CHAPTER 19

2489 Words
NECK TIE My mind is still clouded by the pleasure he gave me when someone knocked in. Nataranta naman ako ngunit hindi pa rin ako binibitawan ni Marcus. His arms are still possessively encircling my waist. Siya na rin ang nag-ayos ng bra at damit ko kanina. "Marcus, get off na. May kumakatok baka importante iyon. Isa pa, hindi ka pa nagl-lunch." He didn't flinch at all. Mas lalo lang niya akong niyakap bago inihilig ang kaniyang ulo sa aking leeg "Sir? Tumawag na po si Signora Sandra, ilang minuto na lang daw po ay dadating na sila." "Later, baby. I want us to stay like this." Hindi niya pinansin ang sinabi ng sekretarya niya at mas lalo lang akong niyakap. I didn't know he is this clingy even here in his company. "Marcus, I'm already hungry..." malambing kong sabi sa kaniya. He stop sniffing my neck and look me. Napatingin ako sa pintuan dahil sa muling pagkatok ng nasa labas. "Come on..." "Hinahanap ka na rin nila sa labas," sabi ko. Nakita ko ang pagtutol sa kaniyang nga mata ngunit wala rin nagawa at pinakawalan ako. Napansin kong nagulo ang suit at neck tie ni Marcus dahil sa ginawa namin kanina. Namula naman ulit ang pisngi ko ng maisip ang nangyari. Si Marcus pa lang ang nakagagawa noon sa akin kaya't ang naramdaman kanina ay bago sa akin. Inaayos niya ang kaniyang butones nang lapitan ko siya, "Let me fix your tie. Nakakahiya kung lalabas kang magulo ang neck tie mo." Ramdam ko ang tingin niya sa akin habang inaayos ang kaniyang kurbata. "Kanina ka pa kinakatok ng sekretarya mo, baka importante iyon." Isang beses ko pang pinasadahan ng kamay ang kaniyang suit bago siya tiningala. I smiled to him. He is just looking at me intently, I wonder what he is thinking right now. "You really look —" naputol naman ang kaniyang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan ng conference room. "I already sent a message on your secretary that we will be here in a minute. I thought you'll be the one who will welcome us since I'm with Laira" Sabi agad ng isang babaeng sopistikadang sopistikada sa damit pa lang at pagsasalita. She has the same lips like Marcus. She's wearing a black one shoulder sleeve lantern slit dress while holding a gucci bag. She has the same hair color with leon. Her stoic face make her look evenly strict. "Mama, I thought you'll arrive next week," sabi ni Marcus bago nilapitan ang babae at hinalikan sa pisngi. "Sa susunod pa talaga dapat ang dating ko pero gusto na ni Laira na magpunta rito kaagad para daw may panahon kayo sa isa't isa na magkumustahan." Inikot niya ang kaniyang mata sa paligid na may disgusto sa ekspresyon. "Tama lang na magpaexpand tayo ngayon, napaliit na nitong tignan at luma na rin hindi gaya noon." Napatingin naman ako sa paligid at naghanap kung saan ang luma doon. Halos lahat ng muwebles doon ay moderno at mukhang nasa isa o dalawang taon pa lang ang itinatagal. "We will expand, Mom. But this part will still be the same." Nagligpit na si Marcus ng mga papeles niya na nasa mesa. Tinanaw ko ang kaniyang ina at nakitaan ko ng pagtutol ang ekspresyon nito sa sinabi ng lalaki. Mukhang naramdaman naman ni Marcus ang tingin na iginagawad sa kaniya ng kaniyang ina. Bumuntong hininga ito bago binitawan ang mga papel at hinarap muli ang ina, "Dalawang taon pa lang ang nakakalipas ng iparenovate ito ni Don. Isa pa kung ipaparenovate ulit at isasama itong main building, mas malaki ang magagastos at walang paglilipatan ang ibang mga empleyado." Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng ibang ekspresyon ang mukha ng mama ni Marcus, "This was renovated last two years? How come I didn't know about this?" "You're still in states that time, Mama." Inignora na lang ng Signora ang sinabi ni Marcus. Hindi ko alam kung hindi lang talaga ako nakikita ni Signora o talagang hindi niya inilalapat ang kaniyang tingin sa akin. Naramdaman ko ang haplos ni Marcus sa aking bewang at sa pagkakataong iyon ay napansin na ako ni Signora. Ang kaniyang tingin ay hindi nangigilala kundi nanghuhusga na para bang kanina pa dapat ako lumabas ng silid na iyon. Bumagsak ang tingin niya sa aking bewang na hawak ni Marcus ngayon. Hindi ko na din naiintindihan ang sinasabi ni Marcus dahil sa tensyon na binibigay ng mga tingin ni Signora. Isang tikhim ang ginawad niya dahilan upang mapalayo ako kay Marcus. Alam kong napansin ni Marcus ang bahagyang paglayo ko sa kaniya, "What's wrong? Come on let's eat. I'm hungry." Kinuha niya ang baunan na nasa gilid ko lang "Marcus, we will be having a dinner with Laira." Ang tingin niya ay hindi naaalis sa akin kahit na si Marcus na ang kinakausap. Parang ipinararating niya na dapat na akong umalis dahil may gagawin pa silang mag-ina Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinakayang tagalan ang tingin na iginagawad ng Signora. "Ahm... Marcus, I think you should accompany Signora first," I tried to get the lunch box on his hands but he just take it away from me. I looked up on him. Hindi niya alintana ang presensya ng kaniyang Mama sa harap namin. Nakakunot ang noo at tila hindi nagustuhan ang sinabi ko, "Sa susunod na lang tayo kumain ng .... sabay," halos bulong kong sabi sa sobrang hiya at kaba na baka marinig pa ito ng Signora. "Marcus, Laira will be in the restaurant in any minute now, we need to hurry, nakakahiya na paghintayin mo pa ang dalaga." Sa pagkakataong iyon ay kay Marcus na siya nakatingin, malumanay na rin ang bawat dampi ng kaniyang titig sa lalaki. Ibang iba sa titig na iginawad niya sa akin kanina "Nina, what is my schedule this time?" tanong ni Marcus. His stares are all on me. He is too focused on me that he didn't even give her mother a single glance about what she said "Y-you'll have your dinner with Ms. Mara Roque, Sir." Ikinagulat ko naman ang sinabing iyon ng kaniyang sekretarya. Hindi ko alam na talagang kasama pa sa schedule niya ang pagkain namin ng sabay ngayon. "You hear my secretary, Mama. My schedule is already planned out. You can eat with Laira since you are the one who scheduled a lunch with her," pirming sabi ni Marcus bago ako hinila palabas ng conference room Hindi naman nakatakas sa paningin ako ang pag-awang ng bibig ni Signora dahil sa gulat. Deretso ang paglakad ni Marcus sa kaniyang opisina. Nilock niya ang pinto at deretso sa mesang maliit at inihanda ang pagkain na siya na rin ang nagdala kanina "Marcus, dapat ay sumama ka na muna kay Signora. Baka importante ang kikitain niyo doon lalo na kararating lang niya." Hindi siya natinag sa sinabi ko at patuloy pa rin sa pag-aayos ng pagkain. "Mas importante ka," iyon lang ang sinabi niya at naupo na. He looked at me with his tender eyes. Nag-iwas naman ako ng tingin at pinigil ang ngiting umuusbong sa aking labi. "Come on, baby. I am already hungry," he said before he stood up and held my waist to made me sit in and eat beside him. He started separating kare-kare in half and gave it to me "No, Marcus. I brought it only for you. I already ate earlier before I go here." I explained. I watched him ate the food I bought, scared of what he will react after. Mas kinakabahan pa ako ngayon kesa sa kaba kanina na baka mahuli kami sa ginagawa. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi sa naalala. "Masarap ba?" tanong ko na lang para mawala ang kamunduhang iniisip. "Uhm-hmm." tango niya habang nginunguya ang kare-kare na dala ko. Nakahinga naman ako ng maluwag, buti na lang talaga at tumulong si Manang Emy. Gustuhin ko man na ako ang tumapos sa pagluluto ay hindi pwede. Mabuti nga at pinayagan ako ni Rosh na dalhin pa ito kay Marcus. We remained like that, teasing each other while being sweet. I like this kind of intimacy, talking about simple things while watching him eating. I can see in his eyes the pure happiness that he id feeling right now. I am really in love with him, with Marcus. "Stop it, Marcus. Someone might see us," he is at it again. His face is in my neck just above on my shoulder while his both hands are caressing my waist. I tried to get away from him but he always find his way on the same spot, planting light kisses and sometimes sucking the skin on my neck. We were currently in his bathroom na dapat ay ako lang naman talaga dahil hinuhugasan ko ang baunan na ginamit kanina. Hindi lang talaga mapakali si Marcus kaya sumunod dito para manggulo. "I think I am getting addicted on your smell, baby." he whispered while still giving me light kisses on my neck. "Marcus, I didn't know you're too clingy." bahagya ko siyang siniko sa tiyan at ang loko ay kunwari pang nasaktan. "Did I make my baby turned off?" hinarap ko siya dahil nahimigan ko ng pagseseryoso ang kaniyang boses. I looked at him and saw his serious eyes. I supressed my smile, I looked at him. His big body are covering me from the sight outside his bathroom. Kung titignan kami ay mukhang siya lang ang tao dito sa loob. His broad shoulders are on my eye level, ganoon siya katangkad sa akin. I noticed his neck tie. There is an initial letter on the triangle part of it, L. Mukhang kay Leon pa ata ang gamit niyang neck tie. "I always got turned off when my suitors are too clingy, they were too possesive kahit na hindi ko pa sila sinasagot." I tried to said it also in serious voice. "Really?" his voice darkened. Magkasalubong ang kilay at makikitaan ng inis ang mga mata. "You have boys back in manila?" tanong niya na parang iyon lang ang narinig sa mga sinabi ko "Aba syempre! Hindi lang ikaw ang marami babae noon no! Marami rin naman ang naghahabol sa akin." sabi ko habang naglalakad palabas ng banyo. Kung kanina ay nakasunod lang siya sa akin, ngayon ay nakaupo na ito sa dulo ng kaniyang mesa habang tinatanggal ang butones ng kaniyang longsleeve. "Tell me about him," his dark voice are more dangerous now. He rolled his sleeves up to his elbow before he crossed his arms. "Well, he always give me everything I want. One time I mentioned that I still don't have a dress to wear for the acquaintance and guess what!? He bought me a whole set of dress. Not that I don't have the money to buy one but I am shocked that day!" dire-diretso kong sabi habang nakatalikod sa kaniya at inaayos ang baunan na pinaglagyan ng kare-kare kanina. I heard him scoffed, "Is that all? I can buy you a whole boutique or the mall instead if you want." Nasa boses na niya ang ang pagyayabang. Pinigilan ko ang tawa ko dahil ramdam ko na naiinis na siya. Well, totoo naman ang sinabi ko pero hindi naman talaga ako nagulat at hindi ko tinggap ang damit na binigay sa akin nuon. Naging usap usapan iyon sa school namin pero kalaunan ay nawala rin naman. I looked at him and saw his scowled serious face getting darker each time passes. "Really?" hamon ko sa kaniya "Try me, then." tinaasan ko lang siya ng kilay. That is impossible, a whole boutique right here and then? Impossible. He smirked at me and call his secretary. Wala pang isang minuto ay pumasok na agad si Nina sa opisina. Hindi pa man tuluyang nakakapasok ay nagsalita na agad si Marcus, "Call the nearest chanel boutique, tell them I'll buy every dresses, heels or even bags they have." Nanlaki naman ang mga mata ko. "Yes, Sir," ito lang ang sinabi ni Nina at umalis na rin kaagad ng opisina. "What else do you want?" mayabang na tanong sa akin ni Marcus. I am still processing what happened earlier. "I-I am just kidding, Marcus! You don't have to do it!" kibit balikat lang niya akong tinignan bago naglahad ng kaniyang kamay sa akin. Still in shocked I looked at him. "Come here," he said. Hindi ako kaagad nakakilos sa sinabi niya kaya siya na ang kumuha ng aking kamay at hinigit ako sa kaniyang bisig. Nagbalik na naman siya sa pwesto niya sa akin. Ang kaniyang mukha ay nakasubsob sa akibg leeg habang ang mga kamay ay nasa aking beywang "I am a not a possesive man before I met you but I can help to be one when it comes to you. So please bear with me, baby." His husky voice sent shivers to my spine. "Marcus I—." Naputol ang aking sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang babae. Napansin niya ang pwesto namin ni Marcus kaya humiwalay ako sa kaniya. Kung titignan ang babae ay napakaganda nito. Mas matangkad sa akin at mukhang kaedad ni Marcus. Maputi ang babae at mukhang hindi pa nadadapuan ng lamok sa sobrang kinis ng balat. Ang kaniyang mga mata ay katamtaman lamang, ang ilong ay maliit ngunit matangos bagay sa katamtaman niyang hugis ng mukha. Ang mga labi ay katulad ng sa akin, kitang kita ang kurba ngunit mas manipis lang ang kaniya. Even her walk screams elegance, maturity and sophistication. "Tita said that you rejected my invitation of lunch that is why you didn't show up on the restaurant." "I have something more important to attend to Laira," Marcus said in monotone. "Really? Is there's someone more important than me?" nahimigan ko ng pang-aasar abg kaniyang boses. Mas lumapit pa ito kay Marcus at akmang makikipagbeso ngunit ang halik na dapat sa pisngi ay dumapo sa gilid ng labi ni Marcus. I saw shocked on Marcus face. Mukhang hindi niya rin inaasahan ang ginawa ng babae. He looked at me but I avoided his eyes. I signed heavily. Is this my karma for trying to provoke Marcus earlier about my suitors? I chuckled silently. Slowly, I feel the bitterness that is entralling my whole system. "Laira." iyon lang ang narinig ko kay Marcus. Nang tignan ko ito ay hawak na nito ang braso ni Laira at malaki na ang espasyo sa isa't isa. "Why? We always kissed before, why can't I do that now? Isa pa alam kong namiss mo ako," malambing na sabi nito. Pati ang boses niya ay mukhang napakahinhin. Hindi ko alam kung ganoon na ang boses niya o dahil nasa harapan lang siya ni Marcus. "You're still wearing the necktie I gave to you. The one I customized with my initials." she sweetly said before she hugged Marcus tightly. So the initial letter "L" on his necktie stands for Laira and not for Leon, huh. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD