LIAR
Paglabas ko ng mall ay natanaw ko na agad ang sasakyan ni Marcus na pumaparada. Mukhang nasabihan na siya ng mga bodyguard bago pa man ako matapos kumain.
Alam niya rin kaya na ang kasama ko kumain ay si Laira o baka naman alam niya na nandito si Laira kaya siya nagpumilit na sunduin ako?
"Are you done with your shopping? Sasamahan kita kung may bibilhin ka pa."
"I'm done, you liar!" gigil na sagot ko sa kanya. Sakto lang ang lakas para siya lang ang makarinig.
Deretso ko siyang sinalubong at sa halip na yakapin siya ay binangga ko ang kaniyang balikat. Natanaw ko naman ang pagsalubong ng kaniyang kilay sa pagtataka.
"What are you talking about?," he ask in soft voice.
Hindi ko siya sinagot at deretso na nagpasok sa kaniyang sasakyan. Wala ako sa mood ngayon para intayin pa siyang magbukas ng pinto para sa akin.
I am wearing my seatbelt when I saw him talking to my bodyguards. Kita ko ang kunot noo niya hanggang dito at alam ko rin na hindi maganda ang mood niya base sa kung paano niya kausapin ang mga ito.
Pilitin ko man isipin ang saya na nadarama ko kanina ngunit hindi ko na iyon mahalukay pa sa kaloob-looban ko. Sino ang matutuwa pa sa mga nalaman ko, sige nga.
Nang tanawin ko siyang muli ay hinihilot na nito ang sentido na para bang sumakit ang ulo niya sa nangyari.
Kung masakit naman pala ang ulo niya edi sana hindi na niya ako sinundo. May sasakyan naman dala ang mga bodyguards sa kanila na lang sana ako sumabay pauwi.
He look back and stare straight to my eyes. Tinted ang sasakyan ngunit pakiramdam ko ay kitang kita niya ako dito sa loob. I rolled my eyes at him even though he won't see it.
Kinuha nito ang telepono at may tinawagan bago nagsimulang maglakad patungo sa sasakyan. Nakahalukipkip lang ako hanggang sa mabuksan niya ang pinto at pumasok.
"Can we talk?," nananantsa niyang tanong.
"We are already talking, Marcus." Malamig na sabi ko at hindi siya nilingon.
Narinig ko naman ang buntong hininga niya dahil sa inasal ko. He started the engine and drove away from the mall.
"Kumusta ang araw mo ngayon? At nasaan ang mga binili mo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa huling tanong niya. f**k! Oo nga pala! Naiwan ko yung dress na binili ko dahil sa inis ko sa kanilang dalawa ni Laira. Kung hindi dahil sa kaniya hindi ko sana maiiwan yung dress. Mas lalo tuloy nadagdagan ang inis ko sa kanya ngayon.
"Okay lang at wala akong binili kanina. Nag-ikot lang ako," sabi ko at masama ko siyang tinignan.
Itinaas naman nito ang isang kamay na para sumusuko ito habang ang isa ay nasa manibela, "Tinanong ko ang bodyguard mo at ang sabi ay mayroon ka daw binili na damit."
Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana. Shemay! Ang ganda pa naman nung damit na binili ko at ang mahal pa tapos maiiwan ko lang pala.
He sighed again. "Don't worry. Ipinahanap ko na sa mga tauhan ko ang mga binili mo."
I saw him look at me in my peripheral view. I can see how much he's eager to start a conversation with me but because of my noncompliance nakikita ko rin kung paano siya nahihirapan.
Huh! Manigas ka ngayon. Natulog pala sa kwarto mo ah. My mind is clouded by the taught of him and Laira inside his bedroom, in one bed. Mas lalong sumasama ang panlasa ko sa naiisip.
"Nasa mall din pala si Laira at nagkita kayo." Hindi iyon patanong, parang alam talaga niya na nandoon si Laira sa mall at nagkita kami.
"Hindi ko naman alam na may schedule ka pala ni Laira at pati pagpunta niya sa mall ay alam mo. Sana pala ay nagkamustahan muna kayo at nagpahatid na lang ako sa bodyguard para naman mas masulit niyo ang mga panahong nawala sa pagitan niyong MAGKAIBIGAN. Papayagan naman kita pwede naman ako magpasundo kay Rosh kasi hindi mo naman ako obligasyon na sunduin pa."
Dere-deretso kong sabi. Hiningal ako sa pagsasalita pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. I saw amusement in his eyes and the smirk he is hiding.
Pakiramdam ko ay nagpapanting ang tenga ko sa inis! Nagawa niya pang tumawa sa lagay na ito. I felt my heart and eyes stings.
"Stop the car, Marcus!"
Sigaw ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagkabigla sa kaniyang mukha sa pagsigaw ko ngunit hindi niya inihinto ang sasakyan.
"What? Nasa daan tayo at madilim na, Ophelia. Hindi kita pwedeng ibaba dito." Kunot noo niyang sinabi sa maayos na paraan. He look at me and his eyes becomes tender.
"I said stop the f*****g car, Marcus!" Pinalis ko ang luha na pumapatak sa aking mga mata. Pigilin ko man ay hindi ko na kaya. Ang sakit sakit nang nararamdaman ko ngayon.
"No, Ophelia! Malapit na tayong makarating. Mag-uusap tayo ng masinsinan."
Deretso ang tingin niya sa daan. Nag-iigtingan ang kaniyang panga at pati na ang kanyang ugat sa kamay at braso ay naglalabasan. Mahigpit ang kapit niya sa manibela na animo'y doon itinutuon lahat ng pwersa.
I tried to open his damn door but he locked it first. Subukan ko mang itulak ng itulak ang pinto ng sasakyan ay hindi na ito nabukas.
"Damn, baby. Don't do that again! Nasa gitna tayo ng madilim na daan at umaandar ang sasakyan!" tumaas nang bahagya ang boses niya dahil sa nangyari.
There's only two emotion evident in his face. Worried and Scared. Bakas na bakas ang takot at pag-aalala sa mukha niya. Palipat lipat rin ang tingin niya sa akin at sa daan na para bang hindi mawari kung ano ang mas importante.
Hindi pa nag-iilang minuto ay huminto na ang sasakyan niya. Hindi ko na siya hinintay at lumabas na agad. Tatawagan ko sana si Rosh at magpapasundo nang matanaw ko na parang may tao sa gilid. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang aking telepono.
"Salamat ho, tay erning. Ipapakuha ko na lang po sa tauhan ang sasakyan."
Ngayon ko lang napagtanto na wala kami sa kanilang mansyon at ang lalaking nakita ko ay tauhan sa rancho nila Marcus. Sa gilid nito ay ang itim na kabayo na si Lucho.
"Pasensya na, iha kung nagulat kita. Pinahatid kasi ni Marcus ang kabayo dito," ngiting sabi nito.
Nginitian ko lang ito pabalik at tumungo ng bahagya. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng aking puso dahil sa nangyari.
Mukhang nakita ito ni Marcus kaya lumapit ito at inilagay sa aking balikat ang kaniyang suot na suit. Bukas ang tatlong butones ng itim na longsleeve nito. I wonder why he is not formally dress when he had a meeting with the board.
"Sige na, Marcus. Ako ay papalayaw na, pasensya na ulit at natakot ko ang iyong nobya." Alanganin itong ngumiti kay Marcus bago ako binalingan ng tingin.
"Wala po iyon, salamat din po at naihatid niyo si Lucho kahit madilim na," malumanay na sabi ni Marcus.
Umalis na ang tinawag ni Marcus na tay erning. Kinuha ko naman ang nahulog kong telepono at tinawagan si Rosh. Sumagot naman ito kaagad ngunit bago pa ako makasagot pabalik ay inagaw na ito sa akin ni Marcus.
"Rosh. Sa akin muna si Ophelia ngayong gabi pwede ba?," tanong ni Marcus sa kausap habang nakatingin sa akin. Laglag panga ko naman siyang tinignan.
Ang kaniyang mga mata nangungusap. Malalim at nakakalunod ang mga titig niya kaya hindi ko maiwasan na ipaling sa iba ang tingin.
"I will. Thank you." Iyon lang ang sinabi niya at ibinulsa na ang telepono ko.
"Akin na yung telepono ko, magpapasundo ako kay Rosh."
He close his eyes tightly and lift his head up before heaving a sigh. Something tugged my heart while looking at him being like this. I can sense that he is already tired but he can't even rest because he have to put it up with me.
"Sa akin ka muna ngayong gabi. Tinawagan ko na si Rosh. I want us to have a talk about all of your issues. I'm sorry baby if I made you cry earlier," he said before he walked right in front of me and kissed my forehead.
"I'm sorry for hurting you but please, please Ophelia. Don't you ever do that again," he said it while looking straight unto my eyes.
I felt his hands on my waist, pulling me closer to him. Sa di malamang dahilan ay tumulo na lang bigla ang aking mga luha. Para bang matagal ko itong kinimkim kaya't sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Mas lalo ko lang isinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib at mahigpit na nakahawak sa kaniyang damit. Kahit anong gawin ko ay hindi mawala wala ang mga sinabi ni Laira sa akin.
Pinunasan niya ang aking pisngi at sa mapupungay na mga mata ay hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo na kay Lucho.
Tinanggal niya ang pagkakatali ni Lucho sa puno bago ako hinawakan sa bewang at inalalayan umakyat. Sumunod siya at umupo na sa aking likuran.
Ramdam ko ang init ng katawan niya sa aking likod kaya lumayo ako ng bahagya. He felt it that is why he put his hands on my waist and pulled me closer to him. I can feel his hot breathe on my nape that sents shivers to my spine.
"Please don't avoid my touch, baby," he said it in low baritone voice before he planted kisses on my nape.
"M-Marcus...," my voice came out as a moan. He is now sucking the side of my neck leaving marks all over. His hands are going up and down on the side of my waist.
A moan came out of my mouth when he found the soft spot of my neck. Damn, i felt hot. His hands are now inside of my top drawing circles on my stomach starting to wonder my body but I held his arms before he reached my breast.
"Marcus we are in public..." paungol na lumabas sa labi ko. Kahit ako ay nagulat sa naging tono ng aking boses.
He suddenly withdraw his hands on my body and settled it on my waist. His kisses went to my earlobe and bit it before sucking all the pain away.
"I'm sorry, baby. I just really missed you." His voice are getting husky and sensual.
He withdraw his kisses but he pulled me closer to him. Dikit na dikit ang aking katawan sa kaniya. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. I moved a bit and felt a wet feeling in between my thighs.
"We will ride Lucho for now. Ipapasabay ko sa renovation ang pagpapagawa ng daan patungo sa bahay." Iyon lang ang sinabi niya bago niya patakbuhin si Lucho.
Malamig ang simoy ng hangin at hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang lagalas ng talon. Tumigil naman si Marcus sa isang malaking puno. Inalalayan niya akong bumaba bago itinali ang kabayo sa puno.
Wala pa rin pinagbago ang talon na ito. Kaagaw agaw pansin pa rin ang ganda ng paligid. Nakakagaan ng loob ang malamig na hangin at ang lagaslas ng tubig na nagmumula dito.
"Let's go inside. Madilim na at mahamog dito sa labas." tinig ni Marcus ang nagpagising sa aking diwa.
Parang tubig na rumaragasa ang mga pangyayari kanina sa mall. Ang inis na nawala bahagya ay unti unti na naman sumisibol sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago tumalikod at naunang naglakad sa kaniya
"Damn, I thought I already calm her." Rinig ko na bubulong bulong niya.
Pagpasok sa loob ng bahay niya ay walang itong pinagbago. Ganoon pa rin ang ayos nito. Parang hindi man lang nagagalaw ang mga bagay bagay.
I remove his suit ay put it in the sofa. Binalingan ko naman siya at naabutan na nakatitig sa akin.
"You can shower if you want may damit ako diyan na binili." His longsleeve is now folded on his elbows.
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Hindi ko susuotin ang damit na hindi para sa akin. Mas gugustuhin ko nalang maghubad kesa suotin yan," malamig na wika ko sa kaniya.
He put his hands on his nape before he bow down his head. He looks like in pain right now. Tinitigan ko naman siya simula ulo hanggang paa ngunit mukha namang walang masakit sa kaniya.
Nang ibalik ko ang aking tingin mula sa baba ay napadako ang aking tingin sa kaniyang gitna. I bit my lips when I saw his bulge.
"f**k," I heard him curse in silent. He hovered in front of me and held my chin up to meet his eyes. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa hiya na nararamdaman.
"As much as I want you naked, I don't want you to get sick. Binili ko ang mga damit para may maisuot ka kung dito ka matutulog," sabi niya bago pinisil ang aking bewang.
Iwinaksi ko naman ang kaniyang kamay at itinulak ito ngunit hindi naman siya natinag kaya ako na ang humakbang palayo.
"Liar! Kaya ka lang talaga may damit dito na pambabae ay para kay Laira hindi ba?," sigaw ko sa kaniya.
"Para iyon sa iyo hindi para sa kaniya. Hindi pa siya nakakarating dito, Ophelia."
Talagang magsisinungaling pa siya sa akin, e huling huli ko na siya! I clench my fist to control my anger.
"Dito mo siya inuwi kagabi! At saan siya natulog, huh?," naliliit ang mga mata kong tanong sa kaniya
"Sa kwarto mo?." I chuckled sarcastically. "Of course, saan pa ba siya matutulog."
"Iyan ba ang sinabi niya sayo kanina kaya ka nagagalit?"
Isa lang iyon sa dami ng sinabi niya! Gusto ko iyong isigaw sa kaniya ngunit pinili kong tumahimik na lang.
"Totoong sa kwarto ko siya natulog," wika niya sa marahan na paraan.
I bit my lips to stop my tears. Mas masakit pala na sa kaniya marinig iyon kaysa manggaling kay Laira.