(Yve's POV)
Hawak ko ang kamay ni Nathalie habang palabas kami ng airport. Si Tita Grace na kapatid ni Mommy ang sumalubong sa amin.
"Hi hija, long time no see" sabi ni Tita sabay beso sa akin. " Hello tita, yeah it's been a long time I miss you".
" I'm so excited to see you and this cute little one here" sabay pisil niya sa pisngi ng anak ko.
" Nathalie say hi to your tita-lola" Sabi ko sa anak. "Hi tita-lola" bati ng anak ko Kay tita Grace.
"Oh my you're so cute and beautiful like your mom darling" papuri ni tita. Nginitian lang siya ni Nathalie.
Sumakay na kami sa Van at tumungo na sa mansion. Namangha ako sa malaking pagbabago ng mansion. Naroon pa rin ang pagiging Spanish style pero may pagka moderno na ito. Pinarenovate kasi ito ni mommy at si Tita Grace ang nag-asikaso ng lahat.
"Wow Tita, ang ganda po ng bahay" manghang saad ko. " Do you like it hija?" tanong ni Tita Grace sa akin. "Yes, I really like it" sagot ko.
"Pumasok na tayo sa loob para makakain narin kayo at makapagpahinga " sabi ni Tita.
Pagkapasok namin sa Sala mas lalo akong namangha dahil sa napakagandang pagbabago ng bahay. Nandoon parin ang malaking kuwadra na larawan nila mommy at tita Grace Kasama Ang Lolo at Lola ko.
Nakaframe naman ang picture naming tatlo nila Mommy at Daddy. Katabi din nito ay picture ko na nakasakay sa kabayo and that was when I am 14. Sa kabila naman ay frame ni Mommy at Tita na magkasama.
Si Tita Grace ay dalaga pa rin hanggang ngayon at hindi pa nag-aasawa. She's 7 years younger than my Mom kaya naman siya ang namahala sa mga properties at kompanya na naiwan ng yumaong Lola at Lolo ko.
" Yve, halika na ready na ang pagkain" tawag ni Tita sa akin. Pagdating ko sa dining ay nandoon na ang anak ko at nakaupo na sa kanang upuan ni Tita. Naupo na rin ako at nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain ay panay ang kwentuhan namin ni Tita. Napag-usapan namin ang tungkol sa business at kung ano-ano pa hanggang sa umabot ang usapan sa anak ko.
"She really looks like you Yve na mana niya sayo ang kutis mo pati hugis ng mukha" Sabi ni Tita habang tinititigan si Nathalie na abalang kumakain.
" Her nose and lips but her eyes, hmmm... hindi Sayo" sabay tingin niya sa akin.
Natahimik nalang ako habang pinagmamasdan ang anak ko. Nakuha niya nga lahat sa akin pwera nalang sa mata na sigurado akong namana niya sa daddy niya.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang lalaking unang nakaangkin sa akin. Ginawa na lahat ni Daddy para mahanap ang lalaking nakasama ko sa hotel. Pinatingnan pa nga niya ang CCTV ng hotel na iyon pero wala pa rin.
Gustong-gusto kong malaman kung sino ang Daddy ni Nathalie para naman may maisagot ako sa kanya tuwing nagtatanong siya sa akin. Naaawa ako sa anak ko na lumaki ito na walang ama.
"Mommy I'm done" Sabi ni Nathalie na umiinom na ngayon ng juice. " Did you enjoy the food darling" tanong ni Tita sa anak ko. "Yes tita-lola" sabay tango pa nito.
Nginitian ito ni Tita at nagpasya na kaming umakyat na sa kwarto para makapagpahinga. Magkahiwalay na kami ng kwarto ni Nathalie.
Katabi ko siya sa pagtulog hanggang mag 3 years old Siya. Ngayon tinitrain ko siyang matulog mag-isa at nasanay nadin naman siya.
Pagkatapos masiguro na nakatulog na ang anak ko ay lumabas na ako at pumasok sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama na iniisip pa rin ang Daddy ni Nathalie.
For Six years, marami na rin ang nagtangkang manligaw sa kanya at nagpaparamdam pero di niya ini-entertain ang mga ito kahit na para nalang sana may tumayong ama para sa anak niya.
Noong nalaman niya na buntis siya ay tumigil na rin siya sa pagmomodelo. Maraming nanghinayang lalo na ang manager niya dahil bukod sa sikat siya ay maraming nag-aalok sa kanya na magmodel sa produkto nila.
Pero mas pinili niya na iwan ang trabaho at magfocus nalang sa anak niya. Malaki ang nabago sa buhay niya simula noong dumating si Nathalie. Dito na kasi umikot ang mundo niya at mahal na mahal niya ang anak.
Napabangon bigla si Nathalia sa pagkakahiga dahil napanaginipan na naman niya ang ama ni Nathalie. Ilang beses na rin niya itong napanaginip at puro pagtatalik nila ang kanyang nakikita.
Pinagpawisan siya ng sobra na para bang totoo ang panaginip niya. Huminga siya ng malalim at uminom ng tubig. Tumingin siya sa wall clock at alas dos na pala ng Umaga.
Kahit anong pilit niyang matulog ulit ay hindi niya magawa. Kinuha nalang niya ang kanyang cellphone at nag i********:.
Nag scroll lang siya ng nag scroll hanggang sa nakita niyang may nag follow request sa kanya. Matagal na itong request galing kay engr.rouzveng.
Binalik niya na lang ulit sa mga posts at tinuloy ang pag scroll. Hanggang sa kusa ng pumikit ang kanyang mga mata.
Nagising siya nang may humahalik sa mukha niya. " Good morning Mommy" bati ni Nathalie sa kanya. " Good morning sweetie" Sabi niya sabay halik sa anak.
" Tita-lola said we're going to eat breakfast" sabay hila niya sa akin. " Okay okay babangon na si mama" natatawa Kong sabi.
Naghilamos na ako at nag toothbrush habang naghihintay naman ang anak ko na nakaupo sa kama. " Let's go".
" Good morning Tita" bati ko Kay tita Grace. " Good morning Yve". " Did you wake your mommy up?" tanong niya kay Nathalie.
" Yes tita-lola, I showered her kisses until she wokes up" magiliw niyang sagot. Nagtawanan nalang kaming tatlo.
" By the way hija, gusto mo bang bumisita sa kompanya natin" tanong ni Tita. " Sure po Tita bibisita po ako".
" Sige just tell me when ha" . " Sige po Tita, ipapasyal ko po muna si Nathalie dito sa Manila" Sabi ko.
" As much as I want to go with you but I really have to go to the office may meetings pa ako with the investors and busy rin sa pagpeprepare for the upcoming founding anniversary ng company" Sabi ni Tita.
" It's okay Tita wag mo na kaming alalahanin tutulong din ako sa prepatations for the anniversary" Sabi ko pagkatapos nagpunas ng bibig.
" Well if that's what you want then go" Sabi naman niya.
" Thank you Tita ". I want to help Tita Grace. It's been a long time since she do the things for the company alone.
So it's time for me to act too for our company. I am happy to help.
“The best love is the kind that awakens the soul; that makes us reach for more, that plants the fire in our hearts and brings peace to our minds. That’s what I hope to give you forever.”
– Noah from The Notebook