad sa kanya. Napatingin siya sa bedside table. Wala roon ang librong hawak ni Adam kagabi. Maging ang jacket nitong nakasabit sa upuan ay wala na rin. Napalunok si Georgie habang marahang tinatanggal ang kumot sa sarili. Mabilis siyang nagtungo sa banyo, naligo at nagbihis. Wala pa man sa ayos ang kanyang buhok, bumaba na siya ng hagdan—nagbabakasakaling naabutan pa ang asawa. Pero pagdating niya sa dining area, agad siyang sinalubong ng tanawing hindi niya inaasahan. Nandoon ang mga magulang ni Adam—si Bryan at Sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD