TEASER

215 Words
Krizette Lafuente, twenty-three, namulat sa kahirapan. Biktima rin ng illegal recruiter. Kaya naman hindi siya makauwi sa probinsiya nila dahil sa malaking utang na kailangan niyang bayaran. Ang alam ng kaniyang pamilya ay nakaalis na siya ng bansa para magtrabaho sa Canada. Pero hindi ganoon ang nangyari. Kaya naman nang mapadpad sa Maynila ay pinasok ni Krizette ang lahat ng klase ng trabaho na madali siyang matanggap. Hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang guwapong bilyonaryo na si Ryzen Salvana. Narinig niya itong may kausap sa cell phone at namomroblema sa makulit nitong lola. Titigil lang daw iyon sa pangungulit kung may maihaharap itong nobya sa lola nito. Kinapalan naman ni Krizette ang mukha at bago umalis sa high-end bar na pinagtatrabahuhan bilang waitress ang binata ay sinabihan pa niya ito na tumatanggap siya ng sideline na acting job. Basta the price is right. Pero tiningnan lang siya nito na para bang nababaliw na siya bago siya iniwan. Buong akala ni Krizette ay hindi na muli pang magkukrus ang landas nila ni Ryzen. Kaya laking gulat niya nang bumalik ito sa bar matapos ang ilang araw. At ang mas nakakagulat? Nag-offer lang naman ito ng limang milyong piso para sa serbisyo niya. “You’re hired as my girlfriend,” wika pa nito sa kaniya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD