CASE
It's been three days since the incident happened and in that three days Rosh stay here in the mansion. He didn't listen to me when I said that I am okay and he don't need to be worried. He still insisted to be here to know the progress of Luis case
It is my decision to file the case to the court for due process. It is for the better because I am afraid what Marcus and Rosh might do to him. After two days of the incident they found Luis in one of his private property outside Lalia and he isn't looked like a person on run because he is taking his days well off
"Manang, ako na ho ang magdadala niyan." naabutan ko si Manang Emy na bitbit ang tray ng meryenda na inihanda kila Marcus. Ang mga lalaki ay nasa hardin, nag-uusap. Si Rosh ang nagpapunta sa kanila para kausapin at alamin ang estado ng kaso ni Luis
"Mabuti pa nga, Amara. Nahihiya rin itong mga ito sa pagdadala ng meryenda," tinignan ko naman ang tinutukoy ni Manang Emy. Namula ang pisnge ng mga dalagang kasambahay ni Lola Anista
"Siguro ay may gusto kayo sa tatlong nasa hardin ano?" pagbibiro ko upang ipakita na ayos lang sa akin ang mga reaksyon nila. Mukha kasi silang natakot noong nagsabi sa akin si Manag Emy. Nagtulakan naman ang mga babae, narinig ko pa ang pangalan ni Leon at Kevin sa kanila
Mukhang may nabihag agad ang dalawang iyon sa mga kasambahay ni Lola. Nakangiting umiling na lang ako sa kanila bago kinuha ang tray kay Manang Emy
Malayo pa lang ay naririnig ko na si Rosh, "I told you, Marcus. Tayo na dapat ang humawak kay Luis para wala ng kawala yung gago!" galit na wika ni Rosh
Hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila at ang iingay nilang mag-usap. Hindi ko nga inaasahan na magkakasundo ang apat na iyon lalo na si Rosh at Leon. Pagkarating pa lang ni Leon ay nagbabangayan na ang dalawa sa hindi ko malaman na dahilan
"Ayokong pangunahan si Ophelia, Rosh. Desisyon niya ang sinusunod ko," pagpapaliwanag ni Marcus
Narinig ko naman ang halakhak nung Kevin, "I thought you said you are the one taming your girls, why is it look like you are the one being tamed now, huh? Hindi ka pa sinasagot under ka na."
"Shut up, Kevin. I am not talking to you," masungit na sagot naman ni Marcus. Tame me huh? Narinig ko naman ang halakhak ni Rosh at ni Leon sa sinabi ni Kevin
"Sinabi pa niya sa akin na huwag ko daw liligawan si Amara dahil masyado pa itong bata, iyon naman pala ay bumabakod na nang palihim." natawa ako sa kanilang apat. Mukhang magkakaibigan na talaga sila sa estado ng pag-aasaran nila
"Because you are already flirting with her the first time you saw her!" mukhang pinagkakaisahan nilang tatlo si Marcus
"I can't avoid it, she caught my eyes because of her beautiful chinky eyes. Akala ko ay makukuha ko agad iyon naman pala ay suplada rin." natawa ako ng maisip ang unang beses na magkita kami. Paano ba naman hindi magiging suplada, e napakahangin niya noon. Gumawa pa ng eksena sa gitna ng hallway
"Hindi ka tinatanong Leon. Kaya manahimik ka diyan." mas lalong natawa ang tatlo sa isinagot ni Marcus. Ilang sandali pa ay narinig ko silang nagkakagulo na sa pag-aasaran kaya minabuti ko nang pumasok para ihatid ang meryenda nila
Si Kevin ang unang nakapansin ng pagpasok ko sa hardin. Tumayo naman ito kaagad at inabot ang tray ng pagkain na bitbit ko. Siya iyong lalaking pinag-abutan ni Marcus ng baril at mukhang namumuno. Ngayon pa lang ang pangalawang pagkikita namin magmula ng mangyari ang insidente
"Kevin Xiolo. Nagkita na tayo noong gabing kinailangan ni Marcus ang tulong ko," banayad nitong pagpapakilala
"Salamat sa tulong mo, kung ganoon." ngiting tinaggap ko ang kaniyang pakikipagkamay. Hindi pa man nag-iilang segundo ay narinig ko na ang tikhim ni Marcus. Nginitian ko lang siya at kumaway pa gamit ang kaliwang kamay dahil hindi pa rin binibitawan ni Kevin ang kamay ko
"Pwede mo nang bitawan, Fortalejo." Kung kanina ay nagbibiruan pa sila ngayon naman ay mukhang naaasar na si Marcus
"Of course, De Mariano." nginitian pa muna ako nito bago binitawan ang aking kamay. Gwapo ang lalaki ngunit may pagkamisteryoso rin ang dating. Kung ihehelera ang apat na lalaki ay walang patapon kahit isa, mukhang mahihirapan pa ang babae kung pipili
"Throw all your cigarettes," sinabi ni Rosh
Sumipol naman si Leon bago tinapon ang sigarilyong hawak. Lumapit naman siya sa akin bago hinawakan ng bahagya ang aking bewang at nakipagbeso.
Uupo na sana ako sa tabi ni Marcus ng magsalita si Rosh, "Sit beside me, milady." Napasimangot naman ako ng tumayo na siya at ipinaghila ako ng upuan. Hindi ko naman siya pwedeng tanggihan kahit na gusto ko kaya sa halip na maupo sa tabi ni Marcus ay dumeretso ako sa tabi ni Rosh. Pinaggigitnaan ako ngayon ni Rosh at Kevin
"So, what's with your meeting today?" tanong ko sa kanilang apat. Nagsalit salit ang tingin ko sa kanila dahil walang gustong sumagot sa tanong ko
"Is there a progress about the case?" I asked Kevin instead. Maingat naman niyang tinignan ang tatlo na parang humihingi ng senyales kung sasabihin ba niya o hindi
"Ask me instead Ophelia." seryosong nakatingin ngayon si Marcus kay Kevin at hindi sa akin
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Kanina nagtatanong ako walang sumasagot, sana sumagot na siya kanina edi sana siya ang kausap ko ngayon
"I asked 2 minutes ago and no one's anwering me. Now that I am asking Kevin you want me to asked you instead?" naiinis na sabi ko sa kaniya
Pigil naman ang tawanan ng tatlo sa sinagot ko kay Marcus I even heard Rosh saying 'Wala ka pala, e'. Banayad naman akong tinignan ni Marcus bago sinamaan ng tingin si Rosh sa tabi ko
Tinignan ko si Kevin at naabutan ko naman na nakangisi ito kay Marcus ngunit sumeryoso ng namataan na nakatingin na ako. Tumukhim muna siya bago nagsalita
"The court of appeals approve the case you filed against Mr. Luis Rosa." kung ganoon ay dinidinig na ang kaso niya ngayon at hindi rin magtatagal ay makukulong na siya. Mas mabuti iyon para wala hindi na niya magawa pa iyon sa iba
"Well, thats good. I'm gonna tell it kay lola." akmang tatayo na ako ng hawakan ni Rosh ang kamay ko
"Maupo ka muna may sasabihin pa si Kevin," hindi maganda ang pakiramdam ko sa sinabi ni Rosh. Mukhang hindi magandang balita talaga ang hatid nila ngayon kaya sila nagtipon tipon
Naupo ako muli at hinintay ang sunod na sasabihin ni Kevin. He hesitated but eventually said it
"Nakapagpiyansa si Luis, Amara. Kanina ko lang nalaman noong papunta ako rito para ibalita na pumayag na ang korte sa kaso." I arched my eyebrow at him
"How come he can bail out if we have concrete evidences on this case. Even you Kevin, you can be my witness that time." pagpapaliwanag ko. Paanong makakapagpiyansa ang isang tao na malakas ang ebidensya sa nagawang krimen?
"Mayaman ang pamilya ni Luis, Amara. Kaya hindi na rin nakapagtataka na may koneksyon sila sa gobyerno," seryosong ani ni Leon
"Ano naman ngayon kung mayaman sila? Nakapiring ang babaeng sumisimbolo sa hustisya para pakinggan lamang nito ang hinaing ng bawat tao. Gaano ba kanipis ang telang tumatabing sa kaniyang mata para masilip pa ang yaman ni Luis?" galit na saad ko. Natahimik silang apat sa sinabi ko at wala ni isa ang gustong sumagot sa aking tanong
Maybe my case isn't as heavy as those person who killed another but still my case is a case. Kadidinig pa lang ng kaso ay napalaya na agad si Luis then what more to those big cases who really needs unbiased justice.
"I am doing everything I can to give you the justice you want but if it won't work then we will have to do it my way," Marcus seriously said
I sighed heavily. Ngayon ko lang napagtatanto ang mga bagay na kayang gawin ni Luis. He can molest someone and still get away with it. Mukhang hindi nga basta basta ang lalaking iyon
"Sa ngayon ang magagawa muna natin ay ang bantayan ka. Marcus will hire bodyguards for your safety." Bodyguard? Kahit noong nasa maynila ako ay hindi ko naranasan ang magkaroon ng bodyguard ngayon pa na lagi akong laman ng chismis sa school
"Hindi na kailangan, Rosh. I won't do the same stupidity twice. Iintayin ko na lang si Manong Rodolfo tuwing uwian." pagtanggi ko kay Rosh. Nakakailang naman kasi kung habang nasa klase ako ay may mga bodyguard na nakapalibot sa akin at sa labas ng silid-aralan. Baka mas lalong hindi na ako kausapin ng mga kaklase ko kung mangyari iyon
"Kailangan mo iyon, Amara. Hindi tayo sigurado sa mga nakapaligid sayo. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Luis," pagiit ni Leon. May punto naman ang siya pero siguro naman ay wala na muling gagawa niyon lalo na at kalat na sa bayan ng Lalia ang ginawa sa akin ni Luis
"Wala nang gagawa ulit niyon Leon. Marami na ang nakakaalam sa ginawa ni Luis at sa mga hakbang na ginagawa ninyong apat mahuli lang siya." Kung maaari ay huwag na lang magbodyguard sasabihan ko na lang si Mang Rodolfo na isang oras bago ang uwian dapat nasa school na siya
"Huwag matigas ang ulo, Ophelia. Kung iniisip mo ang mga taong nakatingin sa iyo, ipapakalat ko sila sa mga lugar kung saan hindi mo sila makikita." Si Marcus na ang nagsalita
"We already talk about this, Marcus. Mas maigi kung mas malapit sa kaniya ang mga magbabantay para maaagapan agad." Tumaas naman bahagya ang boses ni Rosh at nakakunot na ang noo
Wow naman. Hindi ko alam kung desisyon ko ba ang kailangan o nakapagdesisyon na sila at ipinaaalam na lang sa akin
"We need to consider her opinion about this, Rosh. Kung saan siya kumportable ay doon din ako. Kung ano ang gusto niya iyon din ang gusto ko. I can always adjust everything when it comes to her." he seriously said in front of everyone.
I arched my eyebrow at him. Hindi ako natutuwa sa mga pabanat banat niyang ganiyan. Masyado silang pala desisyon.
"Huwag kang mag-alala mga propesyunal ang tauhan ko. Kaya ka nilang bantayan ng maigi nang hindi mo napapansin." Mahinang wika ni Kevin. Napatingin naman ako sa kaniya at tumango. Kung ganon wala akong magiging problema. Mas okay iyon para hindi na rin makaabala sa mga klase ko
"Ma'am excuse me po. May sulat po na dumating kailangan daw po ng pirma ninyo." Isa sa mga kasambahay
Tumayo ako para kunin ang sulat. Mukha kasing importante ito at kailangan pa ng pirma ko. Kalimitan naman ng sulat na natatanggap ni Lola ay ibinibigay na lang sa nga kasambahay
Hindi pa man ako nakakalayo sa kinauupuan nila ay narinig ko na ang mahinang mura ni Marcus bago naramdaman ang lalaki sa aking likod. Napasinghap pa ako sa gulat dahil sa bigla niyang paghawak sa aking bewang. Nakadikit ako ngayon sa dibdib niya
"You have red stain on your dress, baby." nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. I looked at my phone and found out that it is the time of the month. Kaya pala sumasakit ang ulo ko kanina pa at wala rin ako sa hulog ngayon
"Na-nakita ba nila?" napapikit ako ng mariin sa sobrang hiya. Pakiramdam ko ngayon ay nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang pula nito
"Hindi nila nakita."
"Sinungaling. Lahat kayo nakatingin sa akin kanina. N-nakakahiya hindi ko man lang naramdaman," naiinis kong sabi sa kaniya. Noong nakaraan ko pa inaantay ang regla ko hindi dumating tapos ngayon na hindi ko inantay labas naman ng labas
"You didn't see it, right" he isn't asking them. He is commanding them to say they didn't see it. Mas lalo pa akong nahiya ng tumikhim silang tatlo bago sabay sabay na sumagot nang oo
"Hindi nila nakita. Now I'll escort you to your room. Ako na ang kukuha at pipirma sa sulat na nasa labas" wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya. Umakyat na ako habang siya ay nasa likod ko nakasunod lang sa akin
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay dumeretso na ako kaagad sa closet para kumuha ng damit na pampalit. Hindi ko na inintindi si Marcus
Nakaputi pa naman akong dress ngayon kaya malamang ay nakita talaga nila ang tagos sa likurang bahagi ng aking pang-upo. Sa reaksyon pa lang ni Marcus ng tumayo ako ay baka pati ang upuan ko ay may tagos rin
Hayst. Nakakahiya talaga. I expected my period last week pero hindi dumating kaya ang akala ko ay irregular na ako iyon naman pala ay delayed lang
Mabilis akong nagbihis at nagpalit. Nagsuot na lang ako ng shorts at sando para na rin hindi na ako magpalit mamaya pagmatutulog na. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Marcus na nakasandal sa aking pintuan, naghihintay habang hawak ang sulat na ipinadala sa akin
Mukhang hindi siya tuluyang pumasok at umupo sa loob ng kwarto, "Upo ka baka magalay ka diyan."
"Hindi pa pwede. Hindi mo pa ako sinasagot," natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman alam na may pagkaconservative naman pala siya
"What? As if we're doing something bad. Isa pa nasa loob ka na rin naman," I told him while putting a lotion on my arms
I saw his veins in the side of his neck. Even his hands are tightly curled into a fist. Mukha siyang nagpipigil sa itsura niya ngayon
"Hihintayin na lang kita sa labas," kalmado naman ang kaniyang kilos ngunit hindi ang ekspresyon. Para siyang natatae na ewan
Tumango na lang ako at tinuloy ang pagpapahid ng lotion sa braso. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako ngunit hindi ko na naabutan pa si Marcus sa labas ng silid ko. Tignan mo iyon ang sabi ay hihintayin ako bago iniwan din naman pala ako
Pagbalik ko sa hardin ay mukhang hindi na maganda ang pinag-uusapan nila. Naputol lang ito ng matanaw ako ni Marcus bago tumayo at inakay sa tabi niya. Hindi ko na tinignan pa ang reaksyon ni Rosh dahil alam ko na magtatampo iyon sa hindi ko pag-upo sa tabi niya
"O, nabasa niyo na pala ang sulat." nakabukas na ang envelope ngunit hindi ko makita kung nasaan ang sulat
"Anong sabi? Sino raw ang nagpadala?" nilingon ko ang sila isa-isa. Ito na naman sila sa pagtitinginan nila. Ayoko sa lahat ay iyong naglilihim, kung hindi man maganda ang nasa sulat sabihin na agad para magawan ng paraan
"Nakaalis na nang bansa si Luis, Amara." mahina ngunit may galit na sabi ni Leon. Nakita ko rin ang pagiging seryoso ni Rosh ngayon pati na ni Kevin. Tahimik lang sila at tila nag-iisip kung ano ang maaring gawin sa nabalitaan
"Mukhang natunugan nila agad na itutuloy mo pa rin ang kaso kahit na anong mangyari kaya dinala na siya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Buong pamilya niya ang umalis." pagpapaliwanag ni Kevin.
"Kami na ang bahala sa kaso. Kailangan mo munang magpahinga pa dahil sa nangyari. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako," pagpapatuloy pa ni Kevin
Siguro nga ay kailangan ko na ipaubaya sa kanila ang kaso. Hindi pala madali ang ganitong sitwasyon lalo na kung may kapit pa ang nasasakdal sa gobyerno.