MALL Maganda ang panahon ngayon. Ang araw ay nakatago sa likod ng mga ulap at ang malamig na simo'y ng hangin ay sinasayaw ang mga dahon. Ang lupa ay mamasa-masa dahil sa walang tigil na pag-ulan nitong nakaraan linggo. Papasok na ang tag-ulan kaya hindi na makakaila ang malimit na pag-ulan. Kaya ang loob ng mansion ay nangangamoy kape na dahil sa maya't mayang pagtitimpla. "When are we going to Manila?," I asked. Nasa hapag kami ngayon at nag-uumagahan. Kumpleto kaming apat ngayon dahil wala pa rin ginagawa ang dalawa. Ang lahat nang reports sa kapehan ay nasa opisina nang mga De Mariano sa Maynila. Their main office is in Manila but their main building is here is Lalia. Kahit ako ay naguluhan noong una. Rosh explained that most of the board members are here in Lalia. Kaya kapag

