LITTLE GIRL
Abala ngayon ang buong tauhan ni lola sa taniman ng kape. Hina-harvest na kasi ito at dadalhin sa pamilihang bayan
Pinanonood ko lang ang mga tauhan kung paano nila pitasin ito isa-isa at ilagay sa mga sarili nilang basket. Katamtaman lang ang araw kaya hindi rin gaanong mainit ngayo
Isang buwan na rin nung huli kong makita ang magkapatid na Marcus at Leon. Simula kasi nung pagkikita namin sa hapag ay hindi ko na nakita muli ang mga ito
"Naiinip na ako dito sa bahay" buntong hininga ko habang nakapangalumbaba
"Ate kung hahanapin ako ni lola pakisabi na nasa library lang ako ah" nagpasya na akong tumayo at magpunta sa library dahil wala rin naman akong ginawa kundi ang panoorin ang mga tauhan mamitas ng kape
Nasa pangalawang palapag din ang silid-aklatan ngunit sa kaliwang banda. Malaki rin ito at marami ring libro
"Ano kayang magandang basahin hmm" dumeretso ako sa mga libro kung saan may mga romance novel
May mga ilang libro dito si Nicholas sparks at iba pang mga kilalang foreign authors. Wala akong mapili kaya minabuti ko nalang muna na maglibot para makahanap ng magandang babasahin
Nakarating ako sa dulong shelves. Maliit lang ito kumpara sa ibang mga shelves at hindi mga libro ang laman nito kundi mga photo albums. Nakita ko kasi ang ilan sa mga pictures na nakalagay lang rito
Kanino kaya ang mga ito? Kinuha ko ang kulay dilaw na photo album at dumeretso sa desk na nasa gitna nitong library
Nakita ko si papa sa litrato na may kasamang isang lalaki at dalawang batang lalaki. Sa sumunod naman ay sila ni mama ang nakita ko
Ngumiti ako ng mapait. Ang saya dito ni papa. Magkasama sila ni mama sa picture. Tinignan ko pa ang sunod at nakita ko ang nag-iisang picture ko kasama si pap
Napaiyak ako nung makita ito. Family picture naming itong tatlo. Halos dalawang taon pa lang ako rito. Karga ako ni mama habang nakahalik sila sa magkabilang pisnge ko
Wala akong alaala kay papa kundi ang kwintas na binigay nito sa akin. Tatlong buwan pagkatapos ng kaarawan ko nang pumanaw ito
"P-pa, hindi mo sana kami iniwan. Sana kumpleto tayo ngayon. H-hindi yung nag-iisa na lang ako" pumatak ang luha ko sa litratong hawak ko. Hindi ko na rin mapigilan ang mga hikbi ko
Isa ito sa mga alaala na babalikan ko kung maari. Nabigla ako nang biglang bumukas ang pintuan
Napatingin ako at nakita ko si Marcus. Napatayo ako sa bigla 'What he's doing here?'
Kuno't noong iniisip ko kung bakit malaya itong nakakapasok at labas sa loob ng bahay. Kung ganoon, bakit pinapayagan ito ni lola? Pinunasan ko ang luha ko.
"I'm sorry for coming in. I thought lola anista was here" nakatayo lang ito sa tapat ng pintuan at nakahawak sa doorknob.
"Lola isn't here. Y-you should knock first before entering like that" I stuttered.
Tumango lang ito at umalis na rin. I sighed "What he's doing here anyway? Ang mga tauhan naman na ang nag-aani ng mga kape" lintaya ko sa kawalan habang inililigpit ang mga photo albums.
Kinuha ko ang nag-iisang family photo naming, ilalagay ko na lang ito sa silid ko.
Dumeretso na muna ako sa aking silid para ilagay sa isang frame ang litrato at nagdesisyon na ring bumaba.
Walang tayo sa baba kaya't nagtungo ako sa taniman ng mga kape. Hindi pa man ako nakakarating ay naririnig ko na ang kumusyon doon.
"Nako ser, kahit ang misis ko ay gustong gusto ang kape ni Ma'am anista. Purong puro raw at masarap kapag itinimpla" rinig kong may mga nagtatawanan at mistulang nagpapahinga ang mga tauhan.
Nadatnan kong nasa upuan ko kanina si Marcus na nakadekwatro pa. May kausap itong isang tauhan. Ito siguro ang head nila.
"Kung ganon ho, yung isang sako ay sa inyo na" may ngiting sagot naman ni Marcus.
Kung titignan ang itsura nito ngayon ay maaliwalas ang mukha. Ibang iba sa Marcus na nakilala ko noong isang buwan. Dapat palagi nalang s'yang nakangiti, bagay ito sa kanya.
"Ay Ma'am upo po kayo, pasensya na po napasarap ang kwentuhan" tumayo ito agad ng mapansin ako nito at inilahad ang upuan sa tapat ni Marcus.
Napalingon naman si Marcus at muli ring ibinalik sa tauhan ang tingin.
"Sige ho sir, babalik na ho ako" at umalis na ito.
Umupo ako sa harapan nito. Nakaharap ako rito habang s'ya naman ay sa taniman nakaharap at tingin. Pansin ko ang kape na hawak nito ngayon at iniinom. Smells like black coffee.
"Bakit bibigyan mo ang tauhan ng isang sakong kape na hindi man lang nagpapaalam kay lola?" tanong ko rit
Ibinaba naman nito ang kape at tignan ako, sa taniman pa rin ito nakaharap "You should ask your lola about that" masungit na sabi nito at ibinalik na naman ang tingin sa harap.
Parang kanina lang ngumingiti na ito ngayon balik na naman sa dati
"I-i forgot to ask lola about it" iniwas ko ang tingin sa kanya
"Then ask her later" maikling sagot nito na prang sinasabi na wag ko syang kausapin.
I sighed. I look how they manually packing the coffee beans. I felt his stare towards me.
"What?" I asked him
Para itong natauhan sa pagkakatitig, "Nothing" he said in husky voice.
"Sir, ayos na ho itong order sa bayan. Pwede na ho nating ideliver ngayon" sigaw naman ng head
"Pakikarga na lang sa truck para maagang madala" sabi ni Marcus. Tumayo na ito at umalis
Magdedeliver sila sa bayan? Parang magandang ideya yon
I decided to come along with them since I'm super bored here. Wala rin akong ginagawa, isa pa hindi pa ako nakakapasyal sa bayan
Lumabas ako ng bahay at naabutan na nagkakarga ang mga tauhan. Minamanduhan ito ng head nila.
"Manong" tawag ko dito. Niligon naman ako ito
"Ay Ma'am, may ibibiilin po ba kayo?" tanong nito sa akin
"Wala po. Gusto ko po kasi sanang sumama pwede po ba?" Nag-aalangan ko itong tinignan. Baka hindi s'ya pumayag? Bakit naman s'ya hindi papaya? E sa amin naman galing ang mga ito
Napakamot ito ng ulo sa narinig "Ay ma'am truck ho ang gagamitin namin e, baka po mainitan kayo lalo na't wala itong bubong" turo ni manong sa truck
Napangiwi ako sa narinig. Tinignan ko ang tinuro nito. Wala nga itong bubong at literal na truck ito
Kakayanin ko naman ata ang sumakay dyan? Ibig sabihin ba noon kasama ko rin ang iba pang mga tauhan? Ako naman ang may gusto nito e
Wala kasi ni Mang rodolfo, kasama ito ni lola sa maynila. Sumaglit doon si lola dahil nandoon ang mga tito't tita k
"Ayos lang po manong" ngiti ko dito at sakto naman na tapos ng ikarga ang mga kape
Lumapit na ako sa truck para makasakay. Ipinauna naman nila ako
Ang hirap namang sumakay dito masyado itong mataas kaya't kailangan ko ring humakbang nang malaki dahil sa suot kong spaghetti dress na two inches above the knee
"Tulungan ko na kayo Miss mara" inilahad naman nang isang binatilyo ang kanyang kamay sa akin para matulungan akong umakyat ng maayos. Tinanggap ko naman ito
Bago pa man ako maka akyat ng tuluyan ay may narinig na akong nagsalita sa likuran.
"What's happening here?" baritonong tanong ni Marcus. Tinignan nya muna ang head ng mga tauhan bago lumipat ang tingin sa akin pababa sa kamay na hawak kong hawak ng isang tauhan pa
He clenched his jaw upon seeing my hand then looked at me again. Pinagmasdan nito ang suot ko na para bang may mali doon. Binitawan ko naman na ang kamay ng isang tauhan
Tinignan nito ang head na parang naghihintay ng paliwanag. "Ser, sasama daw si Ma'am sa bayan gusto ata mamasyal" sagot naman nang head
Tumingin naman ito sa akin "Can we talk?" sabi nito sa malalim na boses. Tumango ako at sumunod sa kanya
Hindi ko alam kung galit ba ito, teka bakit naman sya magagalit e wala naman akong ginagawang masama. Napanguso ako dahil sa naisip
Huminto ito bigla at humarap sa akin. Napahinto rin ako at napaatras dahil sa lapit naming dalawa sa isa't is
"Nagpaalam ka ba kay lola?" masungit na tanong nito sa akin
Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpaalam kay lola. Napapikit ako ng mariin dahil dito
"Hindi pa itetext ko nalang siguro ito mamaya" tinignan ko ito ng deretso para malaman nito na hindi naman ako pagagalitan ni lola. Nakita ko itong sumenyas sa mga tauhan at narinig kong umalis na ang truck.
"Hala, manong sandali lang po!" sigaw ko ngunit nakaalis na ang mga ito.
"Bakit mo ginawa yon? Alam mo namang sasama ako sa kanila papunta sa bayan" galit ko itong tinignan.
"Do you think I'll let you come with them wearing that?" tanong nito at hinagod ng tingin ang katawan ko
Nainis ako sa sinabi nito. Maayos ang suot kong dress hindi naman ito kabastos bastos. "What's wrong with my dress? Desente naman itong tignan ah!" sabi ko naman
"Sa akin ka sasama" ito lang ang sinabi at tinalikuran na ako. Dumeretso na ito sa isang Mercedes benz na itim at binuksan ang passenger seat nito
"Are you coming with me or not?" inirapan ko ito ng palihim at padabog na naglakad papasok sa sasakyan nya.
Umikot na ito at sumakay na rin. "You should ask lola anista first if you want to go somewhere" sabi nito habang nagmamaneho.
Kitang kita ang hugis ng mga panga nito kapag tinignan sa gilid. "I'm already grown up, besides hindi naman magagalit si lola" sagot ko
He chuckled at my response. Sinandal nito ang siko sa pituan ng sasakyan at pinaglaruan ang kanyang labi "You're still young. Maybe lola won't get mad at you but she'll get worried about you" seryosong sagot naman nito sa akin.
Napaharap naman ako sa kanya ng marinig ang sinabi "Hindi na ako bata, I am already 18 at itetext ko naman si lola na pupunta ako ngayon sa bayan"
"18 is still young, little girl. You're still in senior high school" he looked at me with his playful eyes but still there is authority in it.
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. What? Little girl!? I am not a kid anymore, damn him. Nakaawang ang bibig na tinignan ko ito dahil sa inis.
"W-what!?" pasigaw kong tanong sa kanya. He smirked at my reaction
"Ang sabi ko itext mo na si lola na papunta na tayo sa bayan" sabi naman nito
Dahil sa inis ko sa kanya ay tinext ko nalang si lola at hindi na umimik pa. Hindi na rin naman s'ya sumubok pang makipag-usap.
Halos isang oras at kinse minutos ang itinagal ng byahe. Mapapanis na ata ang laway ko dahil ni-isa sa amin ay walang nagsasalita. Buti at naisipan nitong buksanang stereo kanina.
Nag-inat ako ng kaunti pagkalabas. Ang daming tao ngayon sa bayan magtatanghalian na rin kasi. Nakasunod lang sa paglalakad sa akin si Marcus.
"Wow, may mga magagandang damit pala rito at mukhang murang mura" manghang sabi ko ng makita ang isang dress off-shoulder.
"Sir Marcus, ikaw pala iyan" masayang bati ng matandang lalaki na nagbebenta ng mga damit.
"Magandang umaga po" magalang naman na bumati ito sa lalaki
Napatingin ang matandang lalaki sa akin "May kasama ka ngayon sir ah, nobya mo na ba ito? Maganda sir"
'Nobya? Bata pa raw ako sabi ng lalaking ito manong' sinagot ko si manong sa isip ko. Tinignan ko na ang loob ng tindahan.
"Anak ho ni tito arthur" sabi naman ni Marcus. Hindi ko na sila pinansin at namili nan ang mga damit.
Nasa bungad lang kasi ang mga bilihan ng damit at palamuti sa katawan. Sa loob kasi ay puro bilihan nang mga ulam.
I saw a blue off-shoulder dress with flowers design in it. The way I it is above my knee. I want to buy it but then I remember that I forgot to bring money, I pouted.
Sayang ang ganda pa naman. Dismayado ko itong tinignan. "Do you want to buy that" sabi ni Marcus sa likod ko.
Nakapasok na pala ito sa loob, akala ko nakikipag-usap pa ito sa nagtitinda "Maybe next time. I forgot to bring my wallet kasi e" sabi ko
"Let's go, I wanna roam around here" at nauna na akong lumabas. Kung kani-kanino ako humihintong tindahan para sukatin o subukan lang mga magagandang bagay na nakikita ko. Hindi naman nagagalit ang mga nagtitinda dahil kilala na rito si Marcus.
"Bagay ba sa akin?," I said while holding the two earrings on my ear. His unexpressive eyes look bored but he still nod.
Binitawan ko na lang ang hikaw at nagpatuloy sa pagtingin ng kung anong palamuti. Maraming maganda dito sa bayan, wala nga lang talaga akong dalang pera sa ngayon
Pagod akong umupo sa isang bench at sumunod naman na umupo sa tabi ko si Marcus.
"Hay, nakakapagod din pala ang maglibot" pinaypayan ko ang sarili dahil sa pawis. Mainit na kasi dahil tanghali na.
Nag-abot naman si Marcus ng isang itim na panyo,"punasan mo yung pawis mo"
Tinggap ko naman ito "Yes, daddy pupunasan na po" natatawang sinabi ko sa kanya
Tinaasan ako nito ng kilay at masungit na tinignan "I'm not your dad"
Tinawanan ko ang reaksyon nito. Sa wakas, nakaganti rin ako sa pang-aasar nito kanina. His irritated eyes are more visible now. Napakabugnutin talaga ng lalaki na ito
Pinunasan ko na lang ang pawis ko, grabe masyadong mainit ngayon o hindi lang ako sanay
"Pasado alas dose na, kailangan mo na kumain" sabi ni Marcus habang nagpupunas pa rin ako ng pawis
"Gutom na nga rin ako e. Saan ba ang malapit na kainan dito?" tanong ko sa kanya. Binuklat ko ang panyo at inilagay sa ulo ko
"May alam akong malapit" at tumayo na itong muli.
Hindi na ako nagreklamo. Sinundan ko na ito dahil gutom na rin talaga ako.