After what happened last night sa cabin ay lumabas naman din kami at nakihalubilo sa iba . Tinapunan ako ng papuri ng mga kaibigan ko at ganon na din ang mga school mate namin. Pilit akong nilalapitan ni Luis ng mga araw na iyon dahil gusto daw niyang mkipagusap pero inignora ko lang ito. Masyado akong masaya sa pagkapanalo at sa pagiging official namin ni Raz at ayaw kong masira ang mood ko. Nanalo din naman ang sila Xianee, Chandria, at Verena sa kanya kanya nilang laban. We also win our race competition may nakainitan pa nga si Chandria sa kabilang school siguro dahil na din sa pagiging competitive nito. Dahil nga tapos na kami sa isipin namin ay laban naman ng mga boys kami naka focus. Raz is preparing his things habang nasa bench lang kami habang tahimik na nagmamasid sa mga kilos n

